Ilang oras na nang magising si Yu Ying at hindi pa rin siya mapakali sa mga bagay bagay na nakapaligid sa mga oras na 'yon. Hindi niya alam kung ano ang mga kagamitan na naroon maliban sa mga espada na may kakaibang hugis at desenyo.
"Sandali lang ah..." dinig ni Yu Ying na sabi ni Li Xie, napalingon siya rito at nakita niya na nakasuot pa rin ito ng damit na hindi siya pamilyar.Nang tanungin ni Yu Ying kung anong damit ang suot niya, ang tanging sagot lamang sa kaniya ni Li Xie, "Laboratory gown ang tawag dito."
Hindi man naiintindihan ni Yu Ying ay hindi na siya nagtanong pa. Si Li Xie naman ay hindi na nagsalita pa dahil hindi na rin naman nagtanong pa si Yu Ying. Mas gusto niya iyon dahil hindi rin naman niya alam kung paano sasabihin ang ilang bagay kay Yu Ying.
"Xie?"
"Hmm?"
"Anong meron sa lugar na 'to?"
Sandali naman na napatigil si Li Xie sa kaniyang gamot na ginagawa at saka siya naglakad papalapit kay Yu Ying. Umupo siya sa upuan sa tabi ng higaan ni Yu Ying at saka ito seryoso na tumingin kay Yu Ying.
"Kapag sinabi ko ba sa 'yo ang lahat maniniwala ka?" deretsang sambit ni Li Xie at seryosong nakatingin kay Yu Ying. Hindi naman kaagad na nagsalita si Yu Ying at saka naman nagpatuloy si Li Xie, "Alam ko naman kasi na hindi kapani-paniwala ang sasabihin ko kaya tinatanong ko kung maniniwala ka ba o hindi. Baliwala lang kasi kung sasabihin ko at hindi ka rin naman maniniwala."
Yumuko sandali si Yu Ying at ilang minuto pa lamang ay tumingin na itong muli kay Li Xie at saka sinabing, "Oo, maniniwala ako."
"E bakit nagdalawang isip ka?"
"Dahil alam ko na hindi lang ito basta bastang sekreto lamang. Kung handa kang sabihin sa 'kin ang tungkol dito e 'di kailangan ko ring magsabi ng-"
"Mukha ba akong interesado sa mga sekreto mo? Hindi ko sasabihin sa 'yo kung hindi kailangan o kung hindi mo pa nakikita. Pero dahil nakita mo na itong lugar na ito ay kailangan kong sabihin iyon sa 'yo," paliwanag ni Li Xie at saka ito tumayo. "Kung gustong sabihin ang sekreto mo, okay lang sa akin. Kung hindi naman, okay lang din sa akin. Hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo na sabihin ang sekreto mo sa akin."
Sandali naman na napatigil si Yu Ying at saka tumango. Para sa kaniya, kakaibang babae talaga si Li Xie. Kung magkakaroon siya nang pagkakataon na makilala pa si Li Xie ay hindi siya magdadalawang isip na kilalanin ito. Iba si Li Xie sa mga babae na nakilala niya at kung ikukumapara man siya sa mga ito, lamang na lamang si Li Xie. Hindi lamang sa ganda kundi pati na rin sa kaniyang talento at talino.
"Okay, sige. Kung maniniwala ka sisimulan ko na," sambit ni Li Xie.
"Um!"
"Ang lugar na ito ay tinatawag na Phoenix System. Ito ay isang klaseng dimension na nakakunekta sa kaluluwa ng isang tao. Nasa pamilya na namin ang ganitong kakayahan at kung tatanungin mo kung anong pamilya, alam ko na alam mo na 'yon," kalahati sa mga sinabi ni Li Xie ay kasinungalingan at kalahati naman ay katotoohanan. "Hindi alam ito ng ilan sa pamilya at iilan lamang ang nakakaalam nito," dagdga niya. "Ang mga kagamitan na iyan ay galing sa ibang mundo."
"Ibang mundo?" gulat na pag-uulit ni Yu Ying.
Tumango si Li Xie at nagdadalawang isip kung sasabihin ba niya ang tungkol sa sa kaniyang paglalakbay o hindi. Sa huli, alam niya kung ano ang mga dapat at hindi dapat sabihin.
"Nang muntik na akong mamatay..." tumigil si Li Xie sa pagsasalita at naalala naman niya ang pagtatangka ng tiyanhin at pinsan ng may-ari ng katawan na kaniyang inuukupa "Nakakita ako ng iba't ibang pangyayari at pakiramda ko ay hindi sa akin. Nang maging maliwanag naman ang aking isipan, nang makapag-isip isip na ako ay doon ko napagtanto na ang mga pangyayari na nakita ko noong naghihingalo ako ay ang alaala ko noon sa dati kong buhay," paliwanag ni Li Xie.
Kitang kita ni Li Xie ang panlalaki ng mga mata ni Yu Ying at hind iniya malaman kung gulat ba ito, takot, o nagbibiro. Hindi alam ni Li Xie kung anong meron sa kaniyang reaksyon, hindi niya masabi kung anong klaseng emosyon mayroon kay Yu Ying. Iyon ang unang pagkakataon na hindi magawa ni Li Xie na basahin ang emosyon ng isang tao.
"Nakuha mo ang memorya mo sa dati mong buhay?" hindi makapaniwalang pag-uulit muli ni Yu Ying sa sinabi ni Li Xie. Inulit niya itong muli upang makumpirma niya sa mismo mula sa bibig ni Li Xie na tama at totoo ang kaniyang narinig.
Tumango si Li Xie bilang sagot kay Yu Ying. "Hindi kapani-paniwala, hindi ba?" tanong ni Li Xie at saka siya tumayo. "Kaya hindi rin pumasok sa isip ko na sabihin ang tungkol dito."
"Hindi..." kaagad na sambit ni Yu Ying at napatingin naman sa kaniya si Li Xie. "Naniniwala ako."
"Paano ka naman maniniwala kung mukhang pantasya lamang ng kwento ko?"
Nagdadalawang isip si Yu Ying kung sasabihin ba niya ang tungkol sa kaniyang nalalaman dahil isa ito sa pinakatatago ng mga Royalties pero dahil sa pinagkakatiwalaan ni Yu Ying si Li Xie higit sa lahat ay kinuwento niya.
Naniniwala si Yu Ying dahil mayroong klaseng libro na nagbibigay ng paliwanag sa ganoong sitwasyon. Ang sabi sa libro na nabasa ni Yu Ying ay mayroong isa o dalawang tao na ipapanganak na mayroong kakaibang kakayahan. Ang kakayahan na iyon ay siyang magiging katuwang ng buong emperyo upang mas mapalago pa ito.
Kung gagamitin ito sa tama ay magiging lakas ito ng buong emperyo ngunit kung gagamitin ito sa masama ay magiging kahinaan ito ng emperyo. Ang babae o lalaking may marka ay darating upang tumulong sa pagtatag ng bagong emperyo at pagpapatatag pa ng pundasyon ng emperyo. Sa madaling salita, ang taong mayroong marka ay siyang mamimili kung sino ang susunod na magiging Emperor at nasa taong iyon ang desisyon kung ang napiling Empress ng Emperor ba ay maaring umupo o hindi.
Ang lalaking may dragon na marka ang siyang mangunguna sa mga sundalo at ang babaeng may phoenix na marka naman ang siyang makakatulong ng Emperor sa mga bagay na maaring ayusin sa Emperyo.
"Sa madaling salita ay utusan pa rin ng Emperor," walang ganang sambit ni Li Xie at napangalumbaba ito.
"May galit ka ba sa mga Royalties?" nagtatakang tanong ni Yu Ying dahil matagal na niya itong napapansin.
"Wala akong galit o kung anong masamang karanasan sa mga Royalties," sagot ni Li Xie at saka ito napahawak sa kaniyang batok. "Paano ko ba ipapaliwanag..." napatigil sandali si Li Xie at napatitig kay Yu Ying. "Ah, dahil sa nakatataas ko sa dati kong buhay kaya ako namatay. Hindi ko sinabing papatayin rin ako ng Emperor o ng Empress, ang akin lang, noong dati kong buhay ay wala akong kalayaan. Lahat ng galaw ko ay alam ng taong pinagtatrabahuan ko at siya rin ang dahilan kung bakit namatay ako. Kaya nang makuha ko uli ang alaalang iyon ay pinangako ko na hindi na ako papayag na utusan ako," paliwanag ni Li Xie.
Nang marinig iyon ni Yu Ying ay kaagad naman niya naintindihan ang gusto iparating ni Li Xie dahil maging siya ay ayaw rin niya na utusan siya.
'Mukhang parehas talaga kaming dalawa.'