Isa. Dalawa. Tatlong araw ang nakalipas at unti unti na ring bumabalik sa dating kalusugan niya si Yu Ying.
Gabi na nang magising muli si Yu Ying at nakita niyang wala si Li Xie sa kaniyang tabi kaya naman kaagad siyang bumangon. Nang lumabas siya sa silid ay nakita niya si Li Xie sa isang mahabang mesa na may maraming kagamitan sa kaniyang gilid at ang mga likido na laman nito ay iba iba ang kulay. Hindi siya kaagad napansin ni Li Xie dahil sa pagiging abala nito at napa-krus na lamang ng braso at sumandal sa gilid ng pintuan.
Habang pinapanood ni Yu Ying si Li Xie ay hindi naman niya maiwasan na hindi mapangiti. Ito ang kauna-unahang beses na nakakita siya ng isang babae na iba ang hilig sa mga kababaihan na kaniyang nakilala. Ang mga ito ay tanging talento lamang ang mayroon ngunit iba si Li Xie, Si Li Xie sa unang tingin pa lamang ni Yu Ying ay may kakaiba na itong nararamdaman, alam niya na hindi ito kagaya ng iba.
'She's really one of a kind.'
"Ay anak ka ng palaka!" gulat na sambit ni Li Xie nang mapalingon siya sa kinaroroonan ni Yu Ying at nakita niyang nakasandal doon ang binata. "Hindi marunong magsalita, ha?" inis pa niyang sambit at ibinaba niya ang isang test tube sa test tube rock at saka hinimas niya ang kaniyang dibdib.
Mahina naman na tumawa si Yu Ying. "Kailangan mong sanayin ang mga pakiradam mo," kumento naman nito.
Umirap si Li Xie at hindi na lamang nagsalita. Totoo na kailangan na nga niyang sanayin na ang kaniyang mga pandama dahil unti unti na itong nawawala sa kaniya. Lalo na ang kaniyang pakiramdam na lagi niyang ginagamit sa pagpatay noon. Hindi rin naman niya magawang sagutin si Yu Ying dahil alam naman niya na hindi niya kailangang gumawa ng dahilan para roon.
"Alam ko." Naglakad naman si Li Xie patungo kay Yu Ying saka nito nilapat ang likod ng kaniyang palad sa noo nito. "Hmm, wala ka na naman lagnat," kaagad na sabi ni Li Xie.
Nang iangat niya ang kaniyang mukha ay doon niya napansin na ilang pulgada na lamang ang layo nito sa mukha ni Yu Ying. Kaagad siyang napalayo at tumalikod kay Yu Ying upang hindi nito mapansin ang pamumula ng mukha niya.
'Sht! Ano 'tong ginagawa ko?!'
"Balik ka na sa pagtulog mo," kaagad na sambit ni Li Xie at naglakad pabalik sa kaniyang mesa.
Napangiti naman si Yu Ying dahil kahit na kaagad na tumalikod sa kaniya si Li Xie ay nakikita niya na namumula ang tenga nito.
'Li Xie, sisiguraduhin ko na unti unti mo akong mamamahalin,' sambit ni Yu Ying sa kaniyang isipan.
Sa hindi malamang dahilan ni Yu Ying ay malakas ang kaniyang pakiramdam na mamahalin din siya pabalik ni Li Xie at walang magiging hadlang dito kung walang magiging problema. Para kay Yu Ying, hindi nito hahayaan na may mangyaring hindi maganda kay Li Xie.
Para kay Yu Ying kahit na gaano pa kagaling si Li Xie, kahit na gaano pa ito kalakas, para sa kaniya ay isa pa rin itong babae at ang babaeng ito ang taong gusto niyang protektahan, mahalin, at makasama habang buhay.
Huminga nang malalim si Li Xie dahil ramdam na ramdam pa rin niya ang mga titig ni Yu Ying sa kaniya. Sinubukan ni Li Xie na kalmahin ang puso niya at ipagpatuloy ang pagiging abala sa pag-aaral niya ng bagong gamot na galing sa kaniyang dating mundo at haluan ng mga halamang gamot na mayroon sa mundong kaniyang ginagalawan. Ilang beses man niyang subukan ay wala pa rin naman siyang nagawa kundi ang bumuntong hininga at humarap kay Yu Ying.
"Ano walang balak alisin ang tingin? Makatitig naman ito akala mo naman mawawala ako," pang-aasar ni Li Xie.
"Dahil takot akong mawala ka."
Sandali na napatigil si Li Xie sa sinabi ni Yu Ying at ang kaniyang ngiti ay unti unting naglaho. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya, hindi niya alam kung isa ba itong biro kay Yu Ying pero isa lang ang alam ni Li Xie at iyun ay hindi na biro ang kaniyang nararamdaman kay Yu Ying.
'Sht! What should I do? Hindi ko pa naman siya kilala nang lubusan pero eto ako ngayon, nakakaramdam nang ganito.'
"Ayos ka lang?" tanong ni Yu Ying nang makita niya na hindi na nakangiti si Li Xie at kaagad na nagbago ang hangin sa paligid niya.
'Tama ba na sinabi ko iyon?' tanong ni Yu Ying sa kaniyang isipan dahil sa naging reaksyon sa kaniya ni Li Xie.
Kaagad naman na nakabalik sa reyalidad si Li Xie at tumango ito saka sinagot si Yu Ying, "Wow ah, umaarangkada na rin ang biro mo." Tumawa ito at saka lumapit kay Yu Ying. "Bakit ka nga pala nagising?" tanong nito upang mabago ang usapan.
Gusto man malaman ni Li Xie kung ano talaga ang nararamdaman ni Yu Ying ngunit hindi naman niya magawang magtanong. Ayaw niya na magtanong dahil hindi niya alam kung ang mga tanong na ibabato ba niya ay makakasira sa relasyon na mayroon sila o hindi. Para kay Li Xie, siya ang takot mawala si Yu Ying sa tabi niya.
'Pero hindi ako nagbibiro.'
Gustuhin man sabihin 'yon ni Yu Ying kay Li Xie ngunit nang makita niya ang reaksyon ni Li Xie nang sabihin niya na takot siyang mawala ang dalaga ay hindi na niya tinangka pa kaya naman ngumiti na lamang siya para itago ang sagot niya sa tanong ni Li Xie.
"Nawala ka kasi sa tabi ko bigla," kaagad na sagot ni Yu Ying at saka naman niya inilagay ang kaniyang braso sa balikat ni Li Xie saka ito ngumiti. "Bakit hindi ka muna magpahinga at ipagpatuloy mo na lamang ang mga ginagawa mo bukas? Maghapon ka na kakagawa niyan e," kaagad na sambit ni Yu Ying at hinila si Li Xie papunta sa kanilang silid.
"Pero--"
"Huwag ka nang umangal pa. Alam ko na hindi ka naman talaga makatulog dahil may katabi kang lalaki kaya doon na lamang ako matutulog." Tinuro naman ni Yu Ying ang isan sofa na hindi malayo sa kama ni Li Xie.
"Huh? Sino nagsabing hindi ako makatulog dahil katabi kita?" Taas kilay namang tanong ni Li Xie.
Nagkibit balikat lang naman si Yu Ying at saka niya dinala si Li Xie sa higaan. Nang makahiga naman si Li Xie ay kaagad siyang naglakad patungo sa sofa. Pinanood lamang niya si Yu Ying na maglakad papalayo sa kaniya at nang nasa sofa na si Yu Ying ay kaagad naman siyang tumalikod.
'Jerk. Sino nagsabing ayaw kitang katabi? Sino bang aayaw kapag katabi nila crush nila?'
Ipinikit ni Li Xie ang kaniyang mga mata at kahit na anong gawin niya ay hindi siya makatulog. Sa mga oras na iyon ay alam ni Li Xie na bumalik na naman ang kaniyang hirap sa pagtulog kaya naman napa-upo siya at napatingin kay Yu Ying na mahimbing nang natutulog.
Ipinikit ni Li Xie ang kaniyang mga mata at pinakiramdaan ang paligid sa labas ng kanilang system. Nang maramdaman niya na walang tao sa paligid ay kaagad siyang tumayo at nagsuot ng jacket. Nang makalabas si Li Xie sa silid ay kaagad din naman na napamulat si Yu Ying saka napabuntong hininga.
'Akala ko may pag-asa ako sa kaniya. Sat tingin ko nagkamali ako,' kaagad na sambit ni Yu Ying sa kaniyang isipan at muling pinikit ang kaniyang mga mata. 'Ngunit hindi pa rin ako susuko.'
Nang makalabas si Li Xie sa kaniyang system ay kaagad itong nag-unat ng kaniyang kamay pataas at saka siya nagsimulang mag-ensayo. Bago lumabas ay nakita ni Li Xie kung anong oras pa lang at nakita niyang alas tres pa lamang ng madaling araw.
Hindi na iyon inisip pa ni Li Xie at nagsimula na siyang mag-ensayo at nang matapos siya ay may kaunting liwanag na. Nang bumalik siya sa loob ng system ay nakita niya na nakaupo na si Yu Ying sa sofa at nainom ng kape.
'Tingnan mo 'tong lalaking ito. Natuto lang gumamit ng coffee maker akala mo siya na may-ari.'