CONFESSION [1]

1106 Words
Nang magising si Yu Ying ay nakita niyang wala pa rin si Li Xie sa loob ng kaniyang system kaya naman napabuntong hininga siya at nagsimula nang mag-asikaso. Alam niya na ang tingin ni Li Xie sa mga sinasabi niya ay biro lamang ngunit alam din naman ni Yu Ying sa kaniyang sarili kung ano ang kaniyang nararamdaman. "Hindi ako pwedeng sumuko dahil lamang sa akala niya ay nagbibiro ako. Kailangan kong patunayan kay Xie na hindi ako nagbibiro, na seryoso ako sa kaniya. Isa pa, hindi naman ako kagaya ni brother Lin Jun na maraming babae ang nakapaligid sa kaniya," bulong ni Yu Ying sa kaniyang sarili. 'Kapag ba sinabi ko na hindi Yu Ying ang pangalan ko, na isa lamang itong palayaw ay magagalit siya?' tanong niya sa kaniyang sarili. Napag-isip isip ni Yu Ying na sabihin na lamang kay Li Xie ang totoo niyang pangalan, ngunit hindi ang kaniyang pagkatao. Base sa obserbasyon ni Yu Ying kay Li Xie ay ayaw niya sa Royalties dahil ayaw niya na mapasailalim sa kapangyarihan na mayroon sila. Gusto mang sabihin ni Yu Ying kung ano ang estado niya sa lipunan ngunit mas pinili na lamang niya na manahimik at sabihin na lamang kay Li Xie kung handa na ang lahat. Kumuha ng kape si Yu Ying sa coffee maker na tinuro sa kaniya ni Li Xie kung paano gamitin at saka siya umupo sa sofa upang hintayin si Li Xie. Kung ano anong reaksyon ni Li Xie ang pumapasok sa isip niya kapag sinabi niya kung ano ang tunay niyang pangalan pero lahat ng iyon ay hindi niya gusto. Ganoon pa man, kahit papaano ay gusto pa rin niya magpakatotoo ng kaunti kay Li Xie. "Anong meron at nakakapagkape ka na?" Taas kilay na tanong ni Li Xie habang nakuha ng kaniyang masusuot. "Parang noong nakaraan lang nagrereklamo ka sa 'kin dahil sa coffee maker ko ngayon parang ikaw na may-ari ah," dagdag pa niyang pang-aasar. "Dinala mo ako sa lugar na ito tapos gusto mo hindi ko subukan mga gamit mo rito?" Nakangiti namang sambit ni Yu Ying. Nilingon naman siya ni Li Xie at nakita niyang hindi nakatingin sa kaniya si Yu Ying at humihigop lamang ito ng kape habang nakapikit. 'Weird. Pakiramdam ko ay nakatitig siya ngunit pag lilingon na ako ay hindi naman.' Ipinagsawalang bahala na lamang ito ni Li Xie at nagsimula nang kumuha ng mga damit. Matapos noon ay nagpunta siya sa banyo upang maligo. Sa mga oras na iyon ay umalis naman si Yu Ying sa silid dahil sa alam niya na naliligo si Li Xie at kahit na may pagkakataon siyang silipin man lang si Li Xie habang naliligo ay hindi niya ginawa. Hindi dahil sa ayaw niya kundi dahil malaki ang respeto niya kay Li Xie. Nang matapos na maligo si Li Xie at nang makalabas siya sa banyo ay otomatikong napangiti siya dahil nakita niya na umalis si Yu Ying sa kinauupuan nito. Alam ni Li Xie na malaki ang respeto sa kaniya ni Yu Ying at para sa kaniya kaya ganito ang turing ni Yu Ying sa kaniya ay dahil siya ang nagligtas sa buhay nito. 'Masakit mang isipin pero sa tingin ko ay talagang hanggang doon lamang ang tingin niya sa akin.' Bigla namang bumagsak ang emosyon ni Li Xie at pakiramdam niya ay wala na siyang gana kaya naman nang makalabas siya sa silid ay wala itong buhay kung maglakad. Kaagad naman itong napansin ni Yu Ying kaya naman napakunot ang kaniyang noo ngunit wala siyang lakas ng loob upang tanungin si Li Xie. "May sasabihin ka?" tanong ni Li Xie nang makita niyang nakatitig sa kaniya si Yu Ying at wari mo ay may gustong sabihin sa kaniya. Sandali na napatigil si Yu Ying at napatikhim ng kaunti saka umiwas ng tingin kay Li Xie. Narinig pa ni Yu Ying ang mahinang tawa ni Li Xie na halatang nang-aasar kaya naman hinarap niyang muli si Li Xie ngunit hindi maganda ang naging resulta nito. Nang yumuko si Li upang asarin pa si Yu Ying at para na rin hipan ang tenga nito ay hindi niya inaasahan na bigla na lamang lilingon si Yu Ying sa kinaroroonan niya. Dahil doon ay bigla na lamang naglapat ang kanilang labi. Kaagad na nanlaki ang kanilang mga mata at hindi alam ang kanilang gagawin ngunit walang ni isa sa kanila ang gustong bumitaw sa halik. Nang makabawi sila sa gulat at aalisin na sana ni Yu Ying ang kaniyang labi sa labi ni Li Xie ay naramaman niya na dumiin ang halik ni Li Xie at nakita niyang nakapikit ito kaya naman maging siya ay dinama na lang din ang halik nilang dalawa. Malakas ang kalabog ng dibdib ni Li Xie at hindi niya alam kung anong pumasok sa kaniyang isipan at hinalikan niya si Yu Ying. Namumula ang kaniyang mukha at nang sumilip siya ay nakita niya na nakapikit lang din si Yu Ying at sinusundan at binabalik ang mga halik na binibigay niya. Dahil doon ay mas lalo pang lumalim ang halik na mayroon sila. 'Sht! I'm kissing my crush and he's kissing me back for the pake's sake this is heaven!' Bago pa man tuluyan na mapunta sa kung saan ang kanilang halik ay sabay silang bumitiw at nagkaroon pa ng malasinulid na laway sa pagitan ng kanilang labi bago ito naputol. Alam nilang dalawa ang kanilang limitasyon at nang makita nila na may patutunguhan na ang kanilang halik na hindi pa naman nila maaring gawin ay kaagad na silang dalawang tumigil. Namumula man ay kaagad na binawi ni Li Xie ang kaniyang lakas ng loob saka ito tumingin kay Yu Ying. Nakita niyang namumula si Yu Ying at nang makita niya na hindi maitago ni Yu Ying ang kaniyang ngiti ay napakunot ang kaniyang mga noo. "Anong nakakatawa?" inis na tanong ni Li Xie. Kaagad naman na lumingon si Yu Ying kay Li Xie at kaagad na umiling. "Hindi ko lang akalain na hahalikan mo ako." "Hoy! Ikaw ang nauna sa ating dalawa! Bakit kasi bigla bigla ka na lang lilingon?" paninisi naman ni Li Xie. Imbis na mainis naman ay natawa na lamang si Yu Ying nang mahina kaya naman sinamaan siya nang tingin ni Li Xie at sinabing, "Ano? Natatawa ka dahil hindi ako marunong humalik? Sorry ah, hindi ako marunong kasi ikaw ang kauna unahang lalaki na nakahalik sa akin!" Tumayong naiinis si Li Xie. Bago pa man na makatayo nang maayos si Li Xie ay kaagad na nahuli ni Yu Ying ang palapulsuhan nito at hinila ito dahilan para mapaupo si Li Xie sa hita ni Yu Ying.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD