"Hindi ko sinabing hindi ka magaling," sambit ni Yu Ying at saka nito hinalikan ang ulo ni Li Xie. "Matagal na kitang gustong halikan ngunit nagpipigil ako dahil alam ko na wala ka namang nararamdaman sa akin," dagdag pa niya.
Kaagad na napalingon si Li Xie kay Yu Ying, napanganga. "Sino nagsabing wala? Ayan ka na naman sa pangunguna mo sa akin!"
Napatulala naman si Yu Ying sa sinabi ni Li Xie. "Pero sabi mo-"
"Sabi ko ano? Wala akong derektang sinabi sa 'yo na hindi kita gusto kaya pwede ba manahimik ka na lamang diyan at pakinggan mo ang tanong ko." Tumango naman si Yu Ying nang matapos sabihin iyon ni Li Xie at saka naman pinulupot ni Yu Ying ang kaniyang braso sa beywang ni Li Xie, namula si Li Xie. "Umaamin ka na sa lagay na iyan?" Taas kilay na sambit ni Li Xie.
Mahina naman na napatawa si Li Xie at saka niya ipinatong ang kaniyang baba sa balikat ni Li Xie at ramdam na ramdam at amoy na amoy naman ni Li Xie ang mainit at mabangong hininga ni Yu Ying.
'Shemay! Why do I have to torture myself?! I want him!'
Halos magwala na ang buong sistema ni Li Xie dahil sa sitwasyon nilang dalawa ni Yu Ying ngunit pilit pa rin naman niyang binibigyan ng kontrol ang kaniyang sarili dahil alam niya na hindi pa iyon ang tamang oras at ganoon din naman si Yu Ying.
"Noong nasa bingit na ako nang kamatayan at nasa dulo na rin ako ng tali ko na handa na akong sumuko, naramdaman ko ang mana mo." Hinimas himas naman ni Yu Ying ang mga daliri ni Li Xie sa kanyang kanang kamay. "Kakaiba ang mana mo at hindi ito kagaya ng ibang mana na malamig at mapanganib. Ito ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng mainit na masarap sa pakiramdm na mana at purong mana. Sinubukan ko na magpakalakas sa harapan mo noon dahil sa mana mo ngunit nabigo ako."
Mahina naman na tumawa si Li Xie, tumango pa ito. "Oo, naalala ko 'yun. Bigla ka na lamang nahimatay sa harapan ko kaya naman kinailangan kong gamutin ka. Grabe ang takot ko noon dahil na rin sa biglaan mong pagkahimatay sa harap ko," pagbibigay naman ni Li Xie ng kumento nang maalala niya ang una nilang pagkikita.
Ngumiti lamang si Yu Ying at saka nagpatuloy. "Noong una akala ko ay kaya lamang magaan ang loob ko sayo at kaya gusto ko lamang na mapalapit sa 'yo ay dahil sa mana mo ngunit nang makita ko kung gaano ka kaseryoso sa pagpapagaling sa akin may kakaiba akong naramdaman. Lalo na noong unang maglapit ang mukha natin sa isa't isa, noong inaayos mo ang benda ko sa dibdib." Napahawak naman si Yu Ying sa kaniyang dibdib. "Hindi ko akalain na titibok ng ganoon ang aking dibdi na wari mo ay mga kabayong nagkakarera. Hinihiling ko pa noon sa sarili ko na kumalma dahil baka maramdaman o baka mapansin mo ang tungkol doon."
"Hmm? Hindi ko naman napansin 'yun pero parang kakaiba nga ang t***k ng puso mo noon," sabat naman ni Li Xie.
Mahinang pinisil ni Yu Ying ang ilong ni Li Xie kaya naman napairap si Li Xie at nagpatuloy naman si Yu Ying. "Simula noong araw na 'yun hindi ka na maalis sa isip ko. Pakiramdam ko ay dapat nasa tabi lang kita dahil pag hindi kita nakikita or napapansin na nasa tabi kita pakiramdam ko hirap huminga,"
"Ay wow. Ganda ko 'no?" pangbabara naman ni Li Xie.
Sumimangot sandali si Yu Ying at inilabas lamang ni Li Xi ang kaniyang dila upang mang asar pa lalo.
"Noong mga oras na iyon ay litong lito ako. Hindi ko alam kung anong meron sa sarili ko. Noong una ay napagpasyahan ko na hayaan na lamang ang nararamdaman ko dahil alam ko na hindi rin naman maganda ang kakalabasan ng relasyon natin kapag pinilit ko ito pero wala rin, mas lalo pa akong nahulog sa 'yo. Nagtataka ako kung saang parte mo ako napamahal pero sa tingin ko alam ko na kung bakit nahulog ako sa 'yo." Nakatitig lamang si Li Xie kay Yu Ying habang nagsasalita at hindi makapaiwala sa kaniyang mga naririnig. "Li Xie, iyang mga pang-aasar mo sa akin, iyan ang nagpahulog ng loob ko a 'yo. Ikaw lamang ang kaisa-isahang babae na nagtangka na mang-asar sa akin. Salamat at dumating ka," sambit pa ni Yu Ying. "Maari ba kitang maging kasintahan?"
"Yu Ying..."
"Tungkol sa sinabi mo..." napatigil naman si Yu Ying at saka ito huminga nang malalim. "Hindi biro lahat ng sinabi ko, Li Xie. Lahat ng sinabi ko, lahat ng iyon ay totoo. Maniwala ka, hindi ako nagbibiro at hindi kita ginagawang biro." Saka naman hinalikan ni Yu Ying ang likod ng palad ng kanang kamay ni Li Xie.
Hndi magawa ni Yu Ying na mapatingin kay Li Xie dahil sa natatakot siyang makita ang reaksyon ni Li Xie. Kinakabahan siya dahil hindi pa niya naririnig na magsalita si Li Xie at nang makita naman niya ang patak ng luha sa kaniyang kamay ay kaagad siyang napatingala para makita ang mukha ni Li Xie.
Hindi naman makapaniwala si Yu Ying nang makita niya na lumuluha si Li Xie at ang hindi rin naman niya mabasa ang emosyon sa mga mata ni Li Xie dahil halo halo ito. Akma nang aabutin ni Yu Ying ang mga mata ni Li Xie upang punasan ang kaniyang luha ay kaagad naman na niyakap ni Li Xie si Yu Ying at saka naman niya binaon ang kaniyang mukha sa balikat ni Yu Ying.
"Xie?"
"Sandali lang, manahimik ka muna."
Napakagat naman ng labi si Yu Ying dahil sa sinagot sa kaniya ni Li Xie ngunit sa kalaunan ay naging ngiti naman ito.
"Okay," sagot ni Yu Ying at saka naman niya hinaplos ang likod ni Li Xie upang kumalma ito.
"Nakakainis ka," mahinang sambit ni Li Xie habang nakabaon pa rin ang kaniyang mukha sa braso ni Yu Ying. "Sa tinagal tagal ng panahin, ngayon lang ulit ako umiyak." Suminghot kaunti si Li Xie ng kaniyang sipon at sak niya hinarap ang mukha ni Yu Ying. "Sigurado ka na ba sa 'kin? Kakakilala mo pa lang sa akin, marami pa akong sekreto na hindi handang sabihin sa 'yo, mayroon pa akong paghihigantihan, hindi mo rin alam ang ugali na mayroon talaga ako. Sabihin mo, hindi mo ba ako iiwan kapag nalaman mo na ang lahat ng iyon?"
Inilagay ni Yu Ying ang kaniyang dalawang kamay sa magkabilang pinsgi ni Li Xie at saka niya marahan na hinaplos ang pisngi nito na dinaanan ng mga luha.
"Kahit na anng ugali pa ang meron ka, kahit na anong sekreto pa ang meron ka lahat ng iyon ay handa kong hintayin na sabihin mo sa akin. Handa rin akong tanggapin ang lahat ng mayroon ka mapaganda man o hindi. Kahit na ano gagawin ko para sa 'yo," kaagad na sagot ni Yu Ying, Ngumiti ito. "Anong sagot mo?"
Sandali na napatigil si Li Xie at hindi kaagad nakapagsalita ngunit kaagad din naman siyang tumango at sumagot, "Siguraduin mong hindi ka magsisisi!"
"Um, hinding hindi." Yumakap naman siya kay Li Xie kaya naman niyakap din siya ni Li Xie. "May sasabihin ako sa 'yo, isa sa sekreto ko."
"Hmm? Ano 'yun?"
"I'm not Yu Ying."