I'M NOT YU YING [1]

1328 Words
Itinagilid ni Li Muen ang kaniyang ulo at kitang kita sa mukha niya ang pagkalito habang nakataas ang kaniyang kanang kilay. "Huh? If you're not Yu Ying, then who are you?" wala sa wisyong tanong ni Li Xie. Hindi naman kaagad na nakapagsalita si Yu Ying at sa kaniyang isipan ay iniisip niya kung ano ba ang dapat at hindi dapat. Iniisip din niya kung dapat ba talagang sabihin niya iyon kay Li Xie ngunit dahil na-umpisahan na niya ay hindi na siya nag-isip pa. Kinurot ni Yu Ying nang mahina ang kanang pisngi ni Li Xie at kaagad naman siya nakatanggap ng masamang tingin mula sa dalaga. Mahinang tawa lang naman ang binigay ni Yu Ying dahil sa naging reaksyon ni Li Xie. Muling niyakap ni Yu Ying si Li Xie at sinubsob niya ang kaniyang mukha sa tagiliran ni Li Xie saka sinabing, "Yu Ying, hindi iyon ang tunay kong pangalan." "Uh-ha," sambit ni Li Xie at napatingin naman si Yu Ying sa kaniya. "Alam mo?" takang tanong ni Yu Ying. Itinaas ni Li Xie ang kaniyang kamay at hinimas himas at pinaglaruan ang buhok ni Yu Ying bago ito magsalita at sinabing, "Hinala ko lang naman. Noong una akala ko iyon talaga ang tunay mong pangalan pero nang umatagal ay pakiramdam ko ay hindi. Nitong mga nakaraan ay naghinala na ako na hindi Yu Ying ang tunay mong pangalan," paliwanag naman ni Li Xei. "Bakit hindi ka nagtanong?" Kunot noo na tanong ni Yu Ying, puno nang pagtataka ang kaniyang mukha. "Huh? Bakit pa? Noong mga panahon na iyon wala naman akong karapatan na magtanong. Isa pa, nasa sa 'yo naman kung sasabihin mo sa akin o hindi." "Kahit na…" "Alam mo…" sandali na tumigil si Li Xie at hinawakan ang kamay ni Yu Ying. "Hindi ako madaling magtiwala kaya kung sinabi mo agad sa akin noon ay hindi rin ako maniniwala kaagad." Ipinatong ni Li Xie ang kaniyang noo sa kanang balikat ni Yu Ying. Amoy na amoy ni Yu Ying ang mabangong amoy ni Li Xie at isinubsob din naman niya ang kaniyang mukha sa leeg ni Li Xie at saka niya inamoy amoy ang dalaga. "Then who are you?" tanong naman ni Li Xie. Hindi kaagad sumagot si Yu Ying, huminga na muna ito nang malalim bago sumagot. "Ang tunay kong pangalan ay Lin Xui Ying. Ang Yu Ying ay palayaw ko lamang at ang karaniwan na tumatawag sa akin niyan ay ang ika-siyam kong kapatid na lalaki at ang ika-walo kong kapatid na babae. Hindi ako basta basta nagpapatawag sa palayaw na binigay sa akin ng aking ina," paliwanag ni Yu Ying kay Li Xie. Hinintay ni Li Xie na dagdagan pa ni Yu Ying ang pagsasalita tungkol sa sarili nito ngunit nang mapansin ni Li Xie na wala na siyang balak na sabihin pa ang kahit na ano na tungkol sa kaniyang sarili. 'Mukhang hindi pa niya sasabihin sa akin ang lahat,' malungkot na sambit ni Li Xie sa kaniyang sarili at saka niya hinigpitan ang kaniyang yakap kay Yu Ying. "Alam ko na gusto mo pa ako makilala…" dinig niyang sambit ni Yu Ying ngunit hindi niya ito nilingon at nagpatuloy lamang sa pakikinig. "Sasabihin ko rin sa 'yo ang lahat sa tamang panahon," dagdag pa ni Yu Ying "Um!" Tumango naman si Li Xie nang mahina. 'Huwag ko lang malaman sa iba.' Binuhat na lamang ni Yu Ying si Li Xie at saka ito naglakad patungo sa silid ni Li Xie sa kaniyang system kung nasaan sila ngayon. Alam ni Yu Ying na walang pang maayos na tulog si Li Xie at nang maramdaman naman niya na humina ang paghinga ni Li Xie ay alam na niyang tulog na ito. Inihiga niya ni Yu Ying si Li Xie sa kama at saka siya napangiti. Inalis ni Yu Ying ang ilang buhok na nakakalat sa mukha ni Li Xie habang tinititigan niya ang dalaga. Walang balak si Yu Ying na magkaroon ng asawa dahil sa nangyari sa kaniyang ina, alam ni Yu Ying ang panganib sa imperial palace at ayaw niya na mangyari rin iyon sa babaeng mapapangasawa niya kaya naman ayaw niyang magkaroon ng kabiyak. Ngunit nang dumating si Li Xie sa buhay niya ay waring bigla na lamang gumuho ang pader na itinayo niya sa paligid niya at handa siyang gaiwn ang lahat para lang maprotektahan si Li Xie. Gagawin niya ang lahat para lang maging asawa niya si Li Xie. Iyon ay kung handa pa rin at gusto pa rin ni Li Xie si Yu Ying kapag nalaman nito na isa siya sa mga Imperial Prince-- isa sa mga Royalties na ayaw niya dahil sa kapangyarihan nilang mangkontrol ng tao. 'Sana matanggap mo pa rin ako pagnalaman mo na ako nag ika-walong Prinsipe ng imperyo.' Tumayo at umalis na muna sa silid si Yu Ying dahil gusto niyang makapagpahinga nang maayos si Li Xie. Nagpunta ito sa ilang parte ng system ni Li Xie. Nakita niya ang iba't ibang klaseng bagay na hindi pa niya nakikita. Hindi inisa-isa ni Li Xie ang pagpapakilala ng mga kagamitan na iyon kay Yu Ying ngunit alam ni Yu Ying ang iba roon. Ang mga instrumento ng musika na isa sa pinaka-iniingat ingatan ni Li Xie, ang mga gamot na hindi pa niya nakikita kahit kailan, at ang mga armas na hindi niya akalain na gumagana. May isang silid na pinasukan si Yu Ying at isang mahabang silid ito. Sa dulo mayroong papel na hugis tao at mayroong mga marka ang mga parte ng papel na iyon. Sa unang tingin pa lamang ni Yu Ying ay alam na niya na ito ang mga parte ng tao na madaling mapatay kapag tinamaan. Ganoon pa man, hindi naman alam ni Yu Ying kung para saan ang lugar na iyon kaya naman lumabas na rin naman siya. Sa isang parte ng system na kung saan nakalagay ang isang malaking metal na mala-pinto ay nawala kaya naman napakunot ang kaniyang noo. 'Kung hindi ako nagkakamali may mala-metal dito na parang pinto,' sambit ni Lin Xui Ying at saka siya lumapit dito. Akma na siyang papasok sa loob ng lugar na 'yun ngunit naramadaman niya ang isang hindi nakikitang harang na malasalamin. Kumunot ang noo ni Lin Xui Ying ngunit kaagad na rin naman siya bumalik sa silid ni Li Xie. 'Mas okay siguro kung hihintayin ko na lamang siyang magising,' sambit ni Lin Xui Ying sa kaniyang isipan. Ilang oras ang nakalipas ay nagising na rin si Li Xie at nang imulat niya ang kaniyang mga mata ay si Lin Xui Ying kaagad ang kaniyang hinanap. Nang iikot niya ang kaniyang paningin at nakita niyang naka-upo si Lin Xui Ying sa sofa hindi malayo sa kaniyang higaan. "Ying?" Napabaling naman ang atensyon ni Lin Xui Ying sa pinanggalingan nang boses at nakita niyang nakatingin sa kaniya si Li Xie. Kaagad na ngumiti si Lin Xui Ying sa kaniya at saka ito lumapit. "May masama ba sa pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ni Li Xie. Kaagad naman na umiling si Li Xie at saka siya bumaba nang kaunti at niyakap ang beywang ni Lin Xui Ying at saka niya isinubsob ang kaniyang mukha sa likod ng balikat. Kaagad naman na kinilabutan si Lin Xui Ying ngunit pinigilan na lamang niya at hindi nagpahalata, ngumiti na lamang sya at hinaplos ang ulo ni Li Xie. "Anong problema?" nakita naman ni Lin Xui Ying na umiling si Li Xie. Sandali silang dalawalang natahimik at walang balak na magsalita. Napapa-isip nang sandali si Lin Xui Ying kung ano ang mga dapat pa niyang sabihin kay Li Xie dahil kahit na hindi nagtatanong si Li Xie ay ramdam pa rin naman niya na gusto pa rin ni Li Xie na makilala siya. "Xie?" "Hmm?" Hindi naman kaagad nagpatuloy si Lin Xui Ying, ngumiti muna ito kay Li Xie at saka siya tumingin sa kawalan at inalala ang lahat ng nangyari sa kaniya noon, lahat ng kwento na sinabi sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD