"Alam mo ba na lumaki ako sa isang pamilya na maraming kapatid ngunit ang aming ina ay iba iba?" Nakita ni Lin Xui Ying na napakimbig nang kaunti si Li Xie bago tiningala ni Li Xie si Lin Xui Ying. "Sa aming magkakapatid tanging dalawa lamang ang kaya kong pakisamahan dahil sila lamang ang may maayos na ugali. Ganoon pa man, hindi sila lagi nariyan para sa akin dahil sa mas malakas silang dalawa sa akin. Ang aking ika-siyam na kapatid na lalaki at ika-siyam na kapatid na babae, silang dalawa lamang ang nakasama ko mula pagkabata." Bumuntong hininga si Lin Xui Ying saka ito ngumiti ng malungkot. "Namatay ang aking ina noong ipinanganak ako at dahil sa malapit ang aking ina sa ina ng ika-siyam kong kapatid na lalaki ay siya ang nagpalaki sa 'kin. Hindi madali ang dinanas ko dahil wala akong ina na poprotekta sa akin at kahit pinoprotektahan ako ng ina ng ika-siyam na kapatid ko ay hindi pa rin naman maiiwasan na may manakit sa akin sa ka-edad namin."
"Bakit namatay ang iyong ina?" malungkot na tanong ni Li Xie. "Sayang, hindi ko na siya makikilala pa," dagdag nito.
Ngumiti nang sandali si Lin Xui Ying ngunit agad din naman itong nawala at napalitan ng lungkot ang kaniyang mga mata. "Ang sabi sa akin ng ina ng ika-siyam kong kapatid noong tumungtong ako sa tamang taong gulang na ako, naimplikahan ang aking ina dahil sa isang lason. Hindi pa nila alam kung sino talaga ang gumawa noon ngunit mayroon na kaming suspetsya. Noong mapanganak ako ay roon na kumalat ang lason sa katawan niya at bago pa man malagutan nang hininga narinig ng ina ng aking ika-siyam na kapatid na lalaki na tinawag akong Yu Ying ng aking ina."
Nakita ni Li Xie ang pagngiti ni Lin Xui Ying at kahit na malungkot ang kaniyang ngiti ay alam ni Li Xie na masaya si Lin Xui Ying na kahit papaano ay may naiwan pa rin ang kaniyang ina sa kaniya.
"Sabi mo hindi mo hinahayaan na tawagin ka sa pangalang Yu Ying 'di ba?" tanong ni Li Xie habang nakatingin nang taimtim kay Lin Xui Ying. Tumango naman si Lin Xui Ying bilang sagot. "E bakit ka nagpakilala bilang Yu Ying sa akin?"
Hindi naman kaagad na nakasagot si Lin Xui Ying sa tanong ni Li Xie dahil hindi niya alam kung paano niya sasabihin kay Li Xie ang kaniyang nararamdaman.
"Kapag sinabi ko ba na dahil nararamdaman ko na makakasama kita pang habang buhay kaya pinayagan kitang tawagin akong Yu Ying maniniwala ka ba?" Nakangiting tanong ni Li Xie.
Tinaasan naman ni Li Xie ng kilay si Lin Xui Ying at pinag-aralan ang emosyon ng binata sa mga mata nito. Inaalam ni Li Xie kung nagbibiro lang ba si Lin Xui Ying o hindi.
"Patawa ka?" kaagad na bigay ni Li Xie nang reaksyon.
"Mukha ba akong nagpapatawa?" Seryosong sabi ni Lin Xui Ying.
Tinitigan naman ni Li Xie si Lin Xui Ying at nang makita niya na seryoso ito at hindi nagbibiro ay sinabi na lamang niyang, "Hindi nga?" Nakangisi nitong sambit. "Hindi ko alam na nakabingwit pala ako ng lalaking gaya mo." Natatawang dagdag pa ni Li Xie.
"Nakabingwit? Mukha ba akong isda?"
Napanganga naman si Li Xie at saka humalakhak nang tawa. Hindi niya akalain na iba pala ang pagkakaintindi ni Lin Xui Ying ng kaniyang mga sinabi.
Kaagad din nama na napatigil sa pagtawa si Li Xie nang biglang hawakan ni Lin Xui Ying ang magkabilang balikat niya at pumaibabaw sa kaniya. Napatitig na lamang si Li Xie kay Yu Ying dahil sa hindi siya makapaniwala.
'Sht! Iki-kiss na naman ba niya ako?'
Hindi magawa ni Li Xie na pakalmahin ang kaniyang dibdib dahil sa kaba na nararamdaman niya. Nang ilapit ni Lin Xui Ying ang kaniyang mukha ay napapikit na lamang si Li Xie nang mariin. Samantala, pinapanood lamang ni Lin Xui Ying ang reaksyon ni Li Xie at nang makita niya ang pagpikit nito ay gusto niyang tuluyan na halikan si Li Xie.
Ganoon pa man ay pinipigilan niya dahil nasa higaan silang dalawa at hindi maganda kung lalalim ang kanilang halik doon. Kaya naman mahina na tumawa si Lin Xui Ying at saka nsiya bumulong kay Li Xie.
"Sisimulan na natin na ayusin ang magic core mo bukas, may alam ka bang lugar na malakas at maraming mana?"
Dahil sa pagpikit ni Li Xie ay at sa hindi paghalik sa kaniya ni Lin Xui Ying ay kaagad siyang namula at nahiya sa ginawa niya. Halos ilubog na niya ang kaniyang sarili sa higaan at saka sinipa si Lin Xui Ying sa tiyan nito.
"Ah!"
Nalaglag si Lin Xui Ying sa kama at napahawak sa kaniyang tiyan na sinipa ni Li Xie at sa kaniyang balakang na nakatama sa sahig. Nang makita niya ang namumula at naiiyak na mukha ni Li Xie ay hindi naman kaagad na nakagalaw si Lin Xui Ying.
"Xie..."
"Jerk!"
Tumayo at lumabas si Li Xie sa silid at kahit na gusto man ni Lin Xui Ying na sundan kaagad si Li Xie ay hindi niya kaagad nagawa dahil sa lakas nang sipa ni Li Xie. Nang makabawi naman siya ay kaagad siyang lumabas sa silid at hinanap si Li Xie sa buong lugar.
Nang makita niya si Li Xie ay nakatayo ito at nakahawak sa isang hindi nakikitang harang sa pagitan ng dalawang silid. May nakitang nakapaskil si Lin Xui Ying nang makalapit siya at kaagad din naman niyang niyakap si Li Xie nang makita niyang lumuluha ito.
"Buhay siya..." mahinang sambit ni Li Xie habang nakayakap sa likod niya si Lin Xui Ying at nakahawak naman si hindi nakikitang harang si Li Xie at sa likod ng harang na iyon ay mayroong nakapaskil na isang sulat. "Buhay ang pinsan ko... nasa lugar din siya kung nasaan ako..."
Mas lalo pang hinigpitan ni Lin Xui Ying ang kaniyang yakap nang humagulgol si Li Xie. Hindi niya alam kung dahil ba sa nararamdaman niya para kay Li Xie kaya nakakaramdam siya nang kaunting p*******t sa kaniyang dibdib o dahil sa nakikita niya ang luha sa mga mata ni Li Xie.