Matapos pag-usapan nina Li Xie at Lin Xui Ying ang tungkol sa nangyari sa nakaraan ni Lin Xui Ying ay nabalot sila ng katahimikan. Dumagdag pa ang pagkakaalam ni Li Xie na buhay ang kaniyang pinsan sa kaniyang dating mundo, ang pinsan at nag-iisang kamag-anak niya sa mundong walang ibang ginawa kundi ang pahirapan sila, sa mundong wala silang kalayaan at lahat ng kanilang ginagawa ay kailangan may dikta.
Hindi makapaniwala si Li Xie na kasama niya ang pinsan niyang ito sa bagong mundong kanilang ginagalawan.
"Okay ka na ba?" tanong ni Lin Xui Ying nang makita niya na kumalma na nang kaunti si Li Xie.
Huminga na muna nang malalim si Li Xie, ngumiti siya kay Lin Xui Ying bago sinabing, "Masaya lang ako na may pagkakataon pa akong makita siyang muli."
"Kaya ba umiyak ka?"
"Um!" Tumatangong sagot ni Li Xie. "Sa buong pamilya ko siya lamang ang nakaka-intindi sa akin, siya lamang ang may pakialam sa akin kaya naman malaking tulong sa akin ito," dagdag pa ni Li Xie at nakangiting pinaglaruan niya ang kaniyang daliri.
"Ano bang pangalan niya? Kapag nagkaroon ako ng pagkakataon na pumunta sa Imperial Capital susubukan kong hanapin siya," kaagad na suhesyon ni Lin Xui Ying.
Tinitigan na muna ni Li Xie si Yu Ying at saka ito ngumiti. Hindi niya sinagot kaagad ang tanong ni Lin Xui Ying at isinandal na lamang niya ang ulo niya sa balikat ni Lin Xui Ying at saka pumikit.
"Li Muen."
"Huh?"
"Li Muen ang pangalan niya," pag-uulit ni Li Xie at saka niya tiningnan si Lin Xui Ying. "Kapag nakita mo siya, maari mo bang sabihin na ayos lang ako?"
'Li Muen? Pamilyar... sandali... hindi ba iyan ang pangalan ng babaeng anak ng Li Family main branch sa Xidi Kingdom?! Ibig sabihin isa sa Li Family si Li Xie?'
Kaagad naman na inalis ni Lin Xui Ying ang kaniyang atensyon sa kaniyang nisip at saka tumingin kay Li Xie dahil napagtanto rin niya kung ano ang sinabi nito.
"Sandali, bakit sasabihin ko lang? Ayaw mo ba siyang makita?" takang tanong ni Lin Xui Ying.
Sandali na napatigil si Li Xie at saka ito umupo nang maayos. "Sa totoo lang Ying..." huminto ito saglit at saka tuingin sa kawalan. "Hindi ako sigurado sa relasyon na mayroon tayo. Umpisa pa lamang ay alam ko na na isa ka sa mga hindi pagkaraniwang tao, alam ko na isa kang noble son," sambit ni Li Xie na kinagulat ni Lin Xui Ying kaya naman kumalabog ang dibdib niya sa kaba. "Pero sa mga oras na ito hinayaan ko iyon dahil nakita ko naman na totoo ka sa mga sinasabi mo. Gusto ko siya makita pero ayokong gamitin ang kakayahan na mayroon ka at huwag mo sana iyong masamain."
"Bakit?" tanong naman ni Lin Xui Ying.
Nagtanong siya hindi dahil sa hindi niya maintindihan ang sinabi ni Li Xie, sa totoo niyan ay naiintindihn niya. Gusto lamang malaman ni Lin Xui Ying ang dahilan sa mismong bibig ni Li Xie kaya naman pinili niyang magtanong.
"Dahil sa isa kang noble, isama mo pa iyang mukha mo, alam ko na hindi ka lang makapangyarihan, sikat ka rin sa kababaihan." Nang makita ni Li Xie ang pagngiwi ni Lin Xui Ying ay napangisi ito dahil tama ang kaniyang sinabi. "Isa lamang akong normal na mamamayan at kapag nakita nila na kasama mo ako o nakita nila na iba ang trato sa akin, hindi ba mas mahihirapan ka? Isa pa, bago tayong dalawa maging kilala na magkasintahan sa mundo gusto ko na may narating na muna ako. Iyong tipong hindi nila ako mamaliitin at hindi nila iisiping bakit ako at hindi sila," dagdag na paliwanag ni Li Xie at tumingin ito kay Lin Xui Ying. "Naiintindihan mo naman 'di ba?"
Hindi na nakapagsalita pa si Lin Xui Ying sa mga sinabi ni Li Xie at inilapat na lamang niya ang kaniyang labi sa labi ni Li Xie. Ipinikit nila ang kanilang mga mata at saka naman nagsimula ang paglalim ng kanilang mga halik. Nang hindi naman na sila makahinga ay bumitaw sila sa pagkakahalik at saka naman ngumiti sa kaniya si Lin Xui Ying.
"Naiintindihan ko ang lahat. Huwag kang mag-alala wala akong ibang papakasalan kundi ikaw lang, wala akong ibang babae kundi ikaw lang, at higit sa lahat wala akong ibang hihintayin kundi ikaw lang. Gawin mo ang lahat ng makakaya mo upang maging tanyag ka kaagad ha?"
Napanganga naman si Li Xie at mahinang binatukan si Lin Xui Ying. "Mukha bang mabilis magkaroon ng pangalan sa publiko nang walang tulong ng mga may pera? Saka isa pa hindi ko alam kung marapat bang maging tanyag ako sa musika o sa panggagamot," inis na sambit ni Li Xie.
"Kung pera ang kailangan mo huwag kang mag-alala, mayroon ako. Isa pa, bakit hindi mo subukan ang dalawa? Marunong ka manggamot at marunong ka rin namang gumawa ng gamot, kapag binenta mo ang gawa mong gamot sa mga alchemist siguradong matutuwa sila dahil may dagdag silang pag-aaralan."
'Wow! Itong lalaking ito kung makapagsalita akala mo ay madali lang talaga,' sambit ni Li Xie sa kaniyang isipan habang walang ganang nakatingin sa kaniyang kasintahan.
"Whatever," kaagad na sambit ni Li Xie at tumayo ito. "Mukhang nasa kundisyon na ang katawan ko." Lumingon naman siya kay Lin Xui Ying. "Maaari ko na bang simulan muli ang pag-aayos ng core ko?"
Hindi kaagad na nagsalita si Lin Xui Ying at inilahad lamang niya ang kaniyang kamay at kaagad naman na ibinigay ni Li Xie ang kaniyang kamay. Pinakiramdaman ni Lin Xui Ying ang pulsuhan ni Li Xie na nakakunekta sa kaniyang core at saka naman tumango si Li Xui Ying.
"Maari na ngunit kailangan mo pa rin ng gabay," sambit ni Lin Xui Ying at tumayo rin ito. "May nararamdaman akong malakas na mana noong nasa kweba tayo, alam mo ba kung saan iyon?"
Itinabingi naman ni Li Xie ang kaniyang ulo. 'Ang lawa ba ang tinutukoy niya?'
"Uh, kung yung lugar na sagana sa mana may alam ako," kaagad naman na sagot ni Li Xie.
"Maari ba tayong magpunta roon? Doon mo na lamang ayusin ang core mo upang walang gaanong black mana na makuha."
"Black mana?"
"Ito yung mga mana na nakakasira sa core. Nagkakaroon ng black mana kapag mayroong warlock na sinusumpa na lugar o hindi kaya ay mayroong warlock na namatay sa lugar na iyon," kaagad naman na pagpapaliwanag ni Lin Xui Ying.
"Ah... sige sandali lang papakiramdaman ko lang ang sa labas baka kasi naroon pa ang mga kalaban."
"Wala na ang mga iyon. Sa tagal natin sa lugar na ito e," kaagad naman na sambit ni Lin Xui Ying.
"Mas maganda pa rin ang maingat. Marirap na baka mamaya masurpresa tayo."
Hindi na lamang kumotra pa si Lin Xui Ying at nang makita naman ni Li Xie na hindi na siya kokontrahin ay kaagad naman na niyang pinikit ang kaniyang mga mata at saka pinakiramdaman ang paligid sa labas ng kaniyang system. Nang maramdaan niya na walang kalaban sa paligid ay sa isang iglap ay bigla na lamang silang nasa labas ng system.
Kaagad na nag-inat ng kaniyang braso si Lin Xui Ying dahil sa tagal bago siya nakasinghot ng sariwang hangin. Nagsimula na silang maglakad sa pangunguna ni Li Xie at nang makita naman ni Lin Xui Ying na patungo sila sa pinaka gitna ng gubat ay napangiti ito. Hindi akalain ni Lin Xui Ying na ganito kasing tatag si Li Xie na walang takot na naglalakad patungo sa gitna ng gubat.
"Hindi ba mayroong tagapagbantay sa lugar na ito?" tanong ni Lin Xui Ying dahil iyon ang dinig niya sa mga usap usapan sa capital.
"Yup," kaagad naman na sagot ni Li Xie at halatang halatang kalmado.
Kumunot naman ang noo ni Lin Xui Ying. "May tagabantay pero ganiyan ang reaksyon mo?"
"Huh? Bakit ano bang masama sa tagapagbantay na iyon? Nakita ko na siya at nakausap, hindi siya masama gaya nang inaakala ng lahat."
Napanganga naman si Li Xui Ying sa sinabi ni Li Xie. Hindi siya makapaniwala na mayroong isang tao na magsasabi na mabait at hindi masama ang tagapagbantay ng North Mountain ng Maqi Kingdom.
'Kakaiba ka talaga, Li Xie.'