Alam ni Lin Xui Ying na may kakaibang lakas si Li Xie at alam din naman niya na hindi ito basta bastang natatakot kaya naman nang makita niya ang walang emosyong mata ni Li Xie ngunit alertong mga pakiramdam ay mas lalo nitong nabihag ang puso ni Lin Xui Ying. Ganoon pa man, kapag nakikita ni Lin Xui Ying ang kakaibang tingin ni Li Xie ay nakakaramdam siya ng takot na hindi niya mawari na kung saan galing.
Noong una ay akala ni Lin Xui Ying na mayroong nakatitig sa kanilang dalawa ngunit wala namang ibang tao bukod sa kanila. Kaya naman minsan ay naiisip niya na mayroong masamang balak sa kaniya si Li Xie ngunit sa paglipas ng araw ay kaagad naman niya itong inabandona.
"Hindi ka ba natatakot sa lugar na ito?" tanong ni Lin Xui Ying nang makakita sila ng ilang demon beast na handang manakit.
Dahil wala pang kaalam alam si Li Xie sa kahit na anong spell o kahit na anong panlaban gamit ang mahika ay hinayaan na lamang niya si Lin Xui Ying na ang pumuksa sa mga kalaban na nakakaharap nila. Noong unang magpunta si Li Xie sa pinaka gitna ng gubat, hindi niya ginamit ang kaniyang kakayahan sa mashika. Hindi dahil sa takot siya kundi ay hindi niya ito alam kung paano gamitin, hindi rin naman kaya pa ng katawa niya na gumamit ng mahika noon kahit na gustuhin pa niya kaya pinagsawalang bahala na lamang niya iyon at tanging paggamit ng kakayahan niya bilang isang mamamatay tao ang kaniyang inasahan.
"Xie?"
"Hmm?"
"Hindi ba nagpupunta ka rito noon halos araw araw?" tanong ni Lin Xui Ying nang matapos niyang alisin sa kanilang daanan ang isang normal na tier one demon beast.
"Uh-huh. May problema ba roon?"
"Wala naman ngunit hindi ka pa masyadong nakakagamit ng mahika dahil sa pinsala mo sa 'yong katawan," sambit ni Lin Xui Ying, tumingin siya kay Li Xie. "Paano ka nakapunta sa pinaka gitna ng gubat gayong iyon ang pinaka mapanganib na parte nitong North Mountain ng Maqi Kingdom?"
"Hmm~" Naglakad na parang wala lamang si Li Xie narinig. Akala ni Lin Xui Ying ay hindi magsasalita si Li Xie kaya naman nagulat siya sa naging sagot nito. "Hindi lang naman mahika ang sinanay sa akin," sambit nito at nakangiting lumingon kay Li Xie. "Hindi lamang mahika ang kayang gawin ng katawang ito. Oo, sabihin natin na mahina lamang ang katawan na ito ngunit may iilang galaw akong kayang gawin na hindi kayang gawin ng ilang magic user," dadag pa ni Li Xie upang makumbinsi si Lin Xui Ying.
Para kay Li Xie, ang lahat ng bagay ay malalaman sa tamang panahon. Hindi niya kailangan pangunahan ang mga mangyayari.
"Pero may tagapagbantay ang lugar na ito dahilan kung bakit nahihirapan ang mga magic user na pumasok dito. Ang pinaka sentro ng gubat ay ang siyang pinaka mayaman sa mineral na ginagamit ng mga magic user upang makapag-advance. Dahil sa saganang mana na nasa gitna ng gubat na ito ay maraming mga magic user ang nagtatangkang pumasok dito ngunit hindi silang lahat nagtatagumpay dahil sa tagapagbantay na ahas," paliwanag ni Lin Xui Ying at sandali naman na napaisip si Li Xie. "Walang nakakalabas ng buhay sa mga pumapasok sa pinaka sentro ng gubat na ito at ikaw pa lamang bukod sa ika-siyam kong kapatid ang nakilala kong kayang maglabas pasok sa loob ng gubat na ito."
Tumigil si Li Xie sa paglalakad at saka siya lumingon kay Lin Xui Ying. "Alam mo ba kung bakit hindi sila nakakalabas ng gitna ng gubat at napapatay sila ng tagapagbantay?"
Lumingon si Li Xie kay Lin Xui Ying at ikinagulat naman ni Lin Xui Ying ang emosyon na binigay ni Li Xie nang matapos niyang tanungin ito. Ang mga mata ni Li Xie ay nagsasabing alam niya kung bakit at alam niyang iilan lamang ng gustong makaalam ng ganoon.
"Hindi," sagot ni Lin Xui Ying habang umiiling.
Inilagay ni Li Xie ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang likod at saka nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod naman kaagad sa kaniya si Lin Xui Ying habang hinihintay niya ang susnod sa sasabihin ni Li Xie.
"Iyon ay dahil ang mga taong nagpupunta rito ay may mga masasamang balak. Kung hindi nila lalagyan ng malisya ang kanilang puso, kung wala silang balak na sirain ang mga halamang gamot, ubusin ang mineral, kunin at angkinin ang lahat ng narito, higit sa lahat patayin ang tagapagbantay…" sandali na tumigil si Li Xei at humarap kay Lin Xui Ying at naglakad nang patalikod. "Sino bang hindi papatay sa kalaban kung gusto ka nitong patayin?"
Kinilabutan si Lin Xui Ying sa hindi niya malamang dahilan dahil sa ngiting binigay sa kaniya ni Li Xie. Ang mga ngiti na iyon ay wari mo ay kaya kang ipadala sa kabilang buhay, mga ngiting kaya kang patayin ng wala lamang para sa kaniya.
'Anong buhay ang dinanas mo at naging ganiyan ka?' tanong ni Lin Xui Ying sa kaniyang isipan.
Gusto man niya na tanungin ang mga tanong na iyon kay Li Xie ay hindi niya magawa dahil alam niya na isa ito sa mga sensitibong paksa para kay Li Xie.
Kaagad naman na napatigil si Li Xie sa paglalakad at kaagad na lumingon sa harapan ng kaniyang nilalakad at saka niya nilabas ang kaniyang dagger. Nang makita naman niya ang malaking ahas ay kaagad naman itong napabuntong hininga at saka tinapik nang mahina ang kaniyang dibdib at bigla na lamang naglaho ang dagger sa kamay ni Li Xie.
"Bigla bigla ka naman sumusulpot," kaagad na smabit ni Li Xie at nagulat naman si Lin Xui Ying dahil ang salitang iyon ay hindi para sa kaniya kundi para sa ahas na nasa labas nila.
Tanging ang tunog lamang ng ahas ang naririnig ni Lin Xui Ying na sumagt kay Li Xie. Alam ni Lin Xui Ying na ang mga tagapagbantay ay may kakayahan na maintindihan ang salita ng mga tao ngunit wala silang kakayahan na makipag-usap sa mga ito. Kaya naman napanganga si Lin Xui Ying nang makita niya na nakikipag-usap si Li Xie sa ahas na siyang tagapagbantay ng gubat na parang isang normal itong tao.
'Nagkaka-intindihan sila?'
Hindi man makapaniwala at gusto man makisali ni Lin Xui Ying ay hinayaan na lamang niya na mag-usap ang dalawa.
'Tatanungin ko na lang siya mamaya.'
"Anong problema?" tanong ni Li Xie at itinagilid ang kaniyang ulo.
'Bakit ka nagdala ng ibang tao rito?!' kaagad na tanong ng higanteng ahas na tagapagbantay ng gubat.
"Hindi naman masamang tao ang kasama ko," sambit ni Li Xie at bumuntong hininga siya. "Alam ko na nag-aalala ka pero ako na ang bahala sa isang ito sisiguraduhin kong wala siyang gagawin na hindi maganda,"
'Hindi ka ba nagbibiro?'
"Mukha ba akong nagbibiro?" Taas kilay na sambit ni Li Xie.
Tinitigan muna ng higanteng ahas si Li Xie at saka ito nagsalita, "Hindi ko alam ang balak mo pero sige, papaniwalaan kita. Siguraduhin mong hinding hindi gagawa ng kahit na anong masamang gawin iyang kasama mo, kung hindi…"
Itinaas ni Li Xie ang kaniyang dalawang kamay dahil sa sinabi ng higanteng ahas. "Huwag kang mag-aalala ako bahala."
Halos mapatalon naman sa gulat si Lin Xui Ying nang makita niya na bumaling ang higanteng ahas sa kaniya at saka ito lumingon muli kay Li Xie at saka ito umalis.
Nang makaalis naman ang ahas ay kaagad na napabuntong hininga si Li Xie at naupo sa lupa.
"Ha!" marahas na naglabas ng hangin si Li Xie sa kaniyang bibig kaya naman lumapit si Lin Xui Ying sa kaniya.
"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Lin Xui Ying.
"Mukha bang ayos lang ako?" panbabara naman ni Li Xie.
Sandali na tumigil si Lin Xui Ying dahil sa sinabi ni Li Xie at saka ito marahan na tumawa at inalalayan si Li Xie na tumayo.
"Mukha nang okay ka lang. Nagawa mo nang barahin ako e," sambit ni Lin Xui Ying.
Mahina naman na sinuntok ni Li Xie si Lin Xui Ying sa balikat at saka umayos nang tayo at saka sila nagsimulang maglakad muli. Habang naglalakad papalapit sa gitna ng gubat ay wala na silang nakikitang mga demon beast na humaharang sa daan nila kaya naman inisip nina Li Xie at Lin Xui Ying na dahil ito sa tagapagbantay ng gubat.
"Hindi pa rin ako makapaniwala," wala sa oras na sambit ni Lin Xui Ying.
Kaagad naman na napatingin si Li Xie kay Lin Xui Ying saka nagtanong, "Saan?"
"Na kaya mong makipag-usap sa tagapagbantay. Ito ang unang beses na nasaksihan ko ito. Maging ang ika-siyam kong kapatid ay hindi magawang makipag-usap sa tagapagbantay at tangin pakiramdam lamang ang kaniyang pinagababasehan sa pag-intindi sa sinasabi ng tagapagbantay,"
"Hmm? Hindi ba ito normal?" tanong ni Li Xie dahil naagaw niya ang atensyon ng paksa na kanilang pinag-uusapan.
"Sa pagkakaalam ko, hindi." Seryosong tumingin si Lin Xui Ying kay Li Xie. "Ito ang unang pagkakataon na nakakita o nakasaksi ng isang tao na nakikipag-usap sa tagapagbantay ng gubat," paliwanag ni Lin Xui Ying. "Huwag na huwag mo itong ipakita sa iba dahil magiging isa ka sa target nila," kaagad na bigay na babala ni Lin Xui Ying.
Tumango na lamang si Li Xie bilang sagot.