Mas lalo pang lumalim ang paghanga na nararamdaman ni Lin Xui Ying para kay Li Xie sa mga nalaman pa nito. Alam niya na hindi gaya ng ibang babae si Li Xie, alam niyang kakaiba ito ngunit hindi niya akalain na ganito ka-espesyal si Li Xie. Hindi niya akalain na magiging espesyal sa kaniya si Li Xie.
Nang makarating sila sa bukana ng gitna ng gubat at nakita ni Lin Xui Ying ang dami ng mga halamang gamot na pinagkakaguluhan ng mga pharmacist kapag mayroong nakukuha, ang mga halamang gamot na pinagkakaguluhan ng lahat ay parang d**o lamang kung magkalat sa lugar kung saan sila nakatayo ngayon.
"Isa ito sa pinaka gusto kong parte ng gubat," dinig ni Lin Xui Ying na sambit ni Li Xie, tumingin siya kay Li Xie at nakita niya ang saya sa mga mata ng dalaga. "Ewan ko ba, siguro dahil sa may koneksyon ako sa medisina kaya para sa akin ay nakakagaan ng loob ko ang makitang maraming mga halamang gamot sa harapan ko," dagdag pa niya.
Isang totoong ngiti ang ibinigay ni Li Xie sa kaniya, isang ngiti na walang halong pangamba at tanging pagkamangha lamang. Sa hindi malamang dahilan ni Lin Xui Ying ay napatitig siya sa mukha ni Li Xie at wari mo ay ipinipinta niya sa kaniyang isipan ang itsura ni Li Xie sa mga oras na iyon upang hindi niya makalimutan.
"Sigurado na kapag nakapunta ang isang pharmacist o alchemist sa lugar na ito ay hindi na siya lalabas pa," kumento ni Lin Xui Ying.
Napalingon naman si Lin Xui Ying kay Li Xie nang marinig niya itong tumawa at nagbigay ng kumento sa kaniyang sinabi. "Iyon ay kung makakaligtas sila sa tagapagbantay."
Napatikhim naman sandali si Lin Xui Ying dahil sa sinabi ni Li Xie at saka ito tumingin sa kaniyang kanan dahil inaamin niya sa kaniyang sarili na sandali niyang nakalimutan ang tungkol sa tagapagbantay ng lugar na kinaroroonan nila.
"Nakalimutan ko ang tungko riyan," mahinang sabi ni Lin Xui Ying na wari mo ay ayaw niyang aminin kay Li Xie ngunit wala na naman siyang nagawa dahil nahalata na siya ni Li Xie.
Nakangiti na lamang na umiling si Li Xie saka sinabing, "Pero hindi pa rito ang lugar na pupuntahan natin."
Kumunot naman ang noo ni Lin Xui Ying. Alam niya na sagana ang buong gitna ng North Mountain ng mga halamang gamot kaya naman hindi na siya nagtataka na maraming mga alchemist at pharmacist ang gustong magpunta rito pero sa mga oras na iyon, doon lamang nalaman ni Lin Xui Ying kung bakit may mga magic user at qi user din na gustong magpunta rito. Masagana nga ang lugar na ito sa qi at mana at kaya nitong suportahan ang pag-advance ng isang lebel ng isang magic user o qi user.
'Kaya naman pala mabilis makapag-advance ang ika-siyam kong kapatid na lalaki at babae kapag nanggagaling sila rito,' kumento ni Lin Xui Ying sa kaniyang isipan.
Noong una ay hindi niya pinapansin ang tungkol sa pinaka gitna ng North Mountain dahil sa mga masasamang balita na nasasagap niya sa mga tao. Akala niya sadyang malakas lamang ang kaniyang ika-siyam na kapatid na lalaki at babae kaya nagagawa nilang maglabas pasok ng North Mountain ng walang kagalos galo sa katawan.
Nagpatuloy sa paglalakad si Li Xie at sinundan lamang siya ni Lin Xui Ying habang nagtitingin tingin sa palagid. Ito ang unang pagkakataon na nakakita siya nang napakaraming halamang gamot, hindi lamang basta bastang halamang gamot, ito ay ang mga halamang gamot na kakaunti lamang ang nasa merkado at mahal.
Mas lalo pa na namangha si Lin Xui Ying nang makapasok sila sa isang lugar na sa unang pag-apak pa lamang niya ng kaniyang paa ay ramdam na ramdam na niya ang kasaganahan ng mana. Nanlalaki ang mga matang tumingin si Lin Xui Ying sa paligid dahil sa kaniyang naramdaman. Kitang kita niya ang mga mana na nasa paligid nila ngunit ang mana na nasa tubig ng lawa sa harapan nila ang siyang mas nakaagaw ng atensyon sa kaniya. Ang mana na ito ay puro at walang halo.
"Hindi ko akalain na mayroong ganito sa lugar na ito..." hindi makapaniwalang sabi ni Lin Xui Ying habang nakatitig sa lawa.
Ngumiti lamang si Li Xie nang makita niya ang reaksyon ni Lin Xui Ying. hindi niya ito pinakialaman dahil alam niya na ganito rin ang unang naging reaksyon niya nang unang beses niya itong madiskubre.
"Mag-uumpisa na ba tayo?" tanong ni Li Xie.
Kaagad naman na nakabawi sa pagkagulat si Lin Xui Ying nang marinig niya ng boses ni Li Xie. Nilingon niya si Li Xie at nakita niya ang mapang-asar na mukha ng dalaga kaya naman napatikhim siya at nagkunwaring hindi nagulat. Hindi niya ito kaagad na sinagot at inilibot na muna ni Lin Xui Ying ang paligid.
Dahil sa tagapagbantay, ang buong lugar ay tahimik at payapa. Sa puntong iyon ay hindi na kailangan pa ni Lin Xui Ying na mag-alala na maistorbo si Li Xie sa pag-aayos ng kaniyang magic core. Masyadong mapanganib ang pag-aayos ng magic core dahil kapag nagkamali ang isang magic user sa pagaayos ng core ay maaring mahigop sila ng itim na lamat at mawala ang kanilang kaluluwa at hindi na magising pa.
Tumikhim muli si Lin Xui Ying at saka siya tumingin kay Li Xie at ipinaliwanag ang lahat. Sinabi niya na kailangan ni Li Xie na maging maingat dahil hindi nila alam kung ano ang mga maaaring mangyari. Nang malaman ni Lin Xui Ying na malaki ang lamat ng core ni Li Xie ay nangamba ito ngunit alam niya na isang maingat na babae si Li Xie kaya naman naglagay siya ng tiwala sa dalaga.
"Walang mang-iistorbo sa iyo sa lugar na ito dahil protektado ito ng tagapagbantay, maliban na lamang kung mayroong isang malakas na makalaban ang tagapagbantay." Parehas silang dalawa na lumublob sa lawa at naglakad sa isang mala-isla sa gitna ng lawa. "Ganoon pa man kailangan mo pa rin mag-ingat. Narito man kami ng tagapagbantay para protektahan ka sa kahit na anong maaring mangyari sa katawan mo ngunit hindi namin magagawang bantayan ang kaluluwa mo." Umahon si Li Xie sa tubig ng lawa at naupo sa mala-isla sa gitna ng lawa. "Kaya maging maingat ka na hindi ka makain ng lamat," dagdag na babala nito.
Kaagad naman na tumango si Li Xie. Alam niya ang ibig sabihin ni Lin Xui Ying at nang dahil sa mga sinabi ng binata ay alam na rin ni Li Xie kung bakit nararamdaman niya na mayroong gustong humigop sa kaniya sa loob ng magic core niya.
"Hindi ako maaaring lumapit sa 'yo habang inaayos mo ang core mo kaya lalayo muna ako," sambit ni Lin Xui Ying at tumango naman si Li Xie. "Ang mga mana sa paligid kunin mo at ipasok mo sa loob ngunit huwag mong ikalat sa loob ng core mo. Gaya noong una ay itapal mo ito sa lamat. Ang maliliit na part ay madali lamang ngunit hindi ang malalaking parte na sira ng iyong magic core. Ang malaking awang ay maari kang higupin kaya sinasabi ko na mag-ingat ka."
Tumango naman si Li Xie. "Naiintindihan ko," sambit nito at saka nagtanong, "Mayroon pa ba akong dapat malaman?"
"Mayroon," kaagad na pagbibigay ni Lin Xui Ying sa tanong ni Li Xie. "Ang mana na malilikom mo ay samahan mo ng healing magic. Hindi ko alam kung paano ang healing magic ngunit kailangan mo itong alamin sa sarili mo," dagdag na sambit ni Lin Xui Ying.
Napanganga na lamang si Li Xie ngunit tumango na lamang ito at saka naman pumikit upang makapasok na ang kaniyang diwa sa loobg ng kaniyang magic core. Nakatitig lamang muna si Lin Xui Ying kay Li Xie habang papasok ang diwa nito sa kaniyang magic core at nang makita ni Lin Xui Ying na nasa loob na ng kaniyang magic core si Li Xie ay kaagad naman siyang lumayo.
Hindi siya maaring lumapit sa oras na iyon dahil hindi na ito gaya nang una niyang turuan si Li Xie. Mas kumplikado ang proseso ngayon at ayon sa kaalaman ni Lin Xui Ying, hindi maaring may malapit sa isang taong nag-aayos ng magic core dahil gustuhin man o hindi ng tao na iyon ang pagkuha ng mana sa paligid ng hindi alam ay malaking epekto para sa taong nag-aayos ng magic core.
Samantala, nang makapasok naman si Li Xie sa loob ng kaniyang magic core ay kaagad na napakunot ang noo niya dahil nakita niya na ang ilan sa kaniyang itinapal na mana ay naging parte na ng pundasyon ng magic core niya at humilom ang ilang parte ng lamat. Ganoon pa man, hindi man ito malaki ay napansin pa rin ni Li Xie na mayroon itong maitim na parte.
'Huh? Hindi pa naman ako nakakatagpo o nakakapunta sa lugar na mayroong black mana bakit may itim ang parteng iyon?'
Hindi malaman ni Li Xie kung bakit ngunit sinubukan na lamang niyang pagaling muli ang parte na iyon. Ginawa niya ang sinabi ni Lin Xui Ying at ang kaibahan lamang nito sa una niyang ginagawa ay kailangan may healing magic. Nakakailng ulit na siya ngunit hindi pa rin niya ito magawa at ang mana na itinatapal niya sa may maitim na parte ay nagiging itim pa rin kaya naman naiirita na si Li Xie.
'Sandali...'