SOUL EATING MANA [2]

1014 Words
Kaagad na umayos ng tayo ang diwa ni Li Xie at saka ito nagsimulang lumikom na naman ng mana sa paligid. Nang nasa kaniyang kanang kamay na niya ang sapat na mana upang ilagay sa may lamat ay inilahad naman niya ang kaniyang kaliwang kamay. Inisip ni Li Xie ang isang spell na ginawa niya upang mas mapadali ang pagpapagaling noon. 'Heal.' Kaagad na nagkaroon ng liwanag ang kaliwanag kamay ng diwa ni Li Xie sa loob ng magic core at saka niya ipinaghalo ang mana na nalikom niya mula sa labas at ang kaniyang sariling mana. Nang mapagsalo niya ito ay kaagad naman na nagliwanag ito at saka niya inilagay sa may lamat ang mana na pinagsalo niya. Noong unang subok ay hindi gumana ngunit sa pangalawa at pangatlo ay nagtagumpay rin si Li Xie. Sinunod sunod na niya ito hanggang sa makalahati na niya ang lamat. Mas malaki ito kaya naman kapag lalapit siya rito ay ramdam na ramdam niya ang kagustuhan nitong kanin siya. Ganoon pa man ay binaliwala ito ni Li Xie at nagpatuloy sa kaniyang ginagawa ngunit hindi rin madali iyon dahil nakaramdam na siya ng pagod. 'Hindi maaring tumigil na ako rito...' mahinang sambit ni Li Xie. Nakita niya ang ilang parte sa kaniyang inaayos na mayroong itim na naman kaya naman napakunot ang kaniyang noo at saka siya umalis sa loob ng kaniyang magic core. Sa kabilang banda naman nang makapasok si Li Xie sa kaniyang magic core ay binantayan siya ng taimtim ni Lin Xui Ying at nang maramdaman niya ang kakaibang mana sa katawan ni Li Xie ay alam na ni Lin Xui Ying na nagtagumpay si Li Xie na magawa ang healing spell. Ganoon pa man, nang makita niya ang pawi sa noo ng dalaga, gustuhin man niya ay hindi siya makalapit kaya naman nang makita niya na dumilat ito ay kaagad siyang lumapit. "May problema ba?" nagtatakang tanong ni Lin Xui Ying sa kaniya. "Ying..." "bakit?" "Nagawa ko naman ang pinapagawa mo..." mahinang paumpisa ni Li Xie saka siya nagpatuloy, "Pero bakit ang mga mana na may healing spell ay nagiging itim pa rin?" Sandali na napatigil si Lin Xui Ying sa sinabi ni Li Xie at hindi makapaniwalang tumingin sa dalaga. "Anong sabi mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Lin Xui Ying. Kumunot naman ang noo ni Li Xie dahil hindi niya alam kung bakit naging ganoon ang reaksyon ni Lin Xui Ying sa kaniyang sinabi. "Mayroon kasing parte sa lamat na nangitim at kahit na tinapalan ko ito nang bagong mana ay hindi pa rin ito tumigil s pangingitim. Anong ibig sabihin noon?" tanong ni Li Xie. Napanganga si Lin Xui Ying at hindi makapaniwala sa kaniyang narinig. Nang makita ni Li Xie ang naging reaksyon ni Lin Xui Ying ay alam niya na hindi maganda nag tungkol doon at kung magkakaroon man ng pagkakataon ay hindi iyon sasabihin ni Lin Xui Ying kay Li Xie. Ngunit hindi maaring isawalang bahala niya ito. "Ano bang problema?" sambit muli ni Li Xie. "Kinakabahan ako sa reaksyon mo," dagdag nito. "Xie," "Ano nga? Ano pabitin?" inis na sambit ni Li Xie. "Ang tsaa ba na binibigay sa iyo ng iyong tiyahin noon ay mayroong matamis ngunit may pagka maasim?" Kumunot ang noo ni Li Xie at saka naman ito tumango kahit na alam niya na wala sa paksa ang tanong ni Lin Xui Ying. Nang marinig naman ito ni Lin Xui Ying ay hindi niya maiwasan ang hindi mapasabunot. "Ano ba kasing problema? Kung sinasabi mo na sa akin e 'di sana dalawa tayo mukhang papatay," inis na sambit ni Li Xie nang makita niya ang reaksyon ni Lin Xui Ying. "Ang tsaa na binibigay sa iyo ng iyong pinsan at tiyahin noon ay tinatawag na soul eating mana," pag-uumpisa ni Lin Xui Ying. "Isa itong mana na kumakain ng kaluluwa ng isang magic user na sumusubok na ayusin ang kaniyang magic core. Ibig sabihin, ang mga mana na nakukuha mo para sa 'yo ay napupunta sa taong naglagay sa iyon niyan. Habang unti unti mong sinusubukan na maayos ang core mo at sinusubukan na mag-advance, ang lahat ng pasakit mo ay mababaliwala lamang dahil lahat ng iyon ay mapupunta sa taong naglagay sa 'yo ng soul eating mana hanggang sa mawala ang kakayahan mo na kumuha ng mana sa paligid at mamatay." Napanganga naman si Li Xie dahil hindi niya akalain na ganoon kasama ang ugali ng kaniyang tiyahin at pinsan. Akala niya ay isa lamang itong normal na lason upang masira ang kaniyang magic core ngunit hindi niya akalain na gagamitin muna nnila ang kakayahan ni Li Xie bago nila ito patayin. "Heh~ gusto pala nila maglaro, hindi naman nila sinabi." Kinilabutan naman si Lin Xui Ying nang makita niya ang ngiti sa mga labi ni Li Xie. Ang mga ngiting iyon ay ang ngiti na handang manakit at magpasakit muna ng isang tao bago pumatay. Maging siya ay hindi makapaniwala sa ginawa ng tiyahin ni Li XIe at ng pinsan nito kaya naman kung may gagawin man si Li Xie na hindi maganda ay sisiguraduhin niyang poprotekahan niya ito. "Sabihin mo, Ying..." tumigil sandali si Li Xie at tumingin kay Lin Xui Ying. "May gamot ba rito?" Sandali na napatigil si Lin Xui Ying at napaisip. May roon ngang gamot ang soul eating mana at ang mga sangkap nito ay nasa loob lamang ng gubat na kung nasaan sila ngayon. Alam din naman niya kung paano ito gawin kaya wala rin naman itong poblema. Isa lamang... "Mayroon ngunit may tanong ako sa iyo," sambit ni Lin Xui Ying at tumango naman si Li Xie. "Ano 'yun?" "Gusto mo bang malaman nila na buhay ka pa o hindi? Kapag sinimulan natin ang pagpuksa sa soul eating mana ay sasabog ang magic core ng taong naglagay nito sa 'yo. Sabihin mo, handa ka ba na malaman nila na buhay ka?" "Heh~ so, ibig sabihin mamamatay ang taong naglagay nito sa akin..." Tumango naman si Lin Xui Ying "Oo." "E 'di mas maganda! Halika, umpisahan natin." Masayang tumayo si Li Xie at saka naglakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD