CURING THE SOUL EATING MANA

1673 Words
Alam ni Lin Xui Ying na ang mga sangkap ng gamot na para sa soul eating mana ay nasa gitna ng North Forest ngunit hindi niya alam kung ano ano iyon. Alam niya ang tungkol sa soul eating mana dahil isa ito sa mga napag-aaralan nilang mga magic user noong siya ay nag-aaral pa. Sinabi rin ng mga tao sa magic tower na ang soul eating mana ay isa sa pinaka mahirap gamutin dahil ang kailangang sangkap nito ay nasa pinaka gitna ng North Forest kung saan ang mga sangkap ay binabantayan ng isang malaking ahas. Naalala pa ni Lin Xui Ying na isa sa kaniyang mga guro ang napainom nito ng isa sa kaniyang mga estudyante na nainggit sa kapwa niya estudyante. Dahil doon ay hintulan ng kamatayan ang estudyante at dahil hindi pa noon nakakalabas pasok sina Lin Jing at Lin Rin sa loob ng North Forest ay namatay ang guro na iyon. Madali lamang gawin ang soul eating mana at madali lang din naman itong gamitin kaya naman kahit sino ay makakagamit nito ngunit ang gamot dito ay hindi madaling mahawakan at gawin. 'Hindi ko akalain na masyadong maitim ang puso ng mag-inang iyon kay Li Xie,' sambit ni Lin Xui Ying sa kaniyang isispan at kunot noong nakatingin kay Li Xie. 'Ano na ang balak mo pagkatapos nito, Xie?' "Ying?" "Bakit?" "Alam mo ba ang mga sangkap?" Malungkot na ngumiti si Lin Xui Ying at ito ang kauna unahang beses na inisip niya sa kaniyang sarili na wala man lang siyang kaalam alam sa mga bagay bagay. "Sorry…" mahinang sambit ni Lin Xui Ying. Sa mga oras na iyon ay napa-isip si Lin Xui Ying na bakit nga ba niya inuubos ang kaniyang oras sa pag-advance na hindi lamang nama niyon ang kailangan niya sa kaniyang buhay. Kung may alam siya kahit papaano sa soul eating mana ay hindi na masyadong mahihirapan pa si Li Xie. Kung ano ano pa ang naiisip ni Lin Xui Ying ngunit nakaramdam naman siya na mayroong yumakap sa kaniya. Nang tingnan niya ang kaniyang gilid ay nakita niyang nakangiti sa kaniya si Li Xie. "Huwag kang mag-alala malaki na ang naitulong mo sa akin," sambit ni Li Xie at patuloy na nagsalita. "Alam ko na tingin mo sa sarili mo ngayon ay wala kang kaalam alam pero Ying, malaki na ang naitulong mo sa akin. Sa sobrang laki hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko kung hindi kita nakita noon." Humigpit ang yakap ni Li Xie kay Lin Xui Ying. "Kaya huwag mo akong bigyan ng ganiyang ekspresyon. Kahit na wala kang alam sa gamot ng soul eating mana may kakayahan naman ako na makakatulong sa akin upang malaman ko kung ano ano ang mga iyon," pagpapalubag pa ng loob na dagdag ni Li Xie. "Xie…" "Halika na at maghanap ng sangkap." Natatawang sambit ni Li Xie. Nang makita ni Lin Xui Ying ang malaking ngiti sa labi ni Li Xie ay kaagad naman na nawala ang kaniyang iniisip at saka niya pinangako sa kaniyang sarili na tutulungan na lamang niya si Li Xie na hanapin ang mga sangkap. Kapag nakabalik siyang muli sa Imperial Capital ay gagawin niya ang lahat upang makalap ang iba't ibang uri ng mga sakit na mayroong kinalaman sa mana at mga sangkap nito. Dahil din alam niya na mahilig sa medikal na mga bagay si Li Xie ay gagawin din niya ang lahat upang mabigyan ng sapat na kaalam si Li Xie tungkol sa mga sakit at mga gamot dito mapa-normal man hanggang sa pinaka mahirap na gamutin. Naglakad sina Li Xie at Lin Xui Ying patungo sa lugar na punong puno ng mga halamang gamot. Nang makarating sila ay kaagad naman na inikot ni Li Xie ang kaniyang mata at tiningnan ang paligid. "Hindi ko masyadong matandaan ang mga sintomas…" mahinang sambit ni Li Xie. "Basta ang natatandaan ko lamang noon ay may lagnat ako na mataas at unti unti na akong nanghihina," dagdag ni Li Xie, tumingin naman si Li Xie kay Lin Xui Ying. "Alam mo ba?" "Pagsusuka, kawalan ng lakas para mag-ehersisyo, lagnat, panghihina ng buong katawan, pag-ubo ng dugo, hanggang sa maramdaan ng pasyente ang pagkasira ng kanyang magic core." Tumingin si Lin Xui Ying kay Li Xie. "Naramdaman mo ba ang mga iyon?" Sandali na tumigil si Li Xie at napa-isip. Inisa-isa niya ang mga nnagyari sa katawan na kaniyang inukupa. Habang lumalalim ang paghahanap ni Li Xie sa alaala ng katawan na inukupa niya ay mas lalong naiinis at mas lalo pang nagalit sa dami ng masasamang ginawa sa dating may-ari ng katawan. 'What the hell is this?' Pinapanood lamang ni Lin Xui Ying ang mga reaksyon ni Li Xie at sa nakikita niya ay hindi magaganda ang mga naranasan ni Li Xie sa kaniyang pamilya. Base lamang sa reaksyon na binibigay ni Li Xie ay alam na kaagad ni Lin Xui Ying ang mga pinagdaanan ni Li Xie. 'Hindi ko hahayaan na may masama pang mangyari sa 'yo. Kung magkakaroon man ako ng pangako sa sarili ko iyon ay ang maprotektahan ka laban sa mga taong gustong manakit sa 'yo.' "Naranasan ko nga ang lahat ng iyon," sagot ni Li Xie at hindi maganda ang kaniyang reaksyon. Napayukom ng kamao si Lin Xui Ying at kaniyang iniisip kung paano niya mabibigyan ng leksyon ang mga taong nanakit kay Li Xie. Hindi man alam ni Lin Xui Ying kung hahayaan siya ni Li Xie na makisali sa paghihiganti niya ngunit hindi naman din siya papayag na wala siyang gawin para tulungan si Li Xie. Napansin ni Li Xie ang reaksyon ni Lin Xui Ying kaya naman napangiti si Li Xie at hinawakan ang kamay ni Lin Xui Ying at saka siya nagsalita, "Halika na hanapin na natin. Ngayong alam ko na ang mga sintomas hindi na mahirap sa akin hanapin ang mga sangkap na halamang gamot." Kaagad na hinila ni Li Xie si Lin Xui Ying patungo sa pinaka gitna ng mga halamang gamot at saka niya inutusan si Lin Xui Ying kung ano ang mga dapat niyang kuhanin. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat na oras ang nakalipas at hindi pa rin matapos ni Li Xie ang pangongolekta ng mga halamang gamot. Dahil sa dami ng sintomas at maaring kombinasyon na mga halamang gamot na nakabase sa mga sintomas. "Ah!" biglang sambit ni Li Xie at nahiga sa mga halamanan. Napatingin naman sa kaniya si Lin Xui Ying dahil sa gulat. Nang makita niya na tahimik na nakahiga si Li Xie sa halamanan at nakatitig sa asul na kalangitan ay doon na lamang napanatag ang dibdib ni Lin Xui Ying. Akala niya mayroon nang hindi magandang nangyari kay Li Xie dahil sa biglang sigaw nito. "Pinakaba mo naman ako," sambit ni Lin Xui Ying, papalapit ito kay Li Xie. Nilingon naman siya ni Li Xie at nginitian lang ngunit ang kaniyang ngiti ay hindi na kagaya noong una silang magkita. Hindi na umaabot sa kaniyang mga mata ang mga ngiti nito. 'Sinasabi lamang niya na okay lamang siya ngunit ang totoo ay hindi.' Umupo si Lin Xui Ying sa tabi ni Li Xie, hinawakan niya ang kamay ng dalaga. Pinaglaruan niya ito at hinayaan lamang siya ni Li Xie. Ngayong alam nila parehas ang nararamdaman ng bawat isa ay hindi na nila pinipigilan pa ang bawat isa sa pagkakaroon ng pisikal na koneksyon maliban lamang sa isang bagay. "Ying, paano kung hindi ko magamot itong soul eating mana, anong mangyayari sakin?" tanong ni Li Xie. Isa siyang doktor at base sa kaalaman na mayroon ang katawan na mayroon siya ay alam na niya ang mangyayari sa sarili niya. Ganoon pa man, ayaw pa rin niya itong paniwalaan. Para sa kaniya hanggat mayroong isang tao na naniniwala na gagaling siya ay gagawin niya ang lahat mapagaling lamang ang sarili niya. Gaya ng ginagawa niya sa mga nagiging kasama nila ni Li Muen sa misyon noon sa dati nilang mundo. Kapag mayroon siyang kasamahan na nasaktan, nasugatan, o kahit na isa pa itong malalang sugat ay kaya niyang iligtas hangga't naniniwala si Li Muen sa kaniyang kakayahan ay maililigtas niya ito. Wala mang pakialam si Li Muen sa mga nakakasama nila ngunit ay pakialam naman ito sa kakayahan ni Li Xie kaya hinahayaan lamang niya na gamutin ni Li Xie ang mga sugatan o mamamatay na nilang kasamahan. "Huwag kang mag-alala malalaman din natin ang mga sangkap," sambit ni Lin Xui Ying. Hindi naman tumingin si Li Xie ngunit nakangiti siya habang nakaktitig sa asul na kalangitan. Alam ni Li Xie na ang nararamdaman nila ay tunay ngunit kung magiging totoo si Li Xie sa kaniyang sarili hindi niya alam kung mapanghahawakan ba niya ang nararamdaman niya para kay Lin Xui Ying o hindi. Kaagad naman na napa-upo si Li Xie at napalingon silang parehas ni Lin Xui Ying sa pinanggalingan nang naramdaman nilang mana. Kaagad naman nila nakita ang higanteng ahas na tagapagbantay ng gubat. 'Anong ginagawa ninyo rito? Akala ko ba nasa lawa kayo?' tanong ng ahas at binalingan ng saglit na tingin si Lin Xui Ying. Kaagad naman na nagbigay ng galang si Lin Xui Ying kahit na hindi niya naiintindihan ang sinab ng ahas sa kaniya. "Naghahanap kami ng sagkap na gamot sa isang lason na ibinigay sa akin," kaagad na sambit ni Li Xie. Inilapit ng ahas ang kaniyang ulo at kaagad naman itong hinawakan ni Li Xie at hinimas himas gaya nang ginagawa niya sa kaniyang alagang pusa noon sa datin iyang buhay. 'Lason? Iyan ba ang nararamdaman ko sa iyong katawan?' Tumango na muna si Li Xie bago sumagot, "Soul eating mana." Kaagad naman na napaayos ang tagapagbantay. 'Mayroon kang soul eating mana?' hindi makapaniwalang tanong ng ahas. "Oo at sabi ni Ying na narito raw ang sangkap na mga halamang gamot," 'Sandali.' Kaagad na gumapang ang ahas papalayo sa kanila. Hindi man alam nila kung ano ang gagawin ng higanteng ahas na tagapagbantay ng gubat at bigla na lamang itong umalis ngunit sinabihan ni Li Xie si Lin Xui Ying na maghintay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD