AN ANTIDOTE

1400 Words
Ilang sandali pang naghintay sina Li Xie at Lin Xui Ying para sa pagbabalik ng tagapagbantay ng gubat at bago pa man na bumalik ito ay nagpunta muna si Li Xie sa kaniyang system at hinayaan muna si Lin Xui Ying sa labas upang hintayin ang tagapagbantay. Nagpunta si Li Xie sa mayroong hindi nakikitang harang na naghahati sa system niya at system ni Li Muen. Nakita niya na mayroong nakapaskil na naman na papel doon kaya naman binasa niya ito at napangiti siya. Gaya niya ay hindi rin maganda ang pinagdaanan ng taong may-ari ng katawan niya ang pinagkaiba lamang nilang dalawa ay mayroong magulang si Li Muen at siya wala. Base sa alaala ng dating may-ari ng katawan ay kasama ang kaniyang ama sa nawala sa ekspedisyon na nangyari noon. Sumunod ang kaniyang ina sa paghahanap sa kaniyang ama ngunit hindi rin ito nakabalik dahilan upang maiwan si Li Xie sa kaniyang tiyuhin. Maganda ang turing kay Li Xie ng unang asawa ng kaniyang tiyuhin ngunit nang mamatay ito at dumating sa kanilang mansyon ang ikalawang asawa ng kaniyang tiyuhin ay nagbago ang lahat. Dahil nasa paaralan din noong panahon na iyon ang kaniyang pinsan na anak ng unang asawa ng tiyuhin ni Li Xie at tagapagmana ng kanilang pamilya ay walang nagawa si Li Xie kundi ang sumama at makipagkaibigan sa dalawa. 'Hindi ko hahayaan na mangyari muli ang mga iyon. Sisiguraduhin ko na hinding hindi sila makakalabas ng mansyon ng mga Li ng buhay.' Nagpaskil din si Li Xie ng isang papel kung saan nakasulat ang sagot niya para kay Li Muen. Ngayong alam na nilang dalawa na nasa iisang mundo sila at may pagkakataon pa rin na makita nila ang isa't isa ay hindi sila nagmamadali. Kailangan na muna nilang gawin ang kanilang mga dapat gawin bago sila magkitang dalawa. Nang maramdaman ni Li Xie na nakarating na ang ahas ay kaagad isyang lumabas. Samantala, bago pa man makalabas si Li Xie ay kaagad na humarap ang ahas kay Lin Xui Ying. "May pinuntahan lang sandali si Li Xie at narito na rin 'yun ilang segundo lamang. Alam ko na naiintindihan mo ako," mahinahon na sambit ni Lin Xui Ying. Nang makita naman ni Lin Xui Ying na tumango ang higanteng ahas sa kaniyang harapan ay nakahinga siya nang maluwag dahil alam niya na niintindihan talaga siya ng ahas. Ilang sandali pa naman ay lumitaw na si Li Xie galing sa kawalan na kinataka ng ahas ngunit hindi ito nagtanong. 'Ito ang iyong mga kailangan sa paggawa ng panlaban sa soul eating mana,' sambit ng ahas at saka naman nito inilahan ang mga halamang gamot na nasa buntot niya. 'Kung pagbabasehan ninyo ang kaalaman ng mga tao ay hindi ito tapos at hindi rin naman ito totoo. Iilan lamang ang nakakaalam ng tunay na paggawa ng panlaban sa soul eating mana dahil ang mga warlock ang gumawa nito.' Napatingin naman si Li Xie kay Lin Xui Ying at sinabi nito kay Lin Xui Ying na ng mga kaalaman ng mga tao sa soul eating mana ay iba sa kaalaman na mayroon ang tagapagbantay. "Ibig sabihin mayroong nagbabago ng impormasyon?" tanong ni Lin Xui Ying at tumingin ito sa ahas. Marahan na tumango ang ahas saka ito nagsalita dahil alam niya na nariyan naman si Li Xie upang sabihin ang kaniyang sinabi kay Lin Xui Ying. 'Ang mga kaalaman na nasa mga libro ng mga magic user ay galing lang din naman sa mga warlock. Dahil sa takot ng mga warlock na magamit sa kasamaan ang soul eating mana at maging mapanganib sa buong imperyo ay iniba nila ang impormasyon nito. Hindi rin naman basta basta makakapagpagawa ng soul eating mana ang isang tao kung wala silang kakilalas a warlock o magic user na kaibigan ng warlock.' Sinabi rin naman ng tagapagbantay na ang mga warlock ang siyang gumawa ng soul eating mana ngunit hindi nila ito inilabas sa publiko hanggang sa gamitin ito ng isang tao laban sa isang guro. Doon lamang nalaman ng publiko ang tungkol sa soul eating mana at dahil doon ay napilitan ang mga warlock na manahimik ngunit labag sa kanilang prinsipyo ang paggawa ng soul eating mana. Sinabi rin ng tagapagbantay na ang soul eating mana ay hindi ganoon kasimpleng gawin gaya ng inaakala ng lahat. Ang mga nasa aklat, ang mga sangkap na naroon ay iba sa mga sangkap na talagang gamot dito. Nanghingi ang mga warlock ng pakiusap sa tagapagbantay na gamitin ang kaniyang teretoryo upang maiwasan ang paggawa ng soul eating mana at ang panglaban dito. Dahil mabuti ang intensyon ng mga warlock ay pumayag ang tagapagbantay at dahil doon ay mas lalong dumami ang trabaho niya. Gustuhin man niya na umayaw na kaya lang isa rin sa kaniyang responsibilidad iyon. Ang isa pinaka sangkap ng soul eating mana, ang icy flower ay siyang makikita lamang sa pinaka tuktok ng bangin na kaniyang tinitirahan. Dahil doon ay tanging ang mga matataas na warlock at mga magician lamang ang may kakayahan na makipag-usap sa kaniya at manghingi ng icy flower para sa paggawa ng soul eating mana na ginagamit upang maiwasan ang paglusob ng ibang kontenente. Muli namang inulit ni Li Xie ang sinabi ng tagapagbantay kay Lin Xui Ying at hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Naalala naman bigla ni Lin Xui Ying ang sinabi ng kaniyang Amang Emperor noong gusto niyang pag-aralan ang soul eating mana. 'May mga bagay na mas magandang manatiling wala kang alam upang maprotektahan mo ang iyong sarili.' Noong una ay hindi niya ito naintindihan ngunit ngayong narinig na ni Lin Xui Ying ang detalye sa tagapagbantay ng gubat ay malinaw na sa kaniyang lahat. Alam na niya kung bakit siya binalaan ng kaniyang ama. Ang impormasyon na ito ay siyang ikakabagsak ng imperyo kapag kumalat ito. "Ah!" Napatingin naman ang tagapagbantay at si Lin Xui Ying kay Li Xie dahil sa biglang pag-ah nito. "Hindi naman nila gagawing ganito kakumplikado kung isa lamang icy flower ang pinaka sangkap hindi? Mayroon pa, hindi ba?" Sandali na tumigil ang tagapagbantay at nagtatalo ang kaniyang isip at puso kung dapat ba niyang sabihin ang tungkol sa pinaka mahalagang parte o hindi. Sa huli ay mas pinili pa rin niya na sabihin ito. Sinabi ng tagapagbantay na ang pinaka nangungunang kailangan ng warlock at ng magic user upang makagawa ng isang perpektong soul eating mana ay ang life force ng nagpapagawa nito. Ibig sabihin, ang buhay ng taong nagpagawa ng soul eating mana para kay Li Xie ay siyang kabayaran sa pagkuha ng mga mana na mayroon si Li Xie sa katawan nito. Kapag sapilitan ni Li Xie na gamutin ang kaniyang core at magamot nito ang soul eating mana, ang taong nagtaya ng kaniyang life force ay magkakaroon nang hindi magandang balik sa kaniya nito. Nang malaman ito nina Li Xie at Lin Xui Ying ay hindi sila makapaniwala lalong lalo na si Lin Xui Ying. Hindi niya akalain na ang kaniyang kaalam tungkol dito ay hindi tama. Samantala si Li Xie naman ay hindi maitago ang kaniyang pagkasabik na magamot niya ang kaniyang lason sa katawan. Nang makita naman nina Lin Xui Ying at ng tagapagbantay ang kakaibang ngiti sa bibig ni Li Xie ay napailing na lamang sila. Hindi nila masisisi si Li Xie kung gusto niya na gumaling mula sa soul eating mana at hindi rin naman nila masisisi na makaramdam si Li Xie nang pagkasabik nang malaman nito ang mangyayari sa taong nagpagawa ng soul eating mana. Gaya ng sinabi ni Lin Xui Ying kay Li Xie malalaman nga ng nagpagawa kung buhay pa siya o hindi na kapag pinagaling niya ito ngunit masaya si Li Xie na ibalik ang lahat ng sakit na naramdaman ng katawang iyon sa kanila bilang isang regalo. "Ano ang pinaka malalang balik sa isang tao na nagpagawa ng soul eating mana? At bakit may ganitong klaseng nangyayari?" tanong ni Li Xie sa tagapagbantay. 'Ang potion na iyon ay siya na mismong sumisira sa buong balanse ng mana kaya naman ang mana god ay binigyan ito ng masaklap na kapalit.' Sinabi rin ng tagapagbantay na wala nang ibang nakakaalam na taga labas ng warlock tower at magician tower tungkol sa totoong impormasyon sa soul eating mana kaya binalaan nito na huwag ipaalam sa iba na alam nila dahil kung hindi, ang mga warlock mismo ang kikitil sa buhay nila kahit na sino pa man sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD