Nang matapos nang ipaliwanag ng tagapagbantay na higanteng ahas ang lahat tungkol sa soul eating mana ay kaagad naman itong nagpa-alam na aalis na siya. Ganoon pa man ay bago siya umalis ay nagbigay siya ng babala kina Li Xie.
'Ang mga taong nagpagawa ng soul eating mana kapag bumalik na sa kanila ang masamang ginawa nila ay siguradong manghihingi sila ng tulong sa mga warlock ngunit huwag kayong mag-alala dahil narito ako. Ako lamang ang maaring makatulong sa mga taong may soul eating mana at kapag hindi ko nagustuhan ang ugali ng isang tao ay hindi ko tinutulungan.'
Ngumiti naman si Li Xie sa kaniya at saka sinabing, "Salamat sa pagtulong mo. Tatanawin ko itong utang na loob."
Umiling naman ang ahas at sinabing hindi na kailangan pa ni Li Xie na tanawin ito na utang na loob. Ang gusto lamang ng ahas ay alagaan ni Li Xie ang mga halamang gamot na nasa kaniyang teretoryo na masaya namang tinanggp ni Li Xie.
'Kapag nanghingi ng tulong ang mga taong naglagay sa iyo ng soul eating mana sa mga warlock ay hindi sila makikisali ngunit gusto ko lamang sabihin sa inyong dalawa na manahimik kayo at huwag itong ipagsabi. Li Xie, pakisabi sa taong kasama mo na lalong lalo na siya. Wala siyang kinalaman sa soul eating mana kaya wala siya rapat na alam,' pagbibigay ulit ng babala ng ahas.
Kaagad naman na tumango si Li Xie. "Maari ba kitang tawaging Dale? Dale na lamang ang itatawag ko sa 'yo. Kung okay lamang," sambit ni Li Xie.
Kaagad naman na napanganga si Lin Xui Ying at akma nang hahawakan si Li Xie ngunit huli na dahil biglang nagsalita ang ahas.
"Ikinagagalak kong pangalan mo," masayang sambit ng ahas.
Sandali na umilaw ang noo nina Li Xie at ng ahas na kinagulat ni Li Xie at saka naman gumapang na paalis ang ahas. Nang makita ni Lin Xui Ying na silang dalawa na lamang sa lugar na iyon ay kaagad niyang hinawakan sa dalawang balikat si Li Xie.
"Xie, alam mo ba ang ginawa mo sa tagapagbantay?" mahinahong tanong ni Lin Xui Ying ngunit halata ang pangamba at pagkagalak sa kaniyang boses.
Nagagalak si Lin Xui Ying para kay Li Xie dahil sa nangyari ngunti natatakot din naman siya at nangangamba para sa mga pwedeng mangyari kay Li Xie kapag nalaman nila ang tungkol dito. Siguradong maraming gagamit kay Li Xie upang mapabagsak ang tagapagbantay.
"Huh? Bakit ano bang ginawa ko?" tanong ni Li Xie.
"Ginawa mo lang naman na personal beast ang tagapagbantay ng gubat na ito!" bulalas ni Lin Xui Ying.
Kaagad naman na napanganga si Li Xie nang mapagtanto niya kung ano ang kaniyang ginawa. Ganoon pa man ay nakabawi siya nang mabilis dahil alam niya na hindi labag sa loob ni Dale ang kaniyang ginawa.
Ang mga guardian beast ay isa sa mga mahirap kalabanin at gawing isang personal na beast. Kung hindi ka nito gusto ay hindi mo ito magagawang hawakan o kausapin man lang at hindi rin nito hahayaan na pumasok ka sa kaniyang teretoryo. Noong unang makita ni Lin Xui Ying ang relasyon na mayroon si Dale at si Li Xie ay alam na niya na kakaiba ito ngunit hindi niya akalain na ganito ang mangyayari.
"Hayaan na hindi ko naman pinilit si Dale. Isa pa, may kung ano naman sa dibdib ko na kumportable sa kaniya kaya naman pinangalanan ko siya. Mukha rin naman na gustong gusto niya ang ginawa ko at…" Hinawakan ni Li Xie ang kaniyang dibdib dahil ramdam na ramdam niya ang saya na nararamdaman ni Dale. "Masaya siya sa ginawa ko," dagdag nito.
Hindi na man lang nasalita pa si Lin Xui Ying at napangiti na lamang ito. "Indeed, my woman is one of a kind," kumento nito.
Hinawi naman ni Li Xie ang kanyang buhok at saka masaya at matamis na ngumiti kay Lin Xui Ying saka ito nagsalita, "Ako pa ba?"
Mahina silang dalawa na tumawa ngunit kaagad din naman na nawala ang ngiti sa mga labi ni Li Xie nang maramdaman niya ang gusto iparating sa kaniya ni Dale. Mayroong isang grupo ng mga taong naghahanap kay Lin Xui Ying, ang lalaking kasama niya. Gaya noong una, ito rin ay pinadala ng isang tao na gustong mamatay si Lin Xui Ying.
Dahil ayaw muna na makipaglaban ni Dale sa mga ito ay piinadala niya ang kanyang mga tier 1 at tier 2 na mga demon beast upang salubungin sila at para na rin mabigyan ng oras sina Li Xie at Lin Xui Ying na makatakas.
Kaagad naman na hinawakan ni Li Xie si Lin Xui Ying at sinabihan si Dale na kung may hindi maganda mang mangyayari ay marapat na manghingi siya ng tulong kay Li Xie. Kaagad naman na nagpasalamat si Dale at nangako na gagawin niya ito.
Nang makarating si Li Xie at Lin Xui Ying sa loob ng system ay kaagad naman na pinaliwanag ni Li Xie ang mga pangyayari sa kung saan naroon si Dale.
Napayukom naman ng kamao si Lin Xui Ying dahil sa kaniyang mga narinig at saka sinabing, "Hindi talaga siya naniniwala na patay na ako hanggat hindi niya nakikita ang bangkay ko."
Hinawakan naman ni Li Xie ang kamay ni Lin Xui Ying. "Bakit hindi mo siya komprontahin?"
"Kapag ginawa ko iyon maiiwan kita rito. Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik," kaagad na sambit ni Lin Xui Ying.
"Hindi mo kailangan mag-alala sa 'kin. Hindi rin naman magtatagal ay aalis na ako sa lugar na ito upang maghiganti. Kung magkakaroon man tayo ng pagkakataon na magkita sa labas ng gubat ay siguradong mangyayari," kaagad na sambit ni Li Xie at ngumiti ito. "Isa pa, alam ko na hindi ka isang ordinaryong mamamayan lamang kaya naman alam ko na ang pinag-aawayan ninyo ay ang kayaman ng inyong mga magulang," dagdag pa niya.
Naglakad si Li Xie patungo sa kaniyang mesa at nagsimula nang ilagay ang mga halamang gamot at hinugasan naman niya ang iba rito.
"Kalahati oo, kalahati hindi." Yumakap naman si Lin Xui Ying kay Li Xi mula sa likod. "Alam ko naman na gusto m itong malaman ngunit sasabihin ko sa 'yo sa tamang panahon,"
"Alam ko naman iyon at may mga bagay rin naman ako na hindi pa sinasabi sa 'yo kaya naman naiintindihan ko."
Nagsimula nang magdikdik at gumawa ng gamot laban sa soul eating mana si Li Xie sa tulong ng libro na binigay sa kaniya ni Dale bago ito umalis. Ang libro na ito ay isa sa binigay kay Dale ng warlock para sa taong tutulungan niya na gamutin ang soul eating mana. Dahil sa ginawang paggamit ng mga warlock at ng magic user kay Dale ay binigyan nila ito ng kapalit at ito ay ang aklat kung saan nakasulat ang kung paano gawin ang gamot laban sa soule ating mana.
Sinundan ito ni Li Xie at Lin Xui Ying ng nasa aklat at hindi naman nila kaagad namalayan ang oras. Nang matapos nila ang kanilang ginagawang lunas sa soul eating mana ay madaling araw na.
Nagdadalawang isip si Lin Xui Ying kung dapat ba na inumin na iyon kaagad ni Li Xie o hindi ngunit halos tumigil naman sa pagtibok ang puso ni Lin Xui Ying nang makita niya na bigla itong ininom ni Li Xie.
Kaagad na napahawak si Li Xie sa kaniyang dibdib at sak sa kaniyang magic core hanggang sa unti unting namuo ang butil ng kaniyang pawis sa kaniyang noo dahil sa pag-iinda nang sakit. Kaagad din naman siyang kinuha ni Lin Xui Ying upang dalhin sa higaan nito.
"Xie'er! Ano bang iniisip mo? Hindi pa nga natin nababasa ang mga magiging epekto nito sa iyo ininom mo na kaagad!" balisang pagsesermon ni Lin Xui Ying habang pinupunasan niya ang pawis sa ulo ni Li Xie.
Kaagad naman din na tumayo si Lin Xui Ying at kinuha ang aklat saka nito binasa ang mga mararamdaman ni Li Xie. Mararamdaman ni Li Xie na parang tinutusok ng libo libong karayom ang kaniyang dibdib at ang magic core naman ay parang pinipiga.
Kaagad na pinagpawisan si Lin Xui Ying sa kaniyang nabasa. Hindi ito kaya ng isang normal na babe. Hiram man na makakita nang maayos ay nagawa pa rin ni Li Xie na tingnan si Lin Xui Ying at nang makita nito ang pag-aalala at hindi alam ang gagawin ay hinawakan niya ang kamay ni Lin Xui Ying.
"Sa ikalawang lalagyan mula sa kana na nakadikit sa dingding..." Huminga nang malalim si Li Xie saka nagpatuloy sa pagsasalita at nakinig naman ng taimtim si Lin Xui Ying. "Mayroong mga gamot doon, hanapin mo ang mefenamic."