BACKLASH [1]

1522 Words
Kaagad na ibinigay ni Lin Xui Ying ang pinapakuha ni Li Xie na mefenamic at hindi man niya alam ang gamit noon ay ipinagpaubaya na lamang niya ito kay Li Xie. Alam niya na alam ni Li Xie ang kaniyang ginagawa kaya malaki ang kaniyang tiwala rito. Ilang sandali pa ay naging kalmado na rin ang paginga ni Li Xie at nabawas bawasan na rin ang kaniyang pamamawis. Kaagad naman na kumuhha si Lin Xui Ying ng bagong pamunas at saka niya pinunasan ang ulo ni Li Xie, ang braso, at ang kamay nito. 'Kung sino ka man na gumawa nito kay Li Xie sisiguraduhin ko na hindi maganda ang kakalagyan mo sa kung nasaan ka.' Ramdam na ramdam ni Lin Xui Ying ang galit sa kaniyang dibdib ngunit mas pinili niya na ikalma ito at umupo sa gilid ng kama katabi ang natutulog na si Li Xie. Inalis ni Lin Xui Ying ang mga buhok na nasa mukha nito at saka siya bumuntong hininga. "Bakit naman kasi ininom mo kaagad na hindi mo pa naman nababasa kung ano ang epekto nito sa 'yo," bulong ni Lin Xui Ying at saka niya kinuha ang kamay ni Li Xie at ipinagdaop ito sa kaniyang kamay. 'Pinapangako ko na gagawin ko ang lahat masuportahan ka lamang sa mga balak mo. Kung ayaw mo na makialam ako, sa likod mo, sa dilim, poprotektahan kita.' LI MANSION, MAQI KINGDOM Nag-uusap usap ang mga Elders at mga Masters at Mistress ng buong branch ng Li Faimily sa Maqi Kingdom. Kanilang pinag-uusapan ang biglang pagbabago ng anak ni Li Chao noong muntik na itong mamatay. "Wala mang talento ay hindi pa rin dapat iyon ginawa sa bata," sambit ng isang matandang galing sa main family. Elder Zu, ang isa sa mga Elder na galing sa main branch na nagpunta sa Li Family Maqi branch dahil sa kaniyang anak. Dahil sa laki ng pagbabago ay kaagad na sinabihan ng mga Elders na maging isa nilang modelo si ang anak ni Li Chao na siyang namumuno sa main family, si Li Muen. Hindi lamang nito nagawang lagpasan ang kaniyang pagiging hindi talentado kundi naging matalino rin ito at naging malakas. Para sa mga Elders at mga magulang ng mga batang henerasyon sa Li Family Maqi branch ang pagiging malakas ang siyang kailangan nilang gawin. Hindi lamang iyon, kailangan din nila na maging malakas kung gusto nilang mapunta sa main branch at doon makapag-aral. Ang mga tao sa main branch ay mas maraming resources ang maibibigay. Dahil doon ay nagpasya ng mga magulang na dapat pa nilang higpitan ang pagsasanay ng kanilang anak dahil kung mas mataas ang maabot ng mga ito ay mas malaki ang ibibigay ng main house. Hindi lamang pera ang kayang ibigay ng mga tao sa main house kundi pati na rin kakayahan at kapangyarihan. Para sa mga may matataas na pangarap ito ang nag-iisang kailangan nilang gawin. Napayukom na lamang ng kamao si Bai Borie dahil alam niya sa kaniyang sarili na bago maging parte ng mga estudyante ng main branch ay kailangan munang kilalanin ang mana upang maiwasan ang dayaan. Malakas at kilala ang mana ni Li Xie kaya naman kinakabahan si Bai Borie kapag dumating na ang araw ng pagsusulit at hindi pa nagagawang angkinin ni Li Liu ang mana ni Li Xie. 'Ang babaeng 'yun narito man o wala sa mansyon na ito problema pa rin ang kaniyang dala.' "Mas maganda sana kung mayroong makakalagpas kay Li Xie," sambit ni Li Zu sa lahat at natahimik sila. "Hindi mapapansin ng main family kung wala tayong kasing lakas na gaya ni Li Xie at kung hindi tayo magmamadali ay ang mga Li sa ibang kingdom ang mauuna sa atin," dagdag pa niya. Dahil sa sinabi ng Elder ay kaagad naman na bumigat ang pakiramdam sa loob ng silid at dahil sa pagkawala ng kakayahan ni Li Xie na maging isang magic user at ngayon ay hindi nila alam kung nasaan ay isa ito sa pinaka hindi magandang pangyayari sa pamilya nila. Nagagawa nila noong maging mas mataas sa ibang kingdom maliban sa Xidi Kingdom ay dahil sa nasa tabi nila si Li Fang at Wang Li Qiang. Noong nawala sila ay nagpakita naman ng kakayahan si Li Xie kaya naman hindi sila nawalan ng pag-asa pero ngayong wala nang kakayahan si Li Xie na maging isang magic user at nawawala pa ito ay isang malaking problema sa kanilang pamilya. Palihim na tumingin si Elder Zu kay Bai Borie dahil pakiramdam niya ay may kinalaman ito sa pagkawala ni Li Xie at kung mapapatunayan na siya nga ang dahilan ay hindi niya ito papalagpasin. Anak niya si Li Fang at apo niya si Li Xie, hindi niya hahayaan na mauuwi sa wala ang mga nagawa ng kaniyang anak dahil lamang sa pangalawang asawa ng kaniyang pangalawang anak. "Babala ko lamang sa inyong lahat na walang gagawa ng kahit na anong maruming gawain, babantayan ko kayo." Sinabi man ni Li Zu ang salitang iyon sa lahat ngunit para talaga ito kay Bai Borie at sa kaniyang anak. Hindi naman ito nahalata ni Bai Borie kaya naman hinayaan na lamang niya itong babala ni Li Zu. Nang matapos ang pag-uusap ay kaagad naman na nag-sialisan ang lahat at nauna namang umalis si Bai Borie. Kahit na siya ang asawa ng Master ng Li Family ay hindi siya maaring umupo sa upuan ng Mistress. Ang upuan na iyon ay para lamang sa unang asawa. Nakita ni Li Zu na unti unting nawawala ang buhay sa mga mata ng kaniyang ikalawang anak na siya ngayong namumuno sa kanilang pamilya. Nang ipatingin niya ito sa kaniyang kaibigan na isang magic user ay sinabi nito na isang black magic user ang may gawa nito at kung hindi mapapatay ang black magic user na naglagay nito sa kaniyang anak. Ang black magic user at warlock ay magkaiba. Ang black magic user kahit na anong gawin niya ay kamatayan ang hantong samantalang ang warlock ay maari pang pakiusapan at kaya nilang bawiin ang kanilang ginawa hindi kagaya ng mga black magic user. Napayukom si Li Zu at napatingin sa kung saan naglakad palabas si Bai Borie at halata naman na may kinalaban si Bai Borie sa pagkawala ng kaniyang apo. "Huwag kang mag-alala anak gagawin ko ang lahat maibalik ka lamang sa dati," mahinang bulong ni Li Zu at saka ito umalis ng main hall. Samantla si Bai Borie naman ay nagpunta sa courtyard ni Li Liu. Simula noong nag-advance si Li Liu ay binigyan siya nang mas maayos na courtyard at dahil na rin sa sunod sunod niyang pag-advance ay nakilala na rin siya sa buong Li family branch hindi bilang anak sa labas ng asawa ng Master kundi isang malakas na Li. "Ina," kaagad na sambit ni Li Liu nang makita niya ang kaniyang ina. "Liu, anong nangyari sa 'yo? Hindi ka ba makatulog?" gulat na tanong ni Bai Borie dahil sa naging itsura ng kaniyang anak. "Ina, buhay pa ba siya o patay na? Hindi ko na maramdaman ng mga mana. Paano kung patay na siya paano na ako makakapag-advance? Paano kung gumaling siya?" Naawa naman si Bai Borie dahil sa naging kalagayan ng kaniyang anak. Niyakap niya ito upang pakalmahin. Kahit siya ay hindi alam kung buhay pa ito o hindi na ngunit wala siyang pakialam dahil mas gusto ni Bai Borie na patay na si Li Xie. Masyadong malaking sagabal si Li Xie sa kaniyang plano para sa kaniyang anak kaya hindi niya ito hahayaan na mabuhay pa. "Huwag kang mag-alala kung patay na siya okay lang dahil wala na rin naman na mas makakaangat pa sa 'yo. Walang mga kwenta ang mga kasing edad mo rito kaya siguradong ikaw pa rin ang mapipili para ipadala sa main branch. Hindi lang 'yun, kahit na buhay pa siya hindi na rin naman siya magtatagal dahil wala siyang kaalam alam sa gamot ng lason na nilagay natin sa kaniya." Alam ni Bai Borie ang tungkol sa soul eating mana ngunit hindi niya alam ang totoong impormasyon dito at isa na rin doon ay ang pagkakaroon ng backlash sa taong gumamit ng life force. Dahil sa pagpapalakas ng loob ni Bai Borie ay nagkaroon na naman nang lakas ng loob si Li Liu at saka siya nagsimulang sumagap muli ng mana habang pinapanood siya at pinoprotektahan ng kaniyang ina. Ilang sandali pa ay kaagad na nakaraamdam ng hindi maganda si Li Liu sa kaniyang katawan at kaagad naman siyag sumuka ng dugo na ikinagulat ng kaniyang ina. Napasigaw si Bai Borie dahil sa gulat at kaagad naman na nagsidatingan ang mga tagapagsilbi. Kaagad na nagpatawag si Bai Borie ng doktor dahil sa biglang pagsuka ni Li Liu ng dugo. Unti unting nanghihina ang mga katawan ni Li Liu at unti unti rin namang nawawala ang kulay sa kaniyang katawan. Hindi na alam ni Bai Borie ang kaniyang gagawin lalo pa at nasa ilalim ng black magic niya ang Master ng kanilang mansyon at dahil sa naglalaban ito ay hindi ito pumapansin ng ibang tao. Kaagad na kumalat hindi lamang sa mansyon ang nangyari kay Li Liu kundi sa buong Maqi Kingdom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD