BACKLASH [2]

1374 Words
Dahil sa kaguluhan sa courtyard ni Li Liu ay nagpuntahan ang mga Elders at pati na rin ang mga kapatid ni Li Dufeng ang kasalukuyang namumuno sa pamilya. Maliban kay Li Dufeng ay wala nang kulang doon. Alam nila na hindi maganda ang kalagayan ni Li Dufeng at wala rin naman sa isipan nila ang kunin ang pagiging master ng Li family Maqi branch kaya hinayaan nila si Li Dufeng maging head kahit na may problema ito sa kaniyang sarili.  Nang makita ni Elder Zu ang naging kalagayan ni Li Liu ay kaagad itong nagulat at sa unang tingin pa lamang niya ay alam na niya kung ano ang dahilan noon. Alam niya ang tungkol doon dahil minsan na nila itong napag-usapan ni Li Feng ang ama ni Li Xie ag tungkol dito. Sinabi ni Li Feng ang lahat ng epekto, sintomas, at iba pang impormasyon na hindi alam ng publiko.  "Anong ginawa ninyo..." hindi makapaniwalang sambit ni Elder Zu at saka siya lumapit kay Bai Borie. "Anong ginawa ninyo!" dagdag na sigaw nito.  Halos mapatalon naman sa gulat ang iba pang tao na nasa paligid dahil sa pagsigaw ni Elder Zu. Ito ang kauna-unahan na beses na nakita nilang sumigaw at galit na galit si Li Zu, ang pinakarespetadong tao sa kanilang mansyon. Kaagad naman na napayuko ang lahat at iniwasan ang tingin ni Elder Zu at ni Bai Borie. Hindi nila hahayaan na madawit sila sa ganitong gulo dahil sa ekspresyon pa lamang at reaksyon ni Elder Zu sa kanilang harapan ay hindi na magadang balita ito.  "Bai Borie..." tawag ni Elder Zu at napatingin naman sa kaniya si Bai Borie. "Tinatanong kita bakit mayroong backlash ng soul eating mana si Li Liu?! Sino ang ginamitan ninyo ng soul eating mana?!" sunod sunod na sigaw na tanong ni Elder Zu.  Natahimik ang lahat at hindi nila akalin na mas malalim pa pala ang ibig sabihin ng nangyaring ito kay Li Liu. Sa mga oras na iyon ang ga taong gustong tumulong kay Bai Borie ay umatras na at mas pinili na manahimik. Hindi rin naman maaring sabihin ni Bai Borie na si Li Xie ang pinaggamitan nila nito dahil siguradong hindi maganda ang kakalagyan nila sa mansyon lalo pa at alam ni Bai Borie na lahat ng tao sa mansyon, maliban sa kanilang dalawa ng kaniyang anak na si Li Liu ay tanggap at nagigiliw kay Li Xie. 'Wala ka na nga sa mansyon na ito puro ka pa rin pasakit! Papatayin talaga kita kung buhay ka pa!' galit na sigaw ni Bai Borie sa kaniyang isipan.  Samantala, sa isipan naman ni Elder Zu ay unti unti niyang napagtagpi tagpi ang mga nangyari. Ang mga naramdaman noon ni Li Xie at ang pangyayaring nakita niya ngayon sa harapan niya kay Li Liu. Alam na niya kung ano ang nangyari ngunit kapag sinabi niya ito ay hindi niya alam kung anong magagawa ni Ba Borie lalo pa at may hinala siya na isa itong black magic user.  'Bai Borie, mapatunayan ko lang na ikaw ang dahilan kung bakit nawala sa sarili at hindi na makausap ang ikalawa kong anak at dahilan kung bakit nawalan ng kakayahan ang aking apo, sisiguraduhin ko na magsisisi ka.'  "Elder..." "Huwag mo ako bigyan ng palusot," kaagad na pagpuputol ni Elder Zu kay Bai Borie. "Alam ko na itatanggi mo ang tungkol sa soul eating mana. Anong akala mo wala akong alam diyan? Baka nakakalimuan mo Bai Borie na matagal na akong nabuhay rito," pagbibigay naman ng babala ni Elder Zu.  Hindi naman kaagad na nakapagsalita si Bai Borie at pinagpawisan ang kaniyang mga palad. Hindi niya alam ang kaniyang sasabihin at hindi niya alam kung paano ito sasabihin.  "Hindi ko po alam, Elder! Maniwala ka po! Nakiki-usap po ako iligtas mo po si Liu!" pagmamakaawa ni Bai Borie at lumuhod pa ito sa harapan ni Elder Zu. Walang emosyon na maramdaman si Elder Zu at hindi naman din niya alam kung ano ang mararamdaman niya para kay Li Liu. Wala siyang maramdaman kahit na gustuhin man niya na kaawaan ang kaniyang apo. Hindi niya maramadaman ang awa at sakit sa puso noong naghihirap si Li Xie sa kaniyang sakit.  'Bakit ganito?' tanong ni Elder Li Zu sa kaniyang sarili. May hinala siyang hindi ito anak ni Li Feng ngunit wala siyang proweba kung kaya't hindi niya magawang paalisin sina Bai Borie at Li Liu sa kanilang mansyon. Nanghingi na rin siya ng tulong sa iba pang elders sa main family at nangako naman ito ng tulong sa kanila.  "Old Master! Si Master Feng po nagwala at kasalukuyan po ngayong walang malay!" sambit ng isang tagasilbi na kakarating lamang.  Kaagad naman na napatigil ang lahat sa kanilang paggalaw at nag-aalala para sa kakahinatnan ng kanilang pamilya. Hindi gaya nina Li Feng at Li Dufeng, ang dalawa pa nilang kapatid ay walang kaalam alam sa paghahawak ng buong pamilya kaya naman walang intensyon ang mga ito na makipag-agawan sa posisyon. Nang marinig nila ang balita tungkol kay Li Dufeng ay kinabahan ang dalawa pang natitirang kapatid ni Li Dufeng na anak din ni Elder Li Zu dahil sa nangyari. Ayaw nilang humawak ng magulong pamilya! "Older Master... Elder... pakiusap pakiligtas po muna ang anak ko..." mahinang pagmamakaawa ni Bai Borie.  Hindi makapaniwala si Elder Li Zu sa kaniyang narinig. Hindi nagmakaawa si Bai Borie para sa parehas na buhay ni Li Liu at Li Dufeng, tanging si Li Liu lamang ang buhay na gusto niyang iligtas.  "Bai Borie, mukhang nahihirapan ka," sambit ni Elder Li Zu at nagtaka naman ang lahat at kahit na gusto nila na magsalita ay pinanatili nila ang kanilang bibig na nakatikom. "Bai Borie, sinong pipiliin mo, si Liu na anak ninyo o si Dufeng na anak ko, asawa mo, at anak ni Liu?"  Walang emosyon ang boses, mukha, at mga mata ni Elder Li Zu noong magtanong sila at sa mga oras na iyon ay alam na ng lahat na hindi na maganda ang lagay ni Li Dufeng kahit na hindi ito sabihin ni Elder Li Zu.  "Master... bata pa po si Li Liu..."  "Pata pa rin ang anak ko para mawala," kalmado na bweltahe ni Elder Li Zu at napatango naman ang lahat.  Nakita ni Bai Borie na wala siyang kakampi kaya naman tumingin siya sa kaniyang kanan. Palihim niyang ikinumo ang kaniyang mga kamao dahil alam niya na kailangan niya magmakaawa para sa buhay ni Li Liu. Hindi niya maintindihan kung bakit pinapalaki ni Elder Li Zu ang lahat. "Tawagin ninyo ang isa sa magic tower at warlock para tingnan si Li Liu. Nasa sakanila kung ililigtas nila si Li Liu o hindi," kaagad na utos ni Elder Li Zu sa isa sa kaniyang tagapag-silbi na hindi pa nakikita ng kahit na sino. "Bai Borie, mas pinili mo ang iyng anak kaya hind ika maaring lumapit kay Dufeng,"  "Father!"  "Huwag mo akong tawaging Father gayong hindi mo naman kayang piliin silang parehas," mahina ngunit may diin na sambit ni Li Zu at tinitigan ng mariin si Bai Borie. "Maari mo silang parehas iligtas ngunit mas pinili mo na iligtas ang isa, Bai Borie, mahal mo ba talaga ang anak ko?"  Hindi naman kaagad na nakapagsalita si Bai Borie sa sinabi ni Li Zu at napalunok na lamang siya.  "Old Master! Paggaling ni Li Liu, huwag ka pong mag-alala, bibisitahin ko si--"  "Huwag na," pagpuputol ni Li Zu sa sinabi ni Li Liu at napakagat na lamang siya ng kaniyang labi at napayukom ng kamao. "Hindi kailangan ng anak ko ng kagaya mo ngunit nakadepende pa rin ang lahat sa anak ko."  'Itong matandang ito, gusto ko na mamatay ka!' sigaw ni Bai Borie sa kaniyang isipan at gusto na talagang mamatay si Li Zu dahil ito ang hadlang a kaniyang plano.  "Halina kayo," kaagad na yaya ni Li Zu. "Sinasabi ko sa 'yo, Bai Borie, huwag na huwag ka lalabas sa couryard ni Li Liu kung hindi lagot ka talaga sa akin," sambit pa na Li Zu.  'May alam na ba ang matandang ito? Ngunit kung may alam na siya e 'di sana hindi na umabot sa ganito katagal,' sambit ni Bai Borie sa kaniyang isipan. 'Basta dapat ko pa rin mailigtas ang sarili ko. Kailangan ko makausap si Elder ng mag-isa.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD