BACKSLASH [3]

1269 Words
Nang makaalis na ang lahat at tanging malalakas na lamang na kawal ni Li Zu ang naiwan upang magbantay ay nagwala naman si Bai Borie dahil sa galit. Nakatulala pa rin naman sa malayo ang mga inilagay ni Li Zu para magbantay sa mag-ina, wala silang pakialam kung nagwawala si Bai Borie ang lahat naman ng ito ay makakarating kay Li Zu. Nagmakaawa pa si Bai Borie ngunit hindi ito pinakinggan pa ni Li Zu. Nang makarating si Li Zu sa silid ni Li Dufeng ay kitang kita niya ang mas lalong pagkawala ng kulay nito sa kaniyang katawan. "Father, bakit hindi na lamang natin idala si brother Dufeng sa Imperial Capital at sabihan sina brother Chao at sister Quin Xi?" kaagad na pagbibigay ng opinyon ni Li Han ang ikatlo sa magkakapatid. "Pero hindi ba sabi ng warlock hindi maaring ilayo si brother Dufeng kay Borie?" walang galang naman na sambit ni Li Lin ang nag-iisang anak na baba ni Li Zu. Sandali na napaisip si Li Zu sa sinabi ni Li Lin at doon ay napansin niya na kapag malapit si Li Dufeng kay Bai Borie ay hindi umaayos o nagiging okay man lang si Li Dufeng. "Ihanda ang karwahe. Li Lin, Qin Xine, samahan ninyo si Dufeng na magpunta sa imperial capital. Mamayang hating gabi kayo aalis at wala dapat makaalam nito," sambit ni Li Zu na kinagulat naman ni Li Lin. "Ama..." Hindi naman pinatapos pa ni Li Zu si Li Lin at nagsalita na ito, "Kung hindi magiging maayos si Dufeng kapag malayo siya kay Bai Borie ay ibig sabihin ibang tao ang black magic user." Kaagad naman na napatayo ng maayos si Li Lin at ang asawa nitong si Qin Xine dahil sa sinabi ni Li Zu. Tama si Li Zu, kung ibang tao ang black magic user siguradong nasa paligid lamang ito at sinusundan si Li Dufeng upang hindi maging maayos ang lagay niya ngunit kung si Bai Borie naman ang black magic user ibig sabihin ay magiging okay si Li Dufeng kapag nakalayo layo siya kay Bai Borie. Gabi noon ay kaagad na umalis si Li Lin at ang asawa nitong si Qin Xine patungo sa imperial capital kasama si Li Dufeng upang ilayo kay Bai Borie. Nang makalabas naman sa Maqi Kingdom gate sina Li Dufeng ay kaagad na napatayo si Bai Borie dahil naramdaman niya na hindi na sakop ng kapangyarihan niya ang kinaroroonan ni Li Dufeng. "Old man..." galit na sambit ni Bai Borie. 'Sht! Hindi maganda ito! May alam na ba ang matandang iyon? Bakit kasi hindi nagpapakita ng emosyon iyon!' Gustuhin man niya na habulin ang mga ito ay hindi niya magawa dahil unang una, nasa panganib ang buhay ng kaniyang anak at hindi niya kayang ipagpalit ang kaniyang anak sa kaniyang plano. Pangalawa, maraming mga bantay. Kaagad naman na mas lalong nataranta si Bai Borie nang bgla na lamang magsukang muli si Li Liu ng dugo at nanginig ito. Wala pa ang doktor kaya naman nagsisigaw siyang muli. Magdamag na walang tulog ang mga tao sa loob ng mansyon ng mga Li at lahat ng nangyari sa loob ng mansyon ay nakalabas sa mansyon. Maliban sa pag-alis ni Li Dufeng. Naging usap usapan sa lahat ng mga tao sa Maqi kingdom ang nangyari sa Li faily kaya naman kaagad itong nakarating sa Maqi Royal Family. "Jade, gusto kong magpunta ka sa mansyon ng mga Li at kumustahin si Zu," kaagad na utos ng hari sa kaniyang tagapagmana. "Hindi si Miss Liu?" takang tanong naman ni Jade. Makahulugan na tiningnan ng Hari si Jade at saka sinabing, "Ngayon pa lamang Jade ay tigilan mo na ang pakikipagmabutihan sa babaeng iyon. Ang paggamit ng soul eating mana ay hindi magaan na kasalanan sa imperyo." Marahan naman na tumango si Jade dahil alam niya ang tungkol sa soul eating mana. Dahil sa sinabihan na siya ng kaniyang Amang Hari ay natural lamang na sundin niya ito. Hindi naman talaga malalim ang nararamdaan ni Jade para kay Liu at tanging paghanga lamang ito dahil mayroon na siyang bagong hinahanggan at ito ay mas maganda pa kay Liu. "Ama, sa tingin mo po anong gagawin ng Imperial Family kay Li Liu?" takang tanong ni Jade. Marahan siyang tiningnan ng hari at pinag-aralan ng hari ang ekspresyon ng mukha ng kaniyang anak. Nang makita niya na walang interes si Maqi Jade kay Li Liu at tanging nagtataka lamang sa gagawin ng Imperial Fammily ang kaniyang gustong malaman ay inalis na niya ang knaiyang tingin. "Ang sino mang gumamit ng soul eating mana ay mahahatulan ng pagkabilanggo ng habang buhay. Iyon ay kung lalaki ka," sambit ng hari. Sa tono pa lamang ng boses ng hari ay alam na kaagad ni Maqi Jade kung ano ang gustong sabihin nito. Kung lalaki ka, panghabang buhay na pagkakakulong. Kung babae ka, pagbabasehan sa kung anong mga kasalanan ang ginawa mo bago at pagkatapos gumamit ng soul eating mana. Hindi lamang iyon, kapag nagkaroon ng backlash ibig sabihn ay wala nang pakialam pa ang mga tao sa magic tower at warlock tower. "Ako ay mauuna na, Ama," sambit ni Maqi Jade at saka it naglaka papalayo. Samantala, sa loob ng system ni Li Xie, si Li Xie ay kasalukuyan na nakikipaglaban para sa kaniyang buhay. Patuloy na naglalabas ng mana si Li Xie at patuloy rin sa pagkuha ng mana ngunit hindi sapat ang mana na mayroon siya upang suporahan ang kaniyang sarili. Kaya naman ang ginawa ni Lin Xui Ying ay ginamit niya ang kaniyang mana upang suportahan si Li Xie at naging maayos ang pakikipaglaban ni Li Xie hanggang sa masira na nnito ang soul eating mana. Kaagad naman na napahinga nang maluwag si Li Xie bago ito tuluyan na namang nawalan ng malay. Samantala, dahil sa dami ng mana na nawala sa kaniyang katawa ay napahiga na lamang si Lin Xui Ying sa tabi ni Li Xie at hindi rin naman nya namalayan na nakatulog na lamang siya. Naunang magising si Lin Xui Ying kaya naman kaagad siyang nag-asikaso nang dapat niyang gawin. Hindi siya makakaalis sa system ng walang tulong ni Li Xie kaya naman naghanap na lamang siya ng iba pang gagawin. Noong una ay nagbasa lamang siya ng iilang mga novel at mga babasahin na mayroong naka-ukit ngunit kaagad din naman niya itong binaba dahil sa paksa ng mga ito. Binasa niya ang mga nakasulat. BJ Alex, Here U Are, Love Shuttle, How to Snag an Alpha, Stop bothering me, Emeror at iba't iba pang klase ng babasahin na parehas lalaki ang bida kaya naman kinilabutan si Lin Xui Ying at hindi na lamang niya ito pinansin pa. 'Hindi ko akalain na mahilig pala siya sa ganoong babasahin.' Naiiling na sambit ni Lin Xui Ying. Nang makarating siya sa isang parte ng system kung saan palaging naghihintay ng sagot si Li Xie sa kaniyang pinsan ay nakita niya ang sunof sunod na nag-aalalang mga sulat para kay Li Xie. Dahil nag-aalala na ang pinsn ni Li Xie ay nagsulat siya at sinabing kasalukuyan ngayon na nakikipag laban si Li Xie para sa kaniyang buhay upang maialis ang lason sa knaiyang katawan. Ilang sandali pa ay nakainig ng sigaw si Lin Xui Ying at bumalik siya sa loob ng silid ni Li XIe. Nakita niya si Li Xie na namimilipit sa kaniyang higaan at lumalabas ang mga mana nito. Kaagad naman na lumapit si Lin Xui Ying at kinulekta ang mga mana na lumabas sa katawan ni Li Xie at saka naman niya ito ginabayan pabalik sa core ni Li Xie. 'Kung hindi ko ito babantayan manganganib ang buhay niya.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD