WAKING UP

1336 Words
Ilang araw ang nakalipas ngunit hindi pa rin nagigising si Li Xie at may iilang mana pa rin naman na lumalabas sa kaniyang katawan na kailangan ni Lin Xui Ying na gabayan patungo sa magic core ni Li Xie. Dahil dito ay palaging napapagod si Lin Xui Ying dahil ang paggabay sa mana ng isang tao ay hindi basta basta at kapag nagkamali hindi lamang ang buhay ng taong papasukan niya ng mana na iyon ang manganganib kundi pati na rin siya. Ang paggabay ng mana ay iba sa paggabay ng qi kaya naman hindi ito maaring basta bastahin. Nang imulat ni Lin Xui Ying ang kaniyang mata sa ikatlong araw simula noong nawalan nang malay si Li Xie ay nasa tabi na naman siya nito nakatulog. Nang tingnan niya si Li Xie ay nakita niya na iilan na lamang ang mana na lumalabas sa kaniyang katawan at hindi na ito makakapagbigay ng panganib sa buhay niya. Tumayo si Lin Xui Ying dahil alam niya na ano mang oras ay gigising na si Li Xie. Nagpunta siya sa kusina ng system ni Li Xie at binuksan ang refregerator na pinakilala sa kaniya ni Li Xie noong unang beses siyang makarating sa system. Kumuha siya ng ilang mga gulay na maaring ilagay sa pagitan ng dalawang tinapay at iba pang kailangan. Gumawa si Lin Xui Ying ng sandwich. Ilang sandali pa ay narinig ni Lin Xui Ying ang pagbagsak ng pinto sa loob ng silid ni Li Xie kaya naman kaagad niyang binitawan ang ginagawa niya at tumakbo patungo kay Li Xie. Nakita niyang wala si Li Xie sa kaniyang higaan ngunit dinig na dinig niya ng pagsuka ni Li Xie sa banyo. "Xie? Okay ka lang ba?" tanong ni Lin Xui Ying habang kumakatok sa pinto. Hindi magawang sumagot ni Li Xie dahil sa hirap siyang makapagsalita dahil sa pagsusuka niya. Kung may nangyari sa kanila ni Lin Xui Ying ay iisipan ni Li Xie na buntis siya ngunit wala namang nagyari sa kanila ni Lin Xui Ying at isa pa, wala pa namang dalawang buwan noong magkakilala silang dalawa. 'Sht! Kung alam ko lang na maghihirap ako ng ganito sa pag-alis ng soul eating mana sa katawan ko dapat naghanda na ako…' Hindi naman napagpatuloy ni Li Xie ang kaniyang sasabihin sa kaniyang sarili nang maalala niya na hindi niya binasa ang huling bahagi ng aklat na binigay as kaniya ni Dale. 'Ah, Li Xie what the hell happened to your brain? Dati rati naman ay pinag-aaralan mo muna ang impormasyon bago gumalaw ah!' Halos sabunutan na niya ang kaniyang sarili dahil sa ginawa niya ngunit nang marinig niya muli ang nag-aalalang boses ni Lin Xui Ying ay kaagad niyang kinuha ang buong lakas niya at saka tumayo at lumabas ng banyo. "Okay lang ako…" mahinang sambit ni Li Xie, naglakad ito patungo sa higaan at saka naman siya inalalayan ni Lin Xui Ying. "Maari mo ba akong bigyan ng tubig? Hindi pa kaya ng tiyan ko ang kmain ngayn ng biglaan, kaya mo ba gumawa ng lugaw?" Napakagat naman ng labi si Lin Xui Ying dahil kahit alam niya kung paano gumawa ng lugaw ay hindi naman niya masyadong alam kung paano gumamit ng mga kagamitan sa system ni Li Xie. Hindi ito napansin ni Li Xie dahil nakapikit siya at ang pagsabi ni Lin Xui Ying ng "okay" lamang ang narinig niya. "Damn, kung narito lang sana si Muen alam na niya ang gagawin sa 'kin," bulong ni Li Xie sa kaniyang sarili. Nanghihinang tumngin si Li Xie sa pintuan at hindi man kita ang kusina mula sa higaan niya ay ramdam naman niya ang mana sa katawan ni Lin Xui Ying. Napahawak siya sa dibdib niya dahil ramdam na ramdam niya ang mga mana na pumapasok sa kaniyang dibdib. Hindi ito masakit ngunit para kay Li Xie hindi maganda ang nararamdaman niya. Ganoon pa man ay wala siyang magawa kundi ang gabayan ang mga mana na ito sa kaniyang magic core. Nahihirapan man sa paggamit ng mga kagamitan si Lin Xui Ying ay nagawa pa rin naman niyang gumawa ng lugaw ng walang tulong ni Li Xie at hindi nagkakaroon ng problema. Kaagad na nagpunta si Lin Xui Ying sa silid ni Li Xie matapos niyang magluto dala ang isang lalagyanan kung saan naroon ang isang magkok ng lugaw, dalawang baso ng tubig, at tatlong tatsulok na tinapay na mayroong palaman. Nang makita ito ni Li Xie ay kaagad siyang napangiti dahil alam na ni Lin Xui Ying kung paano gamitin ang mga kagamitan sa kaniyang system. Kumain sila nang tahimik at nang matapos ay kaagad na nagbago ang hangin sa paligid nila. "Kumusta na pakiramdam mo?" kaagad na tanong ni Lin Xui Ying. Sandali na pinakiramdaman ni Li Xie ang kaniyang katawan at saka nagsalita, "Ayos na ako at pakiradam ko ay mas lalong lumawak ang magic core ko..." Tumingin ito kay Lin Xui Ying. "Hindi ba lalaki ang lamat ng magic core ko dahil dito?" nag-aalalang tanong ni Li Xie. Kaagad naman na umiling si Lin Xui Ying. "Hindi. Kung mayroong man na makakadagdag sa sira ng magic core mo iyon ay ang derektang pagsira gamit ang mana." Kaagad naman na nakahinga ng maluwag si Li Xie at napangiti naman si Lin Xui Ying nang makita niya ang naging reaksyon ni Li Xie. "Ah, oo nga pala." Lumingon si Lin Xui Ying kay Li Xie nang magsalita itong muli. "May naramdaman akong naglalagay ng mana sa katawan ko, ikaw iyon, hindi ba?" "May iba pa bang tao rito?" Nakangiti na sagot ni Lin Xui Ying at saka niya pinahigang muli si Li Xie at hinalikan ang noo nito. "Magpahinga ka na," dagdag pa niya. "Huh? Kakagising ko lang tapos papatulugin mo ulit ako? Isa pa, kung mayroong isang tao na dapat na matulog ikaw iyon," matigas na sambit ni Li Xie at sinamaan ng tingin si Lin Xui Ying. Napakamot naman ng likod ng batok si Lin Xui Ying dahil alam niya na tama ang sinabi ni Li Xie. Bumuntong hininga na lamang si Lin Xui Ying at nagpunta sa sofa at bago pa man makatulog ay kinuwento ni Lin Xui Ying ang pangyayari habang tulog si Li Xie. "Ying?" "Hmm?" "Alam mo ba noong tulog ako muntik na akong mahulog sa madilim at malalim na lugar?" Napaupo naman si Lin Xui Ying at nilingon siya ni Li Xie. "Pero salamat sa pagtulong mo sa akin, salamat sa paggabay ng mana ko pabalik sa katawan ko at nagawa kong makaalis doon." Ngumiti si Li Xie saka ito pumikit. "Salamat..." Hindi na naman nakapagsalita pa si Lin Xui Ying dahil nakita niyang nakatulog na muli si Li Xie. Napahigang muli si Lin Xui Ying at saka ito napaisip ng kung ano ano. 'Ibig sabihin kung hindi ko binalik ang mana na lumabas sa kaniyang katawan tuluyan na siyang matutulog panghabang buhay? Paano pala kung hindi ako marunong gumabay ng mana, hindi ko alam... anong gagawin ko kung ganoon nga...' Sa hindi malamang dahilan ni Lin Xui Ying ay natakot siya sa mga naiisip niya at hindi maiwasan na mayroong lua na tumulo sa kaniyang mata. Ito ang unang pagkakataon na takot siyang mawala ang isang tao sa buhay niya, ito ang pangalawang beses na nramdaman niya ang pagkawala ng lakas at pag-asa. 'Sa tingin ko dapat ko nang pasalamatan si brother Jing sa pagpipilit sa akin na magkaroon ng alam sa mahika. Simula pa noong bata ako ay siya na ang nagpupumilit sa akin.' Ipinikit nang muli ni Lin Xui Ying ang kaniyang mga mata at nakatulog ng tuluyan. Sa oras naman na makatulog na ng tuluyan si Lin Xui Ying ay iminulat naman ni Li Xie ang kaniyang mata at malungkot na napatingin kay Lin Xui Ying. 'Nngayong may pagkakataon na ako makabalik sa Li Family, kailangan na muna natin na maghiwalay. Ilang araw na lamang ay maghihiwalay nang muli ang landas natin.' Ipinikit ni Li Xie ang kaniyang mga mata at mayroong pares ng luha na tumulo mula rito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD