Nang makabawi na sa lakas si Li Xie ay lumabas na sila sa kaniyang system. Nang maramdaman naman kaagad ni Dale- ang ahas na tagapagbantay ng gubat ang mana ni Li Xie ay kaagad itong nagtungo patungo sa lawa at doon ay nakita niya sina Li Xie at Lin Xui Yin na naghahanda sa kanilang gagawin na pagsa-ayos ng magic core ni Li Xie.
"Master!" kaagad na bulalas ni Dale.
Lumingon naman parehas sina Li Xie at Lin Xui Ying. Pinanood lamang ni Lin Xui Ying si Li Xie at Dale na mag-usap dahil hindi naman niya ito maintindihan. Ilang sandali pa ay may dalawang prutas na binigay si Dale kay Li Xie na kinagulat ni Lin Xui Ying.
"Ying? Alam mo raw ang prutas na ito?" tanong ni Li Xie. "Binibigay ni Dale sa ating dalawa tapos tinanong ko kung para saan at kung ano ito sabi niya alam mo raw," dagdag na sambit ni Li Xie.
Kaagad naman na napatingin kay Dale at hindi makapaniwala. Nakita naman nito na tumango si Dale at ibig sabihin ay talagang binibigay niya ito sa kanilang dalawa. Kaagad nama na yumuko si Lin Xui Ying at nagpasalamat kaya naman umalis na si Dale at hindi na sila inabala pa.
"Para saan ba kasi ang prutas na ito?" tanong ni Li Xie at halatang naaiinis na.
"Ang prutas na iyan ay tinatawag na blue dragon fruit o mas kilala bilang mana fruit."
Tinabingi naman ni Li Xie ang kaniyang ulo. 'Dragon fruit? Bakit parang ibang dragon fruit ang nasa isip ko? Dragon fruit iyon sa dati kong mundo.'
"Mana fruit?"
Tumango naman si Lin Xui Ying. "Kung ang qi ay mayroong spirit fruit na tumutulong para makapag-advance at maisolido ang kanilang qi ang magic ay maroon din. At ang blue dragon fruit iyon. Hindi lamang nito tinutulungan na mag-advance ang isang magic user, ginagawa rin nitong solido ang pundasyon natin at kung mayroong mga panlabas na sugat o mga baling buto ay maari nitong gamutin."
Kaagad naman na nagningning ang mga mata ni Li Xie dahil doon. Kaagad niyang binigay kay Lin Xui Ying ang para sa kaniya at akma nang kakainin ang kaniyang parte ngunit nakita niya na itinago ito ni Lin Xui Ying kaya naman kumunot ang kaniyang noo.
"Bakit hindi mo kinakain?" takang tanong ni Li Xie.
"Hindi pa ito ang tamang oras," kaagad naman na sagot ni Lin Xui Ying.
"Hindi pa tamang oras?"
"Kapag kinain ko ito ngayon mapipilitan akong mag-cultivate at kapag nangyari iyon ay mag-aagawan tayo ng mana na nasa paligid. Kahit na sagana ang mana rito hindi pa rin maganda na may dalawang tao na nag-aagawan sa iisang lugar. Isa pa, parehas tayong malakas humigop ng mana kaya hindi talaga magandang magsama tayo sa isang lugar upang mag-culivate."
Napatigil naman si Li Xie at saka napatingin sa blue dragon fruit na hawak niya. Tama naman si Lin Xui Ying at alam niya iyon hindi lamang matanggap ni Li Xie na marami pa siyang hindi alam sa lugar na ito.
"Sigurado ka ba?" tanong ni Li Xie.
Tumango si Lin Xui Ying saka sinabing, "Oo, sigurado ako. Isa pa, mas kailangan kitang bantayan lalo pa at aayusin mo ang magic core mo. Hindi ko dapat hayaan na may mangyaring masama sa iyo, hindi ko kaya."
Kaagad naman na tumalikod si Li Xie upang hindi makita ni Lin Xui Ying ang pamumula ng kaniyang mukha. Ganoon pa man, nakaligtaan pa rin ni Li Xie na itago ang kaniyang tenga na namumula rin at kitang kita ito ni Lin Xui Ying kaya naman napangiti ang binata at saka nito niyakap si Li Xie mula sa likod.
"Halika na at umpisahan na natin upang maging maayos ka na nang tuluyan," malambing na sambit ni Lin Xui Ying sa kanang tenga ni Li Xie dahilan para mas lalo pang mamula ang dalaga.
"Oo na! Oo na!" pagmamaktol ni Li Xie dahil sa hiya na nararamdaman niya at saka ito tumigil at kinalma ang sarili.
Sa huli ay huminga na lamang si Li XIe nang malalim at saka kinain ang blue dragon fruit. Kaagad naman din na naramdaman ni Li Xie ang kakaibang pakiramdam kaya naman tinulungan siya ni Lin Xui Ying na makaupo sa maliit na mala-isla sa gitna ng lawa.
Pinanood ni Lin Xui Ying si Li Xie na gawin ang kaniyang dapat gawin. Samantala, nag makabalik naman si Li Xie sa loob ng kaniyang magic core ay kaagad niyang hinanap ang lugar kung saan may lamat at wari mo ay malaking sugat sa katawan. Nang makita niya ang malaking sira sa magic core niya ay kaagad na nawala ang ngiti ni Li Xie.
Nita niya na nawala ang mga mana na tinapal niya sa mga parte na nauna ngunit nang mapansin naman niya na nawala na ang maiitim na parte ay kaagad naman na nabuhayan ng loob si Li Xie. Kaagad niyang inumpisahan at gaya ng sinabi ni Lin Xui Ying ay kumuha siya ng mana sa labas ng katawan niya, ipinasok niya ito sa kaniyang katawan patungo sa kaniyang magic core, hindi niya ikinalat ang mana gaya ng pangkaraniwang ginagawa.
Gamit naman ang mana sa loob ng kaniyang katawan ay gumawa siya ng mana na mayroong healing magic at saka niya ipinagsalo ang mana na ginawa niya at ang mana na galing sa labas ng kaniyang katawan. Matapos noon ay inangat niya ito at inalalayan patungo sa pinaka dulo ng lamat upang doon umpisahan. Paulit ulit na ginawa ito ni Li Xie at paulit ulit din naman niya pinapaalala sa kaniyang sarili na hindi niya rapat maliin ang paggagamot sa kaniyang magic core.
Kapag nakakaramdam naman ng pagod si Li Xie ay kaagad na siyang tumitigil at nakikita niya si Lin Xui Ying na nasa kaniyang harapan at binabantayan siya. Kumukuha lamang siya ng dalawang instant noodles sa kaniyang system dahil nakababad si Lin Xui Ying sa tubig.
Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Limang araw na ang nakalipas at malapit nang maayos ni Li Xie ang kaniyang magic core at sa limang araw na iyon ay minsan kapag ididilat niya ang kaniyang mga mata ay wala si Lin Xui Ying sa kaniyang harapan. Noong una ay nadismaya siya dahil sa nakasanayan na niya na tuwing iminumulat niya ang kaniyang mga mata ay nasa harapan niya si Lin Xui Ying.
Hinayaan na lamang ito ni Li Xie at saka siya nagpahinga ng kaunti at saka siya nagpatuloy muli. Bago pa man lumubog ang araw ay kaagad na nagkaroon ng pagsabog ng mana sa katawan ni Li Xie. Ang mana na ito ay napakalakas at para itong isang malakas na hangin na nagsipuntahan sa iba't ibang dereksyon. Ang mana na ito ay naging dahilan upang magsitakbuhan ang mga demon beast at magpunta sa mababaw na parte ng gubat.
Dahil doon ay nagkaroon ng maraming pinsala sa mga normal na qi at magic user na nagpupunta sa bukana ng gubat upang kumuha ng mga halamang gamot o hindi kaya ay manghuli ng mga mahihiang demon beast.
Naramdaman ito ng mga malalakas na magic user ngunit wala silang lakas ng loob na pumasok sa teretoryo ng tagapagbantay ng gubat kaya naman pinagsawalang bahala na lamang nila ito. Naramdaman din naman ito ni Lin Xui Ying habang kausap niya ang isa sa kaniyang pinagkakatiwalaang tauhan malapit sa kweba na dati nilang tinuluyan ni Li XIe.
"Kakaibang mana..." kaagad na bigkas ng pinagkakatiwalaan ni Lin Xui Ying.
Nakangiti na tumingin si Lin Xui Ying sa isang dereksyon kung saan kapag dineretso mo ang lakad ay patungo sa lawa. "Nagawa niya," kumento ni Lin Xui Ying.
"Master, ang may ari ba ng mana na ito ay ang babaeng tinutukoy mo?"
"Kyv, hindi ba napakalakas ng kaniyang mana?"