Hindi man sinagot ng derekta ni Lin Xui Ying ang tanong ni Kyv ay alam na niya kung ano ang sagot dito. Sa ngiti pa lamang ni Lin Xui Ying ay alam na niya kung ano ang ibig sabihin noon.
"Master, aalis na po ako. Bukas ng parehas na oras po ay babalik ako kasama si Phantom," kaagad na pgpapaalam ni Kyv nang maramdaman niya na gusto nang bumalik ni Lin Xui Ying sa gitna ng gubat.
Hindi naman sumagot si Lin Xui Ying at iwinagayway lamang ng kaunti ang kaniyang kamay at saka ito naglakad patungo sa gitna ng gubat. Nakita niya si Dale na panay ang gapang at nagpapatrol sa buong gubat at alam ni Lin Xui Ying na dahil sa pagputok ng mana ni Li Xie ay naging mas abala pa si Dale.
Tinanguan lamang ni Dale si Lin Xui Ying at kumaway naman ang binata pabalik. Nang makarating siya sa lawa ay nakita niya si Li Xie na kahiga sa mala-isla na parte ng lawa.
Naglakad si Lin Xui Ying sa taas ng lawa at hindi man lang lumalapat ang kaniyang paa sa tubig.
"Kumusta?" nakangiting tanong ni Lin Xui Ying.
"Hump! Wala ka naman dito noong nag-advance ako." Nag-krus ng braso si Li Xie at nagkunwaring nagtatampo kaya naman kaagad siyang niyakap ni Lin Xui Ying. "Hindi mo ako madadaan sa yakap," dagdag pa niya.
"Talaga?"
Ilang beses naman na hinalikan ni Lin Xui Ying ang pisngi ni Li Xie hanggang sasumuko na si Li Xie at nagharutan na silang dalawa. Sinabi na ni Li Xie kay Lin Xui Ying na nasa specialty stage na si Li Xie.
Hindi naman na nagulat pa si Lin Xui Ying dahil alam naman na niya na malaki ang potensyal ni Li XIe na maging isang Grand Sorceress lalo pa kung maabot nito ang Ancient Stage.
"Saan ka nanggaling?" tanong ni Li Xie at tinitigan si Lin Xui Ying.
"Nagpunta ako sa labas ng sakop ng pagpapatrol ni Dale para makausap ko ang isa sa aking pinagkakatiwalaang taga-sunod," sagot ni Lin Xui Ying. Nang makita naman nito ang reaksyon ni Li Xie ay nagtanong ito, "Bakit gulat na gulat ka?"
Napangiti na lamang muna si Li Xie at yumakap kay Lin Xui Ying. "Hindi ko lang akalain na sasabihin mo sa 'kin. Akala ko kasi hindi mo sasabihin," sambit nito.
"Alam ko na may hinala ka na kung sino ako pero huwag kang mag-alala, kapag dumating ang tamang panahon ay magpapakilala ako sayo at ipapakilala ko ang sarili ko bilang totoong ako,"
"Bakit hindi ba totoo itong pinapakita mo sa akin ngayon?"
"Parte lamang ito ng sarili ko at hindi pa ito ang pinaka katauhan ko," kaagad naman na sagot ni Lin Xui Ying.
Sandali naman na napaisip si Li Xie at saka niya hinigpitan pa ang yakap kay Lin Xui Ying. Ramdam ni Li Xie na malapit na silang maghiwala upang gawin ang kanilang dapat gawin.
"Ying kapag naghiwalay tayo ng landas kakalimutan mo ba ako?"
Kaagad naman na napatingin si Lin Xui Ying kay Li Xie at hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Li Xie. "Huh? Sino nagsabi na kakalimutan kita? Huwag kang mag-alala dahil kahit na anong mangyari ay ikaw lamang ang papakasalan ko. Tandaan mo iyan, maliwanag?"
Hindi naman nagsalita si Li Xie at sinubsob na lamang niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Lin Xui Ying. Wala na namang nagawa pa si Lin Xui Ying kundi ang bumuntong hininga at yakapin ng mahigpit pabalik si Li Xie upang mawala ang pangamba sa kaniyang dibdib.
"Xie, kung mahihirapan ka man sa paghihiganti mo huwag kang magdalawang isip na manghingi ng tulong sa akin ha?" mahinang sambit ni Lin Xui Ying.
"Um," mahinang sagot ni Li Xie, tumango ito at saka tumingin ay Lin Xui Ying. "Pero paano ako hihingi ng tulong kung hindi ko alam kung sino kang talaga," dagdag nito.
Sandali na napatigil si Lin Xui Ying at saka nag-isip kung ano ang dapat niyang gawin. Sa huli ay napagdesisyunan niya na sabihin kay Li Xie. "Sa araw ng paghihiwalay natin ng landas ay sasabihin ko sa 'yo. Ngunit sa paghihiwalay natin hindi ko hahayaan na magkaroon ka ng iba," kaagad na sambit ni Lin Xui Ying.
Kumunot naman ang noo ni Li Xie. "HIndi ba dapat ako ang magsab niyan sa iyo? Alam ko na galing ka sa maganda at masaganang pamilya kaya hindi ba dapat ako ang mag-alala dahil maari kang magkaroon ng mapapangasawa?"
"Hindi naman nakikialam si Father Em-" Napatingin si Lin Xui Ying sa kaniyang kanan dahil muntikan na niya masabi ang Father Emperor.
Tumaas ang kilay ni Li Xie dahil sa pagpagpuputol ni Lin Xui Ying. "Ano?"
"Sabi ko hindi naman nakikialam sila Ama at Ina sa mga bagay na tungkol sa ganiyan." Inalis ni Lin Xui Ying ang pagkakayakap kay Li Xie at saka ito umupo. "Sa mga babaeng kapatid ko sila nakikialam dahil gusto nilang mapunta sila sa maayos at kaya silang buhayin na pamilya pero kaming mga lalaki ay hinahayaan nila."
Hindi naman na nagsalita pa si Li Xie at saka niya pinulupot ang kaniyang braso sa leeg ni Lin Xui Ying mula sa likod at saka ipinatong ang kaniyang ulo sa braso niya.
Matapos ng ilang araw ay nakapag-advance na rin naman si Lin Xui Ying at hindi niya akalain ni Li Xie na nasa Grandmaster Stage na ang kanniyang kasintahan. Napanganga pa siya nang maramdaman niya ang pagsabog ng mana ni Lin Xui Ying nang makapag-advance ito. HIndi niya akalain na sobrag lakas ng kaniyang kasinahan.
Dalawang araw silang dalawa na nagsaya at paminsan minsan ay nakikipagharutan kay Dale. Kahit si Dale ay ramdam na malapit nang umalis sina Li Xie at Lin Xui Ying kaya naman imbis na magpatrol sa gabi ay natutulog ito kasama nilang dalawa.
Isang araw ay pinag-isipan ni Li Xie na gamitin ang kaniyang kakayahan noong isa pa siyang mamatay tao. Susubukan niyang sundan si Lin Xui Ying ng hindi niya nalalaman at kapag nahuli siya ni Lin Xui Ying ay kailangan na niya na ipagpabuti ang pag-eensayo sa kaniyang kakayahan.
Sinundan niya si Lin Xui Ying at nakita niya na may dalawang tao siyang naka-cape na tinagpo. Sa boses ay alam ni Li Xie na lalaki ang mga ito kaya naman nakahinga siya nang malalim ngunit nang marinig niya ang sinabi ng dalawang iyon ay nabato siya sa kaniyang kinatatayuan.
"Magandang gabi Ika-walong Prinsipe ng Imperyo," bati ng dalawang lalaki.
Kaagad na pinilit ni Li Xie na makabawi at saka siya umalis doon. Hindi siya makapaniwala na isang prinsipe si Lin Xui Ying. May hinala siya na isa itong parte ng noble family ngunit hindi niya akalain na isa pala itong royalty gayong pinakita niya kung gaano niya kaayaw ang mga royalty sa harapan ni Li Xui Ying.
'Ah, sht. What should I do?'
Naupo na lamang si Li Xie sa isang malaking bato na nasa tabi ng lawa at saka niya pinikit ang kaniyang mga mata. Inisip ni Li Xie kung anong klaseng ugali ang mayroon siya kay Lin Xui Ying ngunit kaagad din naman niya ipinagsawalang bahala ito.
'Ano ngayon kung isa kang prinsipe? Basta hindi mo susubukan na kontrolin ang buhay ko hahayaan kita sa tabi ko.'
Napakagat naman ng labi si Li Xie. "Pero kailangan na nga ata talaga natin humiwalay muna sa isa't isa."
Ilang oras pa ang nakalipas ay iminulat ni Li Xie ang kaniyang mga mata nang maramdaman niya na papalapit na sa kaniya si Lin Xui Ying.
"Gusto ko na magpahinga ang tagal mo," inis na sambit ni Li Xie.
Mahina naman na tumawa si Lin Xiu Ying. "Ipagpaumanhin natagalan ang pakikipag-usap ko," kaagad na sagot niya at kinarga si Li Xie.
Kaagad naman na nawala ang paligid sa paningin ni Lin Xui Ying at napalita nng isang pamilyar na lugar, ang system ni Li Xie. Kaagad na dumeretso si Lin Xui Ying sa silid ni Li Xie at saka niya ibinaba si Li Xie sa higaan nito.
Bago pa man makatayo si Lin Xui Ying ay kaagad naman na ipinulupot ni Li Xie ang kaniyang braso sa leeg nito at nakapikit na sinabing, "Ying... kailangan ko nang umalis bukas."
Sandali na nakaramdam ng sakit sa dibdib si Lin Xui Ying at niyakap namn niya si Li Xie pabalik. Parehas silang dalawa na may kailangang gawin kaya naman hindi nila maaring ikulong ang isa't isa.
"Hmm, kailangan ko na rin umalis bukas," sambit naman ni Lin Xui Ying.
"Ying?"
"Hmm?"
Kaagad na inilapat ni Li Xie ang kaniyang labi sa labi ni Lin Xui Ying at mas lalo pa itong lumalalim. Sa paglalim ng kanilang halik ay sa paglakas naman ng init na kanilang nararamdaman at sa gabing iyon ay hinayaan nilang maging isa sa unang pagkakataon.