EVEN WE'RE APART

1628 Words
Matapos mangyari ang kanilang pag-iisa sa isip, puso, at katawan ay tahimik silang nakahiga. Nakapatong ang ulo ni Li Xie sa kanang braso ni Lin Xui Ying at nakaharap sa binata. Ang kanang kamay ni Li Xie ay nakapatong sa dibdib ni Lin Xui Ying habang sinusundan niya ang mga linya ng magandang hubog ng katawan ni Lin Xui Ying. "Anong oras ka aalis bukas?" pagsira ni Li Xie sa katahimikan na nasa kanilang paligid. "Bago bumaba ang araw," kaagad na sagot ni Lin Xui Ying. Ramdam na ramdam ni Li Xie ang bigat ng paghinga ni Lin Xui Ying at pakiramdam ni Li Xie ay ayaw na umalis ni Lin Xui Ying sa tabi niya kaya naman ngumiti ito at tumigala nang kaunti upang makita ang mukha ni Lin Xui Ying. 'We don't have a choice. Parehas kaming may kailangan gawin after all he's an Imperial Prince.' "Ikaw?" tanong naman ni Lin Xui Ying. "Hmm~" napaisip si Li Xie at saka niya niyakap si Lin Xui Ying. "Kung pwede lang na sumama sa 'yo gagawin ko." Humigpit naman ang yakap ni Lin Xu Ying kay Li Xie at inamoy nito ang buhok ni Li Xie. "Kalagitnaan akong gabi aalis," sagot ni Li Xie sa tanong ng binata. "Xie?" "Bakit?" "May gusto akong sabihin sa 'yo," mahinang sambit ni Lin Xui Ying at saka ito pumikit para magpatuloy. Pumikit siya upang hindi niya kaagad makita ang itsura ni Li Xie. "Alam mong hindi ako isang normal na mamamayan lamang at may hinala ka na hindi ordinaryo ang pagkatao ko. Ang totoo niyan-" "I know," pagpuputol ni Li Xie at sinubsob ang kaniyang mukha sa tagiliran ni Lin Xui Ying. "Huh?" "Alam ko na ikaw ang ika-walong prinsipe ng imperyo," dagdag pa ni Li Xie. Kaagad na napadilat si Lin Xui Ying at hindi makapaniwalang nakatingin kay Li Xie. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin dahil hindi niya makita ang mukha ni Li Xie. "Xie? Paano mo nalaman?" Napakagat ng labi si Li Xie at saka ito huminga nang malalim. Sinabi ni Li Xie na mayroon siyang kakayahan na makipag-isa sa dilim at inaalam ni Li Xie kung nawala na ba ang kakayahan niyang iyon. Sinabi ni Li Xie na napagpasyahan niya na gamitin iyon kay Li Xie at inaalam niya kung mararamdaman ni Lin Xui Ying ang presensya ni Li Xie o hindi. Hindi naman sinasadya ni Li Xie na marinig ang usapan nila ng dalawang lalaki na lumuhod sa harapan niya upang magbigay galang at tawagin itong Eight Imperial Prince. Nang matapos ikwento ni Li Xie ang kaniyang ginawa ay naghintay siya nang sasabihin ni Lin Xui Ying. Alam niya na magagalit si Lin Xui Ying ngunit pinili pa rin ni Li Xie na magsalita at sabihin ang totoo dahil iyon ang alam niyang mas magandang gawin para sa relasyon nila. Isa pa, ayaw rin ni Li Xie na magsinungaling kay Lin Xui Ying. Narinig niya na bumuntong hininga si Lin Xui Ying at akala ni Li Xie ay magagalit ito ngunit naramdaman lamang niya ang paglapat ng labi ni Lin Xui Ying sa kaniyang noo. "Hindi ka galit?" nag-aalalang tanong ni Li Xie. Inosente namang tiningnan ni Lin Xui Ying si Li Xie at saka sinabing, "Bakit naman ako magagalit? Isa pa, dahil sa ginawa mo hindi ko na kailangan pang magpakahirap na sabihin sa 'yo kung sino ako." Umupo si Lin Xui Ying at inayos ang buhok ni Li Xie. "Ikaw Xie, sino ka talaga?" Nagdadalawang isip si Li Xie kung sasabihin niya ang totoo o hindi pero dahil sa ayaw na niya ng pagsisinungaling pa ay sinabi na niya. "Kapag ba sinabi ko sa 'yo na may memorya ako ng dati kong buhay, maniniwala ka?" hindi kaagad nagsalita si Lin Xui Ying dahil sa gulat kaya naman nagpatuloy si Li Xie sa pagsasalita. "Anak ako ng dating head ng Li Family Maqi Kingdom at dahil sa pagkawala ng aking ama at ina napunta ang posisyon na iyon sa ikalawa kong tiyo. Okay naman noong una lalo pa noong buhay pa ang kaniyang unang asawa ngunit nagbago lahat noong namatay ito at pumasok sa pamilya ang ikalawang asawa ni Uncle Dufeng," tumigil sandali si Li Xie at naupo rin saka niya isinandal ang kaniyang ulo sa balikat ni Lin Xui Ying. "Unang pinaalis ng ikalawang asawa ni Uncle Dufeng si brother Jace ang nag-iisang anak na lalaki ni Uncle Dufeng sa una niyang asawa. Ipinadala niya ito sa Royal Institute at nang malaman naman nilang mag-ina na may kakayahan akong maging magic user gaya ng aking mga magulang ay nainggit sila. Ginawa nila ang lahat masira lamang ako at muntik na nila ako patayin." Malungkot na ngumiti si Li Xie at saka naman hinawakan ni Lin Xui Ying ang kamay ni Li Xie. "Noong nasa bingit na ako ng kamatayan ay doon naalala ko ang dati kong buhay." "Dati mong buhay?" Tumango si Li Xie. "Maniwala ka man sa hindi kaya may kakayahan akong sundan ka nang hindi mo na mamalayan ay dati akong isang assassin. Ang mga kagamitan na nasa system ko ay siyang kagamitan ko noon sa dati kong buhay." Hindi naman kaagad makapagsalita si Lin Xui Ying dahil sa kaniyang mga nalaman. Pinoproseso pa ng kaniyang utak ang kaniyang mga nalaman at dahil doon ay naalala ni Lin Xui Ying na mayroong impormasyon patungkol dito simula noong maipundar ang Radiance Imperial Country. "Naniwala ako," sambit ni Lin Xui Ying at pinulupot niya ang kaniyang kamay sa beywang ni Li Xie. "Kahit na anong sabihin mo papaniwalaan ko," dagdag nito. Napangiti naman si Li Xie dahil sa nabawasan ang kaniyang pag-aalala at bagay na itatago kay Lin Xui Ying. Sa susunod ay sasabihin din niya ang ilang bagay pa na hindi niya masabi. Natulog na silang dalawa dahil sa pagod na nararamdaman nila at nang magising naman si Lin Xui Ying at makita si Li Xie na nakahiga sa tabi niya ay napangiti ito. 'Pinapangako ko na gagawin ko ang lahat maprotektahan ka lamang.' Tumayo si Lin Xui Ying at saka siya gumawa nang makakain. Samantala, nang magising naman si Li Xie ay kaagad na namula siya dahil sa naalala niya ang ginawa nila nang gabi na 'yon. Hindi naman na nag-abala pa si Li Xie na takpan ang kaniyang pangtaas na katawan kaya naman nang pumasok si Lin Xui Ying ay kaagad itong napa-iwas nang tingin at saka lumapit kay Li Xie. Mahina naman na natawa si Li Xie dahil sa naging reaksyon ni Lin Xui Ying at inasar pa niya ito. Kumain silang dalawa at nang matapos na ay ibinalik na ni Lin Xui Ying ang pinagkainan sa lababo. "Ying?" "Naghuhugas ako," sagot naman ni Lin Xui Ying. "Iwan mo na muna iyan may sasabihin ako," sigaw ni Li Xie. Wala naman nang nagawa pa si Lin Xui Ying kundi iwan ang kanilang pinagkainan sa lababo at magpunta sa kama. "Dito ka dali," sambit ni Li Xie at tinuro ang tabi niya. 'Dahil hindi naman namin ito magagawa ng matagal ay siguro walang problema kung ako mismo ang mag-uumpisa,' sambit ni Li Xie sa kaniyang sarili. Kaagad naman an sinunod ni Lin Xui Ying si Li Xie at kaagad naman na itinulak ni Li Xie si Lin Xui Ying dahilan para mapahiga ito. Kaagad naman na pumatong si Li Xie nang walang saplot kaya naman nalaki ang mga mata ni Lin Xui Ying. "Shall we do it one more time?" Nakangiti nang nakakalokong sambit ni Li Xie. Kaagad naman na napangisi si Lin Xui Ying at sa pangalang pagkakataon. Nang sumapit naman ang hapon ay lumabas na si Li Xie at Lin Xui Ying sa system ni Li Xie at naghanda na rin na umalis si Lin Xui Ying. Ayaw man nilang dalawa na mawalay sa isa't isa ay wala silang magagawa dahil marami pa silang dapat gawin. "Ayusin mo lamang, Ying," sambit ni Li Xie at saka niya sinamaan ng tingin si Lin Xui Ying. "Kapag ako nagkaroon ng balita na may ibang babae ka lagot ka sa akin. Tandaan mo may kakayahan akong hindi mo kayang pakiramdaman," pagbabanta pa ni Li Xie. Mahina naman na tumawa si Li Xie. "Wala akong ibang babae bukod sa 'yo." Niyakap naman ni Lin Xui Ying si Li Xie at saka nito hinalikan ang tuktok ng ulo ng dalaga. "Master," kaagad na sambit ng isang lalaki na bigla na lamang dumating. Tiningnan naman siya ni Li Xie at saka niya muling binaling kay Lin Xui Ying ang kaniyang tingin at hinalikan niya ito. Ngumiti si Li Xie saka sinabing, "Hanggang sa muli nating pagkikita." Ilang oras pa lamang ang nakakalipas ay pakiramdam na ni Li Xie na hindi siya sanay ng wala si Lin Xui Ying sa kaniyang tabi. Ganoon pa man ay pinilit pa rin ni Li Xie na ibalik sa dati ang kaniyang pakiramdam. Sa buong oras nang paghihintay niya sa kaniyang pag-alis ay nag-cultivate lamang siya at dahil doon ay nasa panibagong lebel na siya ng Specialty Stage. "Master..." Bago pa man umalis ay nakipagkita si Dale kay Li Xie at binigyan ito ng pabaon na makakatulong sa pag-advance ni Li Xie. Nagpasalamat si Li Xie kay Dale at ganoon din naman si Dale kay Li Xie. Sinabi rin ni Dale na maaring bumalik si Li Xie sa gubat ano mang oras niya gusto. Nang makaalis si Li Xie sa gubat ay nakaramdam siya ng isang pamilyar na presensya ngunit kaagad niya itong iniwasan dahil wala siya sa tamang pag-iisip. Kapag hinarap niya ang mga iyon ay maaring mapatay niya ang mga ito. Bago pa man tuluyan na makalabas sa gubat ay nilingon niyang muli ang dereksyon kung saan sila unang nagkita ni Lin Xui Ying. "Even we're apart you'll always be the only one in my heart." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD