Kaagad na nakita ni Li Xie ang pinaka malapit na bayan sa gubat at mabuti na lamang ay gabi na kaya naman hindi siya kaagad nakita ng mga tao. Bago umalis si Lin Xui Ying ay binigyan niya si Li Xie ng isang itim na kapa upang gamitin para itago ang kaniyang katauhan.
'Should I become the doctor or singer?'
Kaagad naman na umiling si Li Xie sa kaniyang naisip dahil ang kailangan niyang unang hanapin ay ang matutuluyan. Bago pa man makalabas si Li Xie at Lin Xui Ying sa system ay hindi alam ni Li Xie na nag-iwan ng pera si Lin Xui Ying kaya naman ang kailangan lamang ni Li Xie ay ang magkaroon ng trabaho panandalian.
Habang naglalakad lakad si Li Xie ay nagtitingin tingin siya sa paligid. Iba't ibang klaseng normal na mga halamang gamot ang kaniyang nakikita, mayroon din namang mga demon beast core na nasa tier two hanggang three ngunit mahal binibenta. Wala namang makita si Li Xie na mga prutas na may kinalaman sa mana gaya nang mga binigay sa kaniya ni Dale.
'Kailangan ko ata na magbenta ng isa para lang magkaroon ng pera.'
Napagpasyahan na lamang ni Li Xie na maghanap na ng matutuluyan dahil bukas ng gabi ay magsisimula na siyang maghanap ng trabaho. Nang makahanap siya ng matutuluyan ay kaagad itong pumasok.
Sa pagpasok pa lamang ay marami ng mga upuan at mesa. Halatang ang unang palapag ay para sa inuman at kainan at ang pangalawang palapag naman ay para sa pahingahan. Kaagad na nagpunta si Li Xie sa taong nasa babae na nakikipag-usap sa mga lalaking bumibili ng mga alak.
"Magandang gabi, ano ang maipaglilingkod ko?" tanong nito kay Li Xie.
Tintigan muna siya ni Li Xie at saka pinag-aralan. Nang mapansin ni Li Xie na isa lamang itong normal na batang babae ay kaagad na naglagay ng tatlong pilak si Li Xie sa harapan nito.
"Kailangan ko ng matutulugan at makakain," mahinang sambit ni Li Xie.
Kaagad naman nalaman ng babaeng nasa harapan ni Li Xie na isa siyang babae kaya naman tumango ito. Dahil sa babae siya ay alam na ng babaeng nakausap ni Li Xie kung ano ang maganda at hindi maganda para sa kanila. Dahil din sa paglabas ni Li Xie ng tatlong pilak ay nakaradam ang babae na hindi normal na tao si Li Xie.
"Salamat," sambit ni Li Xie nang makuha niya ang susi para sa kaniyang silid.
Hindi na siya nagtagal pa at handa na sanang umakyat ng may isang babae na humarang sa daraanan niya. Ang babaeng ito ay may malaking katawan na akala mo ay isang lalaki at mayroong peklat ang kaniyang kanang mata.
Hindi man nakikita ay tumaas ang kilay ni Li Xie dahil alam niya na hindi maganda ang pakay ng babae na nasa harapan niya.
"Babae ka, hindi ba?"
Nang tanungin iyon ng babaeng may peklat sa kanang mata ay kaagad na natahimik ang lahat sa unang palapag. Ang mga babaeng nagpupunta sa central market ay mga hindi pangkaraniwang babae dahil kung hindi ito mga Royalties ay mga galing ito sa noble families kung saan ay sinusubukan nilang kalabanin.
"Ano ngayon?"
Rinig na rinig ng lahat ang maamo, matamis, at masarap sa tengang boses ni Li Xie at halos lahat sila ay gustong makita ang mukha nito. Nang akma nang tatanggalin ng babaeng may peklat sa kanang mata ang nakatakip sa ulo ni Li Xie ay kaagad naman siyang nagpasabog ng malakas na mana dahilan upang tumalsik papalayo ang babaeng may peklat sa kanang mata.
'Tsk. Kung naturuan lang sana ako ng maayos ni Ying na gumamit ng mana e 'di sana hindi ako mahihirapan dito. Naka-base lamang sa kaalaman ko sa dati kong mundo ang mga naggagawa ko sa mahika.'
Kaagad naman na naalarma ang lahat ng tao sa paligid at naramdaman naman ito ni Li Xie.
"Wala akong intensyon na makipaglaban o makipaglaro sa inyo kaya kumalma kayo. Narito ako para sa auction hindi para sa gulo," malumanay na sambit ni Li Xie.
Dahil sa nakakaingganyo niyang boses ay wala nang nagawa pa ang mga tao sa paligid. Tiningnan naman ni Li Xie ang babaeng tumalsik at wala man lang ni isa sa kanila ang tumulong. Kaagad na may kinuha si Li Xie sa kaniyang bulsa- ngunit ang totoo ay sa kaniyang system at hinagis niya iyon sa harapan ng babaeng may peklat sa kanang mata.
"Inumin mo 'yan. Hindi iyan lason kundi gamot sa mga lamang loob mo na nadurog ko," walang emosyong sambit ni Li Xie.
Wala mang emosyon at ramdam na ramdam man ng lahat ang lamig ng kaniyang boses ay hindi pa rin nila maiwasan ang hindi mahalina sa kaniyang boses.
'Heh~ so, gumagana pa pala ang seduction voice ko.'
Nang makarating si Li Xie sa kaniyang silid ay kaagad siyang pumasok sa kaniyang system at saka siya naligo, nagpalit ng damit at kumuha ng maliit na lalagyanan kung saan doon niya nilagay ang limang bote ng healing pills na kaniyang ginawa at dalawang mana recovery pills.
Ginamit niya ang ilan sa mga prutas na binigay sa kaniya ni Dale sa paggawa ng dalawang pills na iyon at malaking tulong ito para sa mga magic user. Ang alchemist ay para sa mga qi user at wala silang gaanong alam sa mga magic user dahil sa iilan na nga naman ang mga magic user at karaniwan sa mga gumagawa ng mga pills o gamo na para sa mga magic user ay mga pharmacist.
"Hmm?"
Kaagad na lumabas si Li Xie sa kaniyang system nang maramdaman niya na ang babae na nasa harapan ng estante na patungo ito sa kaniyang silid. Ilang sandali pa ay narinig niya na may kumatok kaya naman ginamit niya ang kaniyang mana upang buksan ang pinto.
Halos malaglag naman ang panga ng babaeng pumasok nang makita niya si Li Xie. Hindi nito akalain na ang babaeng isang magic user na mananatili sa kanilang tahanan ay isang babaeng may maganda at maamong mukha.
"Anong meron?" tanong ni Li Xie.
"Um, gusto ko lang sana na magtanong kung pupunta ka sa auction?"
"Oo," sagot naman ni Li Xie at saka ito nag-ayos ng kaniyang buhok. "Bakit may problema ba?"
"Ah, wala namang problema sa amin dito kaya lang may mga kalalakihan na minsan ay nanghahalay ng babae sa auction..."
"Binabalaan mo ako?" Mahina naman na tumango ang babae. "Anong pangalan mo?"
"Wang Wei. Wang ang pangalan ng pamilya ko at Wei naman ang pangalan ko."
Ngumiti naman si Li Xie kaya naman kaagad din na natigilan si Wang Wei. "Huwag kang mag-alala hindi ako basta basta nagpapatalo. Isa pa, alam mo naman siguro na isa akong magic user, 'di ba?"
Mahina na tumango si Wang Wei. "Alam ko naman iyon..."
"Tulungan mo na lamang ako sa isang bagay," sambit ni Li Xie at saka naman napatingin sa kaniya si Wang Wei. "Magtatagal ako sa lugar na ito kaya gusto ko na rito na muna mamalagi. Okay lang naman 'di ba?"
Kaagad naman na tumango si Wang Wei. "Pwedeng pwede!"
"Maari mo ba akong bigyan ng impormasyon tungkol sa auction?"
Sandali na napatigil si Wang Wei at napaisip. "Hindi ko masyadong alam ang ibang impormasyon dahil si Ama ang may alam nito pero may konti naman akong masasabi," kaagad na sambit ni Wang Wei at nag-umpisa nang magsalita.