WANG WEI [2]

1019 Words
Sinabi ni Wang Wei na mayroong auction na nagaganap kada limang araw at sa bawat auction na iyon ay iba't iba ang mga binebenta. Hindi maaring humigit sa sampu ang ibebenta ng isang tao ngunit maaring humigit as sampu ang bibilhin ng isang tao. Ang karaniwan na bumibili roon ay mga alchemist at pharmacist lalo na kapag nagkakaroon ng mga halamang gamot na gagamitin nila sa paggawa ng kanilang mga pills. Nagbebenta rin naman ang mga ito ng iba't ibang klase ng aklat na mayroong technique at karaniwan doon ay mga qi technique. "Iyon lamang ang alam ko pero kung gusto mo pa makaalam ng iba pang impormasyon bukas ng umaga bumaba ka upang doon mag-agahan. Si Ama ang nakatoka kapag umaga kaya makakapagtanong ka. Isa pa, kainan ang unang palapag namin kapag umaga at kapag sumapit naman ang dilim ito ay inuman." Tumango naman si Li Xie at nagpaalam naman din kaagad si Wang Wei dahil sa nakita niya ang pagod sa mukha ni Li Xie. Hindi gaya ng mga qi user, ang mga magic user ay kailangan magpahinga dahil mabilis silang mapagod at nakakaramdam sial ng antok pati na rin ng gutom. Kinaumagahan, tanghali, nagising si Li Xie. Pumasok siya sa kaniyang system upang maligo, magbihis ng damit, magpatuyo ng buhok. Nang matapos ang lahat ng kaniyang gawain sa kaniyang katawan ay kaagad naman na siyang lumabas at saka bumaba sa ikaunang palapag upang kumain. Hindi kagaya ng unang gabi niya sa lugar ng central market, hindi na niya itinago pa ang kaniyang mukha kaya naman nang makita siya ng ama ni Wang Wei ay nagulat ito. Sinabi sa kaniya ng kaniyang anak na mayroong isang magic user na babae na mananatili sa kanilang gusali ng matagal tagal ngunit hindi niya akalain na bata pa ito at bukod sa lahat, may magandang mukha. "Kung ako sa 'yo itatago ko ang aking mukha," kaagad na pagbibigay ng ama ni Wang Wei ng babala. Naramdaman naman ni Li Xie ang tingin sa paligid niya at kahit na konti ay alam niya ang pinagkaiba ng mga ibig sabihin ng mga tingin na ito. Sa kanilang lahat, ang tingin lamang ng ama ni Wang Wei ang kaya niyang maatim. Kumuha ng pantakip si Li Xie para sa kaniyang mukha at tanging ang mata na lamang ang nakikita nila. 'Mabuti na lang talaga at naisipan ni Li Muen na gumawa ng magandang mask. Sayang lang at hindi ito nailabas sa publiko noon sa dati naming mundo.' Gaya nang sinabi ni Wang Wei sa kaniyang ama ay nagtanong nga si Li Xie tungkol sa auction at doon napag-alaman ni Li Xie na ang auction ay bukas na gaganapin kaya naman abala ang lahat sa buong central market. "Nasaan nga pala si Wang Wei?" tanong ni Li Xie at inikot ang kaniyang paningin. Bumuntong hininga naman ang ama ni Wang Wei. "Kanina ko pa siyang inutusan dapat kani-kanina pa siya nakauwi," nag-aalalang sambit ng kaniyang Ama. "Maari mo ba munang tingnan ang buong gusali para hanapin ko siya?" Tumayo naman si Li Xie. "Wala akong alam sa pakikipag-usap sa mag tao kaya ako na lamang ang maghahanap sa kaniya." Hindi na nagawa pang magsalita ng ama ni Wang Wei dahil walang pasabing naglakad na paalis si Li Xie. May masamang pakiramdam si Li Xie na may hindi magandang nangyari kay Wang Wei kaya naman sinabi niya sa ama ni Wang Wei na siya na ang maghahanap. Gaya na nga nang sinabi ni Wang Wei, masyadong mapanganib ang lugar na ito para sa mga normal na babae. Habang naghahanap si Li Xie kay Wang Wei ay hindi naman niya maiwasan na hindi mapatingin sa paligid. Ang sabi ng ama ni Wang Wei, ang iba sa mga kagamitan na nasa lugar na iyon na binebenta ay minsan nasa auction din. "Ha! Wala ka talagang kwenta! Hindi ka na nga maganda ang lakas pa ng loob mo kausapin si Kai!" "Wang Wei kung hindi dahil sa ama mo matagal ka ng patay!" Hindi makapaniwalang tumingin si Wang Wei kay Li Xie at inilagay naman ni Li Xie ang kaniyang kanang hintuturo sa labi nito upang sabihin kay Wang Wei na itahimik niya ang kaniyang bibig. Nang makabalik si Wang Wei at Li Xie sa tinutuluyan at pag-aari nila Wang Wei na gusali ay halatang mas naging mas malapit silang dalawa sa isa't isa. Alam ng ama ni Wang Wei na may nangyaring kakaiba ngunit nang magtanong isya sa kaniyang anak ay wala itong nakuhang matinong sagot.  "Nagsasabi ka ba ng totoo?"  "Ama, mukha ba akong nagbibiro? Totoo ang sinabi ko. Hindi ko sila nakita. Isa pa, kung nakita nila ako or nakita ko sila hindi ako uuwing walang galos, kilala mo sila, Ama."  Sandali naman na napatigil ang Ama ni Wang Wei at saka ito bumuntong hininga. Kasalukuyan na nasa kusina sina Wang Wei, Li Xie, at ang ama nito dahil ipinakilala ni Wang Wei si Li Xie sa ina niya na kasalukuyang nakatoka sa paghahanda ng pagkain.  Hindi na naman nagtaka pa ang ama ni Wang Wei dahil gaya nga ng sinabi ni Wang Wei kung nakita niya ang mga lalaking iyon hindi uuwi ang kaniyang anak ng walang galos sa katawan. Isa pa, hindi rin niya magawang paghinalaan si Li Xie dahil kahit na isang magic user ito ay hindi pa rin naman niya kayang magbura ng alaala dahil ang kakayahan na iyon ay para sa mga nasa mataas na antas na ng mahika.  Bumalik na lamang ang ama ni Wang Wei sa labas upang magbantay at naghanda naman ng makakain ang ina ni Wang Wei sa harapan nilang dalawa.  "Kumain lamang kayo marami pang pagkain," sambit ng ina ni Wang Wei at ngumiti ito kina Li Xie at Wang Wei.  Nagpasalamat si Li Xie sa pagkain at saka ito kumain. Nang malasahan niya ang pagkain na niluto ng ina ni Wang Wei ay biglang nakaramdam ng lungkot si Li Xie dahil sa naalala niya ang luto ng kaniyang pinsan- si Li Muen. Noon, si Li Muen ang laging nagpapakain sa kaniya ngunit ngayon wala na si Li Muen sa tabi niya upang pakainin siya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD