PARTNERSHIP

2213 Words
Gabi na ngunit wala pa ring mga parokyano na nagpupunta sa bar house nina Wang Wei dahilan upang magtaka si Li Xie. Dalawang araw pa man lang siya sa bar house nina Wang Wei ay alam na niya na masagana ang lugar na iyon dahil marami ang lumalabas pasok upang uminom at magsaya. Marami rin ang nagpapalipas ng gabi rito at kumakain kaya naman nang bumaba siya mula sa ikalawang palapag ay nagtaka ito dahil iilan lamang ang tao rito at ang mga ito ay malalapit pa sa ama ni Wang Wei. Nang makita ni Li Xie si Wang Wei na nakaupo sa isang upuan at napapabuntong hininga alam niya na mayproblema. Dahil sa may takip ang kalahating mukha ni Li Xie at alam ng lahat sa central market na mayroong magic user na nanatili ngayon sa bar house nila ang iilang tao na kasalukuyang umiinom at kamakain sa bar house nina Wang Wei ay hindi maiwasan ang mapatingin kay Li Xie. Hindi man nila magawang maramdaman ang mana sa katawan ni Li Xie dahil sa hindi sila isang magic user at kung hindi rin naman ipaparamdam ni Li Xie ang kaniyang mana ay hindi rin nila mararamdaman iyon. Sa katawan ni Li Xie mukhang hindi ito makabasag pinggan ngunit alam ng mga taong nasa loob ng bar house nina Wang Wei na may kakaibang hangin sa paligid ni Li Xie na nagsasabing hindi siya pangkaraniwang babae lamang, na maykakayahan itong pumatay, na mapanganib siya. Hindi maiwasan ng mga taong ito ang hindi pagpawisan at matakot dahil doon ay mas lalong tumatak sa isipan nila na hindi nila maaring kalabanin si Li Xie dahil pakiramdam nila bukod sa lakas nito ay may iba pa itong kayang gawin. Isa ang kakayanan na mga taong naninirahan at may negosyo sa central market ng Maqi Kingdom ay ang maramdaman kung sino at hindi nila dapat kalabanan. Sa nakikita ng mag taong nasa loob ng bar house nina Wang Wei, kahit na mukhang mahina si Li Xie ay siya ang tipo ng babaeng hindi dapat kalabanin. Nagkatinginan ang mga taong kumakain at umiinom sa loob ng bar house nina Wang Wei at saka naman sila nagsitanguan. Kailangan nilang ipaalam sa lahat ng naninirahan at may negosyo sa Central Market na ang magic user na nanunuluyan ngayon sa bar house ng ama ni Wang Wei ay hindi nila dapat kalabanin. Mukha lang mahina ngunit may kung ano rito para sa kanila na hindi nila dapat baliwalain. "Wei? Anong problema?" tanong ni Li Xie nang makalapit siya kay Wang Wei. Itinaas naman ni Wang Wei ang tingin niya upang makita at matingnan sa mata si Li Xie. Sa lahat ng tao sa central market tanging si Wang Wei pa lamang ang nakakakita ng mukha ni Li Xie at wala nang balak pa si Li Xie na ipakita ito sa iba. Para sa kaniya, mas ligtas kung iilan lamang ang nakakakita sa mukha niya at hindi niya papayagan na may makasira sa plano niya. 'Kailangan ko muna magkaroon ng pundasyon at ang lugar na ito ang tamang lugar para simulan ang plano ko.' Bumuntong hininga na muna si Wang Wei bago niya sinagot si Li Xie. "May bagong bukas na bar house hindi kalayuan dito sa amin at ang may-ari nito ay isa sa mga lalaking kaaway ko." Kumunot naman ang noo ni Li Xie at tumingin sa paligid. Hindi gaya kanina na may iilang tao pa ay ngayon ay wala na at tangin silang dalawa na lamang ang nasa unang palapag. 'Paano kaya kung ipasok ko rito ang coffee shop? Ang kaso nakadepende pa rin ang lahat sa ama ni Wang Wei.' Nang Inikot ni Li Xie ang kaniyang paningin ay nakita niya na wala ring emosyona ng ama ni Wang Wei na nagpunta sa kusina upang kausapin ang kaniyang asawa. "Wei?" Inangat muli ni Wang Wei ang kaniyang tingin kay Li Xie at sinundan niya ng tingin si Li Xie hanggang sa makaupo ito. "Hindi ko alam kung papayag ang ama mo pero gusto ko lang magtanong kung gusto ninyo na magbago ng negosyo?" tanong ni Li Xie at saka kumunot ang noo ni Wang Wei. "Hindi ko naman sinasabing magbago talaga kayo agad agad. May negosyo kasi akong itatayo rin dito ang kasi wala nang magandang lugar kaya naman alam ko na hindi na maitutuloy iyon." "Hindi ko alam kung papayag si ama," sambit ni Wang Wei at yumuko ito. "Matagal na kasi itong trabaho ni Ama, simula pa noong bata pa siya. Anong negosyo ba iyon?" "Ah, coffee shop." Napasinghap naman si Wang Wei at hindi makapaniwala. "Xie, ang kape ay mahal! Tanging mga mayayaman lamang ang nakakabili noon!" bulalas ni Wang Wei. Itinagilid ni Li Xie ang kaniyang ulo. 'Come to think of it, wala nga akong kape na nakikita sa memorya ng dating Li Xie. Akala ko hindi lang siya mahilig sa kape.' "Huwag kang mag-alala hindi naman ako mauubusan ng kape. Isa pa, may tanim ako." Nakangiting sambit ni Li Xie. 'Tanim sa system? Wews, sinubukan ko ang sinabi ni Muen na hindi nauubos ang laman ng system at ilang beses ako naglabas ng coffee bean at mukhang tama nga si Muen. Kada sampung minuto ay nagkakaroon muli ng coffee bean sa lalagyanan ko sa system at kumpleto ito.' "Kakausapin ko muna si ama tungkol dito. Kung interesado siya, siya mismo ang pupunta sa 'yo para kausapin ka kasama si ina." Nakangiti na sambit ni Li Xie. Ngumiti lamang din si Li Xie at saka niya pinanood si Wang Wei na tumakbo patungo sa kusina. Tumayo na rin si Li Xie at saka siya bumalik sa kaniyang silid sa ikalawang palapag dahil kailangan na rin naman niya na maghanda para sa auction na gaganapin kinabukasan. "What should I sell?" bulong na tanong ni Li Xie sa kaniyang sarili. Nakatayo lamang siya sa gitna ng kaniyang silid at saka siya pumikit at sinuri ang laman ng kaniyang system. Gaya ni Li Muen mayroon ding negosyo si Li Xie sa dati nitong mundo at isa itong sikat na coffee shop na kung saan kung may mangyayari mang hindi maganda sa kaniya ay otomatiko itong mapupunta sa babae na naging malapit sa kaniya na siyang tumutulong sa pamamahala ng coffee shop na ito. 'Kumusta na kaya si Sherly?' tanong niya sa kaniyang sarili habang sinusuri ang mga kagamitan, mga sangkap, at iba pang ginagamit sa coffee shop. Ang mga gamit na narito ay siyang mag bagong bili ni Li Xie para sa kaniyang coffee shop ngunit bago pa man niya ito maibigay kay Sherly upang gamitin sa kaniyang coffee shop ay namatay na siya. "Great! Kumpleto ang mga gamit at walang problema." Nakangiti na sambit ni Li Xie sa kaniyang sarili. Kaagad naman siyang napalingon sa pintuan nang maramdaman niya na mayroong tao na papalapit. Bago pa man kumatok ang mga ito ay kaagad na binuksan ni Li Xie ang pinto. "Uh? Hello?" hindi siguradong sambit ni Li Xie. Alam ni Li Xie na mayroong mga taong papalapit ngunit dahil hindi ito mga magic user ay hindi niya alam kung sino ito hangga't hindi niya nakikita. Nang buksan niya ang pinto ay nakita niya ang ama at ina ni Wang Wei. "Maari ka ba namin makausap tungkol sa sinabi mo kay Weiwei?" tanong ng ama ni Wang Wei. Kaagad naman na binuksan ni Li Xie ang pintuan ng kaniyang silid at saka niya pinapasok ang mag-asawa. Naglagay rin naman ng mahika si Li Xie upang hindi marinig ang kanilang usapan mula sa labas. "Si Wei?" takang tanong ni Li Xie dahil hindi ito kasama ng mag-asawa. "Nasa baba siya ngayon at siya ang nagbabantay." Nakangiti na sagot naman ng ina ni Wang Wei. "Totoo ba ang sinabi mo kay Wei?" tanong nito. Ngumiti si Li Xie. "Totoo iyon at hindi ako nagsisinungaling. Gusto ko talaga na magtayo ng isang negosyo sa lugar na ito dahil hindi ito nauubusan ng tao kahit na gabing gabi na. Ang problema ko lamang ay wala ng lugar na maayos at akma sa negosyong ito." "Coffee shop? Ang shop na nagtitinda ng kape, hindi ba?" tanong naman ng Ama ni Wang Wei. "Bakit hindi muna tayo maupo para makapag-usap tayo nang maayos?" tanong ni Li Xie at kaagad naman din na umupo ang mag-asawa. "Gaya nga nang sinabi ni Wang Wei isa nga itong coffee shop. Ngunit hindi kapeng buo ang ibebenta kundi kape na nagawa na. Hmmm~ paano ko ba ipapaliwanag…" tumigil sandali si Li Xie sa pagsasalita. "Mayroong mga produkto na inumin na gawa sa kape. Maliban sa normal na kape ay mayroon akong produkto na mas malasa kapag may halong kape." Tumayo si Li Xie at saka nagpunta sa kaniyang damitan. "Sandali, mayroon akong tinago ritong gawa sa kape." Nagkatinginan ang mag-asawa at hindi alam kung ano ang kanilang magiging desisyon. Hindi madaling magbago ng negosyo sa lugar na ito lalo na at nakilala ang kanilang negosyo bilang isang bar house. "Ah! Kita ko na." 'Mabuti na lang talaga at gumawa ako ng coffee jelly with frappe kanina para inumin ko. Kaso mukhang hindi ako ang iinom.' Naiiyak an sambit ni Li Xie sa kaniayng isipan. Inabot niya ang isang lalagyanan sa ama at ina ni Wang Wei. Isa itong lalagyanan na kita ang kulay kayumangging laman at mayroong kulay itim na nahati sa kwadrado. Mayroon ding kulay puti as itaas nito. "Subukan ninyo," sambit ni Li Xie at ngumiti siya sa magulang ni Wang Wei. Nagdadalawang isip man ay sinubukan nga ng ama ni Wang Wei ang binigay sa kanila ni Li Xie na halimabawa ng produkto na sinasabi niya. Nang matikaman ito ng ama ni Wang Wei ay kaagad na nanlaki ang kaniyang mga mata. "Anong tawag dito? Sigurado ka na pwede namin itong ibenta?" halos magningning ang mga mata ng ama ni Wang Wei nang magtanong ito. Dahil sa naging reaksyon ng kaniyang asawa ay kinuha ng ina ni Wang Wei ang binigay ni Li Xie at tinikman niya ito. Napapikit na lamang ang ina ni Wang Wei at napahawak ang kaniyang kanang kamay sa kanang pisngi nito at ninamnam ang lasa ng binigay ni Li Xie. "Ang tawag diyan ay coffee jelly at oo isa iyan maaari ninyong ibenta kung papayag kayong baguhin ang negosyo ninyo." Ngumiti si Li Xie dahil sa naging reaksyon ng mag-asawa. 'Coffee is life talaga!' Ang kape ay isang hindi normal na inumin sa mundong ginagalawan ni Li Xie at dahil sa hirap itong pabungahin ay hindi nagkakaroon ng malaki at bultuhang benta nito. Hindi kasi alam ng mga tao roon kung anong klaseng lupa at panahon ang dapat sa puno ng kape para bumunga. Lumalim ang usapan nina Li Xie at ang magulang ni Wang Wei kaya hindi nila namalayan ang oras. Sa oras na iyon ay sinasabi na ni Li Xie ang pagbabago sa unang palapag ng gusali kapag pumayag ang mga ito sa gusto ni Li Xie. Samantala sa unang palapag ng gusali ay mayroong limang lalaki na pumasok. Ang mga ito ay mga kaibigan ng ama ni Wang Wei. "Weiwei! Nasaan ang iyon ama?" tanong ng isang lalaki at inikot ang kaniyang paningin. "Uncle Su, kasalukuyan po silang may inaasikaso ni ina," inosente namang sagot ni Wang Wei. Kaagad na napatikhim ang isa pang lalaki. "Hindi ko akalain na may balak pa silang sundan ka." "Huh? Uncle Ca, anong pinagsasabi mo?" Kaagad naman na binatukan ng isa pang lalaki ang tinawag ni Wang Wei na Unlce Ca at saka naman binigyan ng masamang tingin ang nagbigay sa kaniya ng batok. "Huwag kayong magtanong ng ganiyan sa bata," sambit nito. "Uncle Jud, kumusta po," magalang naman na sambit ni Wang Wei. Su, Ca, Jud, Lin, Mai. Ang limang lalaking ito ay kaibigan ng magulang ni Wang Wei at dati bago pa man bumuo ng pamilya ang kaniyang ama ay kasali siya sa grupo na ito ngunit nang mabuntis ang kaniyang ina sa kaniyang nakatatandang kapatid na lalaki ay kaagad na umalis ang kaniyang ama upang humanap ng maayos na trabaho. "Wala pala dito si Cain," sambit ni Lin. "Nasaan siya, Weiwei?" tanong naman ni Mai. Itinuro ni Wang Wei ang ikalawang palapag. "Kasalukuyang kausap ni ama at ina ang babaeng magic user na nananatili rito sa taas," sagot ni Wang Wei. Kaagad na kinakitaan nang gulat ang mga mukha ng limang lalaki na kaibigan ni Cain. Hindi nila akalain na totoo ang usap usapan na mayroong isang babae na magic user sa lugar ni Cain. Hindi lang iyon, ang sabi pa sa usap usapan na halos kasing edad lamang ito ni Wang Wei. "Wei, nakita mo na ba ang magic user na ito?" tanong ni Lin. Tumango naman si Wang Wei. "Oo, nakita ko na. Maganda siya, may maamong mukha, may magandang boses na nakakabighani at talagang malakas siya." Hindi naman makapaniwala ang limang lalaki sa kanilang narinig. Alam nilang pihikan si Wang Wei sa pagpili ng taong kaniyang pupurihin. Si Wang Wei ang tipo ng bata na lumaki sa hindi kaaya ayang lugar kaya mahirap siya na pamanghain at sa nakikita ng limang lalaki na kaibigan ng ama ni Wang Wei ay hindi isang normal na babae lamang ang magic user na iyon. Ilang sandali pa ay namataan ng limang lalaki si Cain at ang asawa nito na pababa sa ikalawang palapag ng kanilang gusali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD