EFFECTIVENESS OF THE POTION

2144 Words
Pumayag ang mga magulang ni Wang Wei na ibahin ang kanilang negosyo at nakay Li Xie ang desisyon kung anong gagawin sa unang palapag. Napag-usapan nila na gaya ng dati ang ikalawang palapag ay para pa rin sa mga manunuluyan sa kanila. Ang coffee shop ay mayroong mga kwarto na tumatanggap ng mga manunuluyan na manglalakbay. Bago pa man sumikat ang araw ay kaagad nang nagising si Li Xie at naghanda para magpunta sa auction house kung saan kailangan niyang makausap ang mga namamahala rito. Gabi gaganapin ang auction ngunit maaga pa lamang ay kailangan na niya itong maibigay sa auction house upang maipabalita rin sa lahat. Habang naglalakad patungo sa auction house ay nakakarinig na ng iba't ibang balita si Li Xie ngunit walang ni isa sa mga ibebenta sa auction house siyang natipuhan. Ang kaniyang mga kakayahang pang-atake at depensa ay mga kaalaman na galing sa dati niyang mundo kaya naman alam niya na naiiba ito sa mga kakayahan na mayroon ang mga taong nasa mundong ginagalawan niya ngayon. Nagpunta si Li Xie sa pinaka dulong parte ng auction house dahil iyon ang parte na sinabi sa kaniya ni Cain- ang ama ni Wang Wei na naghahawak ng mga hindi pangkaraniwang i-o-auction. "Magandang umaga," bati ng lalaking nakaupo sa upuan at may mesa sa kaniyang harapan na mayroon ding maraming dokumento. "May nakapagsabi sa akin na rito raw ako marapat na magpunta," mahinang sambit ni Li Xie. Kaagad na kumunot ang noo ng lalaking nakayuko at nagbabasa ng dukumento at saka niya inangatan ng tingin si Li Xie. Kung titingnan niya ay wala lamang siyang nararamdaman na kahit na ano kay Li Xie ngunit sa hindi niya malaman na dahilan ay may nagsasabi sa loob loob niya na hindi pangkaraniwan si Li Xie. Nakasuot man ng kapa ay alam pa rin naman ng lalaking iyon na isang babae si Li Xie base sa boses nito kaya naman tumayo siya at saka nagpakilala. "Ako nga pala si Lucas ang nakatoka sa mga hindi pangkaraniwang gamit na ibebenta sa auction mamaya. Anong maipaglilingkod ko?" sambit nito at saka niya itinuro ang upuan upang maupo si Li Xie. Nang makaupo si Li Xie ay hindi naman na siya nagpakilala. Kaagad na kinuha ni Li Xie sa kaniyang manggas ang dalawang bote na mayroong pills. Isa ay ang healing pills at ang isa naman ay mana recovery pills. "Ang mga pills na iyan ay gawa ng isang doktor na kilala ko. Isa siyang magic user kaya may mana ang dalawang pills na iyan. Inutusan niya akong ibenta sa malinis at maayos na paraan ang dalawang klase ng pills na nagawa niya." Inilapag ni Li Xie ang dalawang bote sa mesa sa pagitan nilang dalawa. Kaagad naman napuno ng kuryusidad ang mga mata ni Lucas at kaagad niyang kunuha ang isang bote na mayroong kulay puting likido. "Ang tawag diyan ay healing pills o healing potion. Bahala na kayo kung ano itatawag ninyo walang pakialam ang taong gumawa niyan. Hindi lamang isang normal na healing pills iyan dahil kaya niyang gamutin lahat ng mga pinsala sa katawan. Sira sirang buto, lamang loob, malaking sugat, at iba pang mga pinsala na maaring matamo sa pakikipaglaban." Hindi makapaniwala si Lucas at nahalata naman ito ni Li Xie ngunti hinayaan lamang niya ito na magdesisyon. "Itong isa?" tanong naman ni Lucas. "Iyang kulay asul na likido naman ay mana recovery pills o mana recovery potion. Gagana lamang iyan sa mga tuluyang natuyo o naubos ang mana sa magic core. Magagamit din naman ng ilang mga magic user ang mana recovery pills kahit na hindi masyado ubos ang kanilang mana ngunit hindi nila ito gaano mararamdaman." Kitang kita ni Li Xie na nagdadalawang isip si Lucas ngunit napangiti siya dahil alam niyang mayroong tyansa na pumayag ito. Ang dalawang bote na inilabas niya ay para lamang subukan ni Lucas hindi para iderekta sa pagbenta. "Mayroon ka pa bang ibang potion? Gusto sana naming subukan muna," sambit ni Lucas. "Maari kong ibigay ang dalawang iyan at hindi na kailangang bayaran. Gamitin na lamang ninyo iyan upang mapatunayan na tama ang sinasabi ko," kaagad na sambit ni Li Xie. Kaagad naman na tumayo si Lucas at naiwan si Li Xie sa silid ng mag-isa at iniwan din ni Lucas ang dalawang potion. Hindi rin naman nagtagal ay mayroong kasama na si Lucas. Apat na silang nasa silid at lima kung kasama si Li Xie. "Ito nga pala si Sir Roha isa sa mga magic user na sumusuri sa mga potions na may mana." Yumuko nang kaunti si Li Xie dahil ramdam niya ang mana sa katawan ni Roha at alam niya na mas mataas ang lebel nito sa kaniya. "Ito naman si Ace ang mag-aaral ni Sir Roha na hindi na makagamit ng mahika dahil sa naubos niya ang kaniyang mana at kahit na anong gawin niya ay hindi na siya makakuha pa ng mana." Tiningnan lamang siya ni Li Xie at nainis naman si Ace dahil hindi ito nagbigay nang galang sa kaniya kagaya ng pagbibigay ng galang nito kay Roha. Binaliwala ito ni Ace ngunit hindi niya ito papalagpasin. "Ito naman si Huanxi ang isa sa malakas naming tao ngunit dahil sa away noon ay nagkaroon siya ng maraming basag na buto na hindi na magawa pang ayusin ng mga magic healer," pagpapakilala pa ni Lucas. HIndi gaya ni Ace, si Huaxi ay mapagkumbaba. Kaagad itong yumuko at nagbigay ng galang kay Li Xie kaya naman nagbigay rin ng galang si Li Xie dahilan para mas lalo pang mainis si Ace. 'Kapag nagawa kong ibalik ang mana ko sisiguraduhin kong malalagot ka sa akin,' inis na sambit ni Ace sa kaniyang isipan. "Ace, kung mayroon ka mang hindi magandang iniisip sinasabi ko sa iyo ngayon pa lamang na alisin mo na iyan," pagbibigay ng babala ni Roha sa kaniyang mag-aaral. Gaya ng iba pang tao sa central market ay nararamdaman din naman ni Roha na kakaiba sa lahat si Li Xie. Hindi ito gaya ng ibang mayroong kakaibang ibebenta na masyadong malaki ang tingin sa sarili bagkus ang kaniyang tayo, galaw, at mga tingin ay nagbibigay ng takot sa mga taong nakakaktia nito. Ang kaniyang galaw at tayo ay makikitang galing siya sa iasng malaking pamilya at ang tingin nito ay magsasabing hindi siya pangkaraniwan. Kaagad na umupo sila nang matapos ang pagpapakilanlan. Dahil sa hindi binigay ni Li Xie ang kaniyang pangalan ay kaagad na nagtanong si Lucas. "Ano nga pala ang pangalan mo?" "Xieying," kaagad na sambit ni Li Xie. Wala siyang ibang maisip na pangalan kundi ang ipaghalo ang pangalan nilang dalawa ni Lin Xui Ying. Bukod kay Wang Wei ay wala nang nakakaalam pa sa kaniyang pangalan dahil kay Wang Wei pa lamang siya nagpapakilala. "Maari ba muna kayong tumawag ng isang doktor na maaring umagap kay Huanxi? Nakikita ko kasi na hindi pangkaraniwan ang kaniyang pinsala. Malubha ang pagkasira ng kaniyang mga buto kaya naman malala ang sakit na kaniyang mararamdaman habang inaayos ito ng potion," kaagad na pagbibigay ng babala ni Li Xie. "Heh~ mayroon palang hindi magandang epekto itong potion na ito e," kaagad na kontra ni Ace. Hindi naman nagsalita si Li Xie at hinayaan na lamang niya ito at saka kinausap si Roha. "Ang mga healer magic user, hindi ba nasabihan na kayo?" tanong ni Li Xie. Kaagad naman tumago si Roha at sinabihan si Lucas na magpatawag nga ng doktor. Gaya nga ng sinabi ng ilang healer magic user kung maisasa-ayos man ang mga buto ni Huanxi ay mahihirapan ito dahil sa sobrang laki ng kanilang mana na gagastusin at hindi lamang iyon, masyado ring masakit para kay Huanxi ang proseso. Kaagad naman na nainis si Ace kaya naman kinuha nito ang mana recovery potion at kaagad na inom na walang pasabi. Kaagad na sinigaw ni Roha ang pangalan ni Ace ngunit hindi ito narinig ni Ace dahil ramdam na ramdam niya ang pagbabalik ng mana sa katawan niya. "Sir Roha, kung ako sa 'yo ay sisimulan ko nang tulungan ang mag-aaral ko. Kung hindi mo makokontrol ang mana niya ay kakainin nito ang lahat sa katawan niya. Alam mo kung ano ang nangyayari sa taong hindi handa at tumatanggap lamang ng mana," kaagad na sambit ni Li Xie at walang makita na kahit na anong simpatiya si Roha sa boses nito. Hindi naman ito pinansin ni Roha dahil alam niya na hindi maganda ang tungo sa kaniya ni Ace na kaniyang mag-aaral. Kahit sino na ganoon ang gagawin ay hindi rin matutuwa kaya naman hindi na niya pinansin pa ang ugali ni Li Xie. Kaagad na tinulungan ni Roha si Ace na kontrolin ang mana sa katawan nito at kung hindi isang eksperto si Roha sa pagkontrol ng mga nagwawalang mana sa loob ng katawan ay siguradon na nawalan na ito ng mana at talagang mahihirapan sa nangyayari aky Ace. Dahil sa hindi handa ang katawan ni Ace at hindi nabigyan ng paunang proteksyon na mana sa loob ng magic core niya ay nagwala ang mga mana nito at hindi alam kung saan magsisipuntahan. Kitang kita ni Huanxi ang paghihirap ni Ace at sa loob loob niya ay masaya siyang nakikita niya itong naghihirap. Alam niya na maya maya rin ay maghihirap din siya ngunit at least alam ni Huanxi at handa siya sa maaring mangyari. Ilang minuto rin ang nakalipas ay pumasok ang isang doktor at nang makita nito na tinutulungan ni Roha si Ace ay alam na kaagad ng doktor na iyon na totoo ang gamot na binibigay ni Li Xie. Napabaling ang tingin ng doktor kay Li Xie at kaagad itong nagbigay ng galang kahit na hindi nito alam kung nakatingin ba si Li Xie sa kaniya o hindi dahil natatakpan ng pantakip sa ulo na nakakabit kapa niya ang ulo ni Li Xie. Isa. Dalawang oras ang nakalipas bago pa tuluyan na kumalma at maging solido ang mana ni Ace. Kaagad na napahiga si Ace sa hita ni Roha dahil sa pagod at tuluyan nang nakatulog. Samantala, si Roha naman ay pawis na pawis at hindi makapaniwalang nabalik na sa dati nitong kalagayan si Ace. Kaagad itong tumingin kay Li Xie at saka tumango. "Salamat," sambit ni Roha. Iwinagayway lamang ni Li Xie ang kaniyang kamay at saka niya tiningnan si Huanxi. "Handa ka na?" tanong ni Li Xie. Marahan naman na tumango si Huanxi kahit na kabado siya. Tumingin si Li Xie sa doktor. "Unang una, wala kang gagawin kahit na nasasaktan siya dahil mas lalo mapapalala ng kahit na anong hawak ng ibang tao sa katawan niya. Inaayos ang kaniyang mga buto kaya naman siguradong mahihirapan ito. Pangalawa, kapag tapos na at nawalan siya ng malay kailangan mo siya kaagad suriin. Pangatlo, kung mayroon mang impeksyon na nangyari noong hindi pa ayos ang buto niya ay lalabas kaagad kaya naman kailagan ay maalis mo kaagad ito gamit ang acupuncture," pagbibigay ng gagawin ni Li Xie sa doktor. "Iyan ang sinabi sa akin ng doktor na gumawa ng potion," dagdag niya upang hindi maghinala ang mag tao sa loob ng silid. "Okay lang ako sa iba ngunit ang acupuncture..." tumigil ang doktor. "Wala sa mga doktor ngayon ang may nakakaalam kung paano ito gamitin at kahit sa mga imperial doctor." Kumunot naman ang noo ni Li Xie at saka ito nagsalita, "Kung walang nakakaalam paano maiaalis ang impeksyon sa katawa niya?" Hindi naman kaagad na nagsalita ang doktor kaya napabuntong hininga na lamang si Li Xie. "Ako na lang ang bahala sa doktor," mahina nitong sabi. "Ngunit ang doktor na iyon ay hindi tumatanggap ng mga manonood kaya maiiwan kaming dalawa ni Huanxi sa isang saradong lugar," dagdag ni Li Xie. Wala naman nang nagawa pa sina Lucas, Roha, Ace, at ang doktor at tumango na lamang kay Li Xie. Nang inumin ni Huanxi ang healing pills ay kaagad naman na naging alerto sina Lucas, Roha, at ang doktor. Ilang segundo pa ay naramdaman naman na ni Huanxi ang p*******t ng mga parte ng katawan niya na may sirang buto. Kaagad na napapulupot si Huanxi sa sakit na kaniyang naramdaman. Ang mga pawis niya ay nagsimula nang magsilabasan sa kaniyang noo hanggang sa pati ang damit nito ay nabasa na sa pawis. Ininda ni Huanxi ang lahat ng sakit na kaniyang nararamdaman dahil sa pagsasaayos ng kaniyang mga buto at ramdam na ramdam niya ang panunumbalik ng mga pakiramdam niya sa mga parte na nabalian ng buto. Tatlong oras ang nakalipas ay napahilata na lamang si Huanxi sa sahig at hinihingal. Nakapikit ngunit mayroon pang malay. Kaagad na lumapit ang doktor at saka pinulsuhan si Huanxi. "Ang mga buto sa kaniyang tagiliran, paa, at likod na nasira at napulbura sa away noong isang taon ay maayos na!" bulalas ng doktor at hindi naman din makapaniwala si Lucas at Roha sa kanilang narinig. "So? Isasama ba sa auction mamayang gabi ang mga potion na dala ko?" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD