Ang balita tungkol sa healing potion at mana recovery potion ay parang apoy na mabilis kumalat sa buong central market. Marami ang nagtataka kung saan ito galing, marami rin namang sumubok kung kanino ito nanggaling, may iilan din naman na hindi naniniwala tungkol dito.
Para naman sa mga hindi naniniwala, ang auction house ay nagbigay ng pahayag na mayroon silang ebedensya na magpapatunay na ang dalawang potion ay talagang mabisa. Nasabi rin naman ng mga taga-auction house na nasubukan na nila ang dalawang sinabing potion at nakita mismo ng kanilang mga mata kung gaano kaepektibo ang dalawang potion na ito.
Dahil kilala nila ang central market auction house ay kaagad silang naniwala. Hindi nagbibigay ng hindi magandang i-o-auction ang central market auction house at isa itong potion na ito sa mga magagandang bagay na ipagbebenta nila.
Dahil sa isa itong mana potion ay kaagad naman na nakarating sa mga pharmacist ang tungkol dito kaya nagpadala sila ng tao na magrerepresenta para sa Pharmacist Association at ganoon din naman ang mga tao sa Alchemist Association dahil para maramdaman ng mga tao ang tensyon sa paligid.
"Kung magkakaroon lang ako ng pagkakataon na makabili ng isa e,"
"Kung nariyan ang Alchemist at Pharmacist Association ay huwag ka nang umasa dahil siguradong bibilhin nila ang lahat,"
"Huwag n'yo rin kalimutan ang ilang noble young master and young miss na narito ngayon dahil sa isa sa qi technique book,"
"Kung ganiyan ba naman ang makakalaban ay hindi na tayo magkakaroon pa ng tiyansa."
Luha na lamang ang maibibigay ng mga normal na negosyante para makabili ng kahit na isang bote sa mga potion na mabibili. Lalo pa at may iilan din namang mga magic user na nasa paligid at alam nila na may iilang magic user na isa na ito sa kanilang listahan. Ano nga ba ang mailalaban ng mga normal na negosyante ng central market sa mga taong may mga kakayahan at kapangyarihan?
Samantala ang dahilan ng sensasyon sa buong central market ay kasalukuyan na nakikipag-usap kina Cain at sa asawa nito para sa pagbabago ng kanilang negosyo. Naglagay ng paskil sa labas ng gusali si Cain at sinabing hindi muna sila tumatanggap ng mga taong manunuluyan at mga kakain o mag-iinuman.
Maraming dating paroykano ni Cain ang nagtataka kung bakit at nang makita naman ito ng kalaban ni Cain ay kaagad itong nagpainom ng libre sa kaniyang bagong tayong bar house. Matagal na niyang gustong mapatumba si Cain at sa pagkakataon na iyon ay pakiramdam niya ay siya na ang nanalo.
"Pati ang mga silid sa taas ay babaguhin mo?" takang tanong ni Cain.
Tumango naman si Li Xie bago magsalita, "Kung ako ang tatanungin ninyo hindi maganda ang mga silid ninyo. Ang higaan ay matigas, sobra ding simple at walang dekorasyon ang buong kwarto dahilan para mawalan ng gana ang mga manunuluyan kahit sabihin pa na pagod sila. Hindi rin maganda ang amoy sa loob ng silid kahit palagi pang napapalitan ang mga kobre at iba pang mag dapat palitan kaya nman ako nang bahala sa mga kakailanganin. Wala kayong dapat ipag-alala sa gastusin dahil ako na mismo ang bahala roon,"
"Pero paano naman kami makakabawi?" tanong ng asawa ni Cain.
"Hmm~" napaisip si Li Xie, tumingin siya sa kisame habang nag-iisip. "Okay na siguro ang kalahati sa kalahati ng kita ninyo? Ang kailangan ko ay isang lugar na magpoprotekta sa akin at kung malalaman nila na ang lugar na ito ay isa sa lugar na hawak ko ay sigruadong magdadalawang isip sila na kalabanin ako," mahinang sambit ni Li Xie, tumingin siya sa mga magulang ni Wang Wei. "Okay na naman iyon, hindi ba?"
Sandali naman na natigilan sina Cain at ang asawa nito at saka sila nagtinginan. Payag sila sa kalahati ng kita ngunit kung pagbabasehan nila ang kikitain kapag naging matagumpay ito ay siguradong hindi ito tama para kay Li Xie. Alam ni Li Xie na magrereklamo si Cain dahiil sa kalahati lamang sa kalahating kita ang kukunin niya kaya naman kaagad niiya itong inunahan.
"Huwag na kayong magreklamo pa.Wala akong pakialam kung may makuha man ako o wala basta ang gusto ko lang ay magkaroon ng lugar ang negosyo ko," sambit ni Li Xie.
Sa huli ay wala nang nagawa pa sina Cain at ang asawa nito at pumayag na kay Li Xie. Sinabihan din ni Li Xie na ipaskil sa labas na ipinamimigay ni Cain ang mag higaan, mesa, upuan at ilan pang mga gamit na nasa loob ng kanilang bar house. Dahil dito bukod sa mga potions ay nagkaroon din ng usap usapan.
Hindi naman maitago ang tuwa sa mukha ng kalaban ni Cain nang mabalitaan niya ito kaya naman sinabi niya na pagkatapos ng auction ang kaniyang bar house sa buong magdamag ang mga inumin ay libre at walang bayad. Marami ang natuwa ngunit may iilan din naman na hindi maatim dahil sa alam nila na kalaban ito ni Cain.
Marami ang nagtatanong kina Cain at may iilan din naman na nagpupunta sa loob ng gusali ni Cain upang magtang ngunit hindi niya ito sinagot ng maayos. Basta ang sinabi lamang ni Cain ay mag-iiba siya ng negosyo at kung bakit, ano, o kelan ay wala ng iba pang sinabi si Cain.
Nang sumapit ang gabi ay kaagad naman na naghahanda si Li Xie. Sinuot niya ang kaniyang kapa na binigay sa kaniya ni Lin Xui Ying at saka ito umalis sa gusali ni Cain ng walang nakakakita. Ginamit niya ang dilim sa paligid ng gusali at saka ito nagpunta sa likod na parte ng cental market auction house.
Nang hingi naman ng katibayan ang nagbabantay sa likod na bahagi ng central market auction house kaya naman hinanda na niya ito sa kaniyang kamay. Nakita niya na mayroong isang lalaki na may pagkahawig kay Lin Xui Ying at kung pagbabasehan naman ni Li Xie ang damit nito ay alam niya na isa itong hindi pangkaraniwang tao. Nang ilabas naman ng lalaking iyon ang kaniyang jade token ay kaagad na yumuko ang nagbabantay.
"Prince Jing..." nagbigay naman ito ng galang.
Kumunot ang noo ni Li Xie sa kaniyang narinig.
'Prince Jing? Hindi kaya siya ang tinutukoy ni Ying na Ika-siyam na Prinsipe at mapapangasawa ni Li Muen?'
Dahil sa tingin ni Li Xie ay napatingin sa kaniya ang tinawag na Prince Jing ng tagabantay at saka kumunot ang noo ni Prince Jing nang makita niya ang kapa na suot ni Li Xie. Hindi naman nagsalita si Li Xie at naglakad patungo sa tagapagbantay at saka nito binigay ang jade token na binigay sa kaniya ng auction house.
Kaagad naman na nanlaki ang mga mata ng tagapagbantay at saka nagtawag ng isang babae upang gabayan si Li Xie patungo sa kaniyang pribadong silid. Bago pa man na umalis si Li Xie ay yumuko siya bilang pagbibigay ng galang kay Lin Jing.
Tinitigan ni Lin Jing si Li Xie habang naglalakad ito papalayo sa kaniya.
'Hindi sinabi sa kain ni Xui Ying na makikita ko rito ang babaeng tumulong at bumihag sa puso niya,' sambit ni Lin Jing sa kaniyang isipan at saka naman siya nagsimulang maglakad nang dumating na ang lalaking maghahatid sa kaniya sa kaniyang silid. 'Hindi ko rin akalain na magkakaroon ang babaeng iyon ng kapangyarihan dito sa central market. Hindi lang iyon, ang mga galaw niya ay pamilyar para sa akin,' dagdag ni Lin Jing sa kaniyang isipan.
"Master? May napapansin ka po ba?" tanong sa akin ni Phantom nang makapasok kaming dalawa sa isang pribadong silid.
"Hmm?"
"Mayroon akong nararamdaman sa babaeng iyon na parang pamilyar at hindi lang iyon, pamilyar din sa akin ang ilang galaw niya."
Hindi naman na nagsalita pa si Lin Jing dahil maging siya ay nararamdaman ang pakiramdam na iyon. Hindi alam ni Lin Jing kung bakit ang galaw ang babaeng iyon na napupusuan ni Lin Xui Ying ay may galaw na kagaya ng sa babae na kaniyang napupusuan.
Nang makarating si Li Xie sa kaniyang pribadong silid ay siya lamang mag-isa. Wala siyang ibang nararamdaman at pinakiramdaman din niya kung mayroong ibang tao sa paligid ngunit wala. Kaagad na tumango si Li Xie dahil sa alam niya na mapagkakatiwalaang tunay ang auction house.
Nang magsimula ang auction ay wala siyang nakikitang interesadong bagay at wala rin naman na mapili si Li Xie kaya naman bago pa man dumating sa pinaka magandang parte ay pinindot ni Li Xie ang isang bagay at ang babae naman na nagdala sa kaniya sa pribadong silid ay kaagad na pumasok.