AUCTION [2]

1751 Words
"Ano po ang maipaglilingkod ko? May gusto ka po bang bilihin o ibenta?" tanong nito. Hindi naman nagsalita si Li Xie at saka niya inilabas ang isang prutas at kaagad na nanlaki ang mga mata ng babae. "Um, sandali lang po tatawagin ko lang po si Sir Lucas." Kaagad na lumabas ang babae at ilang sandali pa ay dumating na rin naman si Lucas kasama ang babae. Kaagad na sinara ng babae ang pintuan ng pribadong silid upang walang ibang makakita o makarinig ng usapan sa labas. "Huwag kayong mag-alala naglagay ako ng mahika sa buong silid upang hindi marinig mula sa labas ang pag-uusapan," kaagad na sambit ni Li Xie nang makita niya na hindi masyado komportable sina Lucas at ang babaeng naghatid sa kaniya sa silid. "Ito ay ang tinatawag na blue dragon fruit. Ito na ang huling mana fruit na mayroon ako at kailangan ko ng pera kaya naman gusto ko na ibenta ito sa maayos na presyo," kaagad na sambit ni Li Xie. Kaagad naman na tumango si Lucas. Isang hibang lamang ang taong hindi ito tanggapin. Ang Blue Dragon Fruit ay isa sa pinaka mahirap kunin sa pinaka gitna ng North Mountain dahil sa tagapagbantay na ahas. Kung hindi mo matatalo ang ahas na iyon sa iyong espesyal na katangian ay hinding hindi ka makakakuha ng mga bagay na mayroon sa North Forest. "Miss..." "Mayroon pa rin akong mga mga iilang halamang gamot dito." Kaagad naman na inilabas ni Li Xie mula as kaniyang manggas ang mga halamang gamot. Kung titingnan ng maiigi ay parang mayroong isang dimensional pouch si Li Xie kaya naman napalunok sina Lucas dahil hindi nila alam kung ano ang tunay na katauhan ng babang magic user sa kanilang harapan. "Makakaasa kang ibebenta namin ito sa tamang presyo," kaagad na sambit ni Lucas. Bago pa man makalabas ng silid ay kaagad naman na nagsalita si Li Xie, "Ah, sandali." Tumigil at lumingon naman si Lucas pati na rin ang babaeng naghatid sa kaniya sa pribadong silid. "Para ito sa inyong dalawa." Inilahad naman ni Li Xie ang kaniyang kamay at mayroon itong maliit na bote na mayroong likido na laman. "Isa lamang itong normal na panghilom ng sugat," dagdag nito. Kaagad naman na nagningning ang mga mata ni Lucas at ng babae. Kaagad na pinatago ni Lucas ang dalawang bote sa babae upang hindi ito mapaghianlaan na kinuha nila sa mga ibebenta. Ilang sandali pa ay nag-umpisa nang i-auction ang mahahalagang bagay. "Ito ang unang pagkakataon na mayroong mag-auction nito sa auction house!" bulalas ng tagapagsalita at may isang babae na may hawak na lalagyanan at nakatakip ito. Nang tanggalin ng lalaking tagapagsalita ang nakatakip na tela ay kaagad na nagsi-ingayan ang mga tao. "Ito ang potion na nakuha namin kaninang umaga. Mayroong tig-dalawang klase. Gaya ng gusto ng nagdala nito rito ay ibebenta ito ng pares. Isang healing potion at isang mana recovery potion!" "Maari ba namin munang makita ang epekto nito?!" sigaw ng isang negosyante. Hindi man bibili ngunit gusto nilang makita ang epekto nito at para sa mga noble na nag-aabang ay isa itong magandang pagkakataon sa kanila. "Kilala ninyo si Ace at Huanxi, hindi ba?" tanong ng tagapagsalita at kaagad naman na umingay ang lahat. Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa dalawang iyon. Magkaibang tao, magkaibang ugali, at magkaibang reputasyon. Si Ace ay nakilala bilang isang aroganteng magic user kung saan kaniyang naubos ang kaniyang mana sa pagligtas sa isang bayan dahilan kung bakit hindi pa rin humuhupa ang pangalan niya at kahit na hindi maganda ang kaniyang ugali ay patuloy pa rin siya na hinahangaan. Si Huanxi naman ay kilala bilang isang masunurin, malakas, at magalang na tao. Dahil sa away ng dalawang qi user na pilit niyang pinakalma ay kaagad na nagtamo siya ng pinsala. Isa man siyang qi user ngunit kung ikukumpara sa dalawang qi user na nag-aaway ay walang wala siya kaya naman nang magpakawala ang isang qi user ng kaniyang qi gamit ang kaniyang technique ay kaagad na dinurog nito ang kanang paa ni Huanxi, ilang tadyang, at kaliwang kamay. Dahil sa pangyayaring iyon, pinagbawal ng Imperial Family ang pag-aaway ng magic user at qi user sa buong central market. Lumabas si Ace at nagtungo sa entablado at saka niya ipinagmalaki sa lahat na nagbalik na ang kaniyang kakayahan na maging isang magic user. Sinabi rin niya na kailangan handa ang katawan at mayroong isang tao na marunong magkontrol ng mana upang hindi magwala ang mana at makasira pa lalo sa taong iinom nito. Nagpasalamat naman si Ace sa taong nagdala ng mana recovery potion sa central market at saka ito tumingin sa kung saan silid si Li Xie. Dahil doon ay nalaman ng mga tao na ang tao na nasa ika-lima ng pribadong silid ang siyang may dala ng potion sa central market. Napangisi naman si Li Xie dahil sa ginawa ni Ace at nakita niya ang ibig sabihin sa kaniyang mga sinabi. "Heh~ nagpapasalamat ka pero ilalaglag mo ako? Gusto mo atang mamatay na," sambit ni Li Xie at tumingin sa kanan nito. "Hindi ba?Prince Jing?" Alam ni Li Xie na nakikinig sa kabilang silid si Lin Jing ang kapatid ni Lin Xui Ying kaya naman sinabi niya ito. Nang marinig naman ito ni Lin Jing ay napangiti ito. "Hindi na ako nagtataka kung bakit nagustuhan ka ng kapatid ko," kaagad na sambit ni Lin Jing. "Hmm? You mean, Ying? Oh let him be," kaagad na sagot ni Li Xie. Mas lalo pa na lumawak ang ngisi ni Lin Jing dahil sa pagsasaita ng ingles ni Li Xie. Ngayon ay mas lalong lumalalim ang kaniyang pagdududa kung sino ang babaeng ito. Nang makita ng lahat na nakakatayo na si Huanxi nang maayos at nakakabuhat na nang mga mabibigat ay kaaagad naman itong nagbigay ng malakas na impresyon sa mga tao. "Ang bidding ay mag-uumpisa sa one hundred thousand gold at tataas ng one hundred thousand gold. Ang makakabili ay hindi na maaring mag bid muli." Itinaas ng tagapagsalita ang kaniyang kamay at saka niya ibinaba ng kaniyang kamay. "Let the bidding begin!" sigaw ng tagapagsalita. "Five hundred thousand gold!" "Six hundred thousand gold!" "Nine hundred thousand gold!" sigaw ng mga taga-Pharmacist Association. "One million gold!" sigaw naman ng taga-Alchemist Associatio. Ramdam na ramdam ng lahat ang tensyon sa pagitan ng Alchemist Association at Pharmacist Association. Alam ng lahat na sa central market ang dalawang ito ay hindi nagkakasundo kaya naman mas lalo pang tumaas ang kanilang usapan. "One million and five hundred thousand gold!" sigaw ng Alchemist Association. Binigyan ng malaking pera ng Alchemist Association ang kanilang estudyante na bibili ng potion. Dahil sa mas malaki ang kita ng mga nasa Alchemist Association at iilan lamang ang mga magic user kaya kaunti lang ang mga nasa Pharmacist Association. Dahil doon ay kaagad naman na itinigil ng Pharmacist Association ang pag bid. Nakuha ng mga taga-Alchemist Association ang unang pares ng potion kahit na alam nila na wala itong kinalaman sa qi. Nakita ni Li Xie na hindi matanggap ng mga taga-Pharmacist ang nangyari ngunit wala silang magawa. Pinindot ni Li Xie ang isang bagay at muli namang pumasok ang babaeng naghatid sa kaniya sa silid. "Maari mo ba akong bigyan ng impormasyon tungkol sa Alchemis at Pharmacist Association?" tanong ni Li Xie. Kaagad naman na sinabi ng babae ang mga Alchemist Association ay matagal nang pinapahirapan ang mga taga-Pharmacist Association. Kakaunti lamang ang mga magic user kaya naman kakaunti lang ang nabili sakanila ng mga potion. Isa pa, dahil sa pagkawala ng mga malalakas na magic user ay nawala rin ang mga malalakas na potion. Dahil dito ay kahit na hindi sakop ng Alchemist Association ang mga potion ng Pharmacist Association ay pinipilit nila na malaman ang tungkol doon. Ngunit walang ni isa sa Pharmacist ang gustong ibenta ang kanilang dignidad at gumawa ng potion para sa Alchemist Association ibenta. Napayukom naman si Li Xie dahil sa sinabi ng babae kaya naman inutusan niya itong sabihan ang taga-Pharmacist Association na magpunta sa kaniyang silid. "Narinig mo ba iyon, Prince Jing?" walang emosyon na sambit ni Li Xie nang makalabas ang babae. "Narinig ko," wala ring emosyon na sagot ni Lin Jing. "Kung narito ang iyon mapapangasawa sigurado akong sira na ang mga taga-Alchemist Association sa paningin niya." Nakangisi na sambit ni Li Xie. Sinadya ni Li Xie na sabihin ang tungkol kay Li Muen at pinahiwatig kay Lin Jing na kilala niya si Li Muen. Alam naman ni Li Xie na naghihinala si Lin Jing sa relasyon niya kay Li Muen kaya naman sinabi na kaagad ito ni Li Xie. Kaagad din naman nakuha ni Lin Jing ang gusto na iparating ni Li Xie. "Gusto mo ba na bigyan ko ng babala ang mga taga-Alchemist Assocation?" Nagkibit naman ng balikat si Li Xie kahit alam niya na hindi ito nakikita ni Lin Jing. "Ikaw ang bahala, Prince Jing. Ang akin lang naman may kanya kanya tayong trabaho at huwag nang mang-agaw ng trabaho," sambit naman ni Li Xie. Magsasalita pa sana si Lin Jing nang bigla na lamang lumitaw sa harapan nila- sa entablado ang isang prutas na hindi madaling kuhanin. "Siguro naman ang lahat ay pamilyar sa Blue Dragon Fruit o mas kilala bilang mana fruit, hindi ba?" masayang sambit ng lalaking tagapagsalita. "Ang prutas na ito ay galing sa taong nagbenta ng potion at isa lamang ang ibig sabihin nito, natalo niya ang tagapagbantay. Kaya naman simulan na ang bidding! Ang bidding ay mag-uumpisa sa one million gold at five million gold ang dagdag sa bawat bid! Umpisahan na!" "Two million!" kaagad na sabit ni Lin Jing. "Two million and five hundred thousand gold!" Nagpatuloy pa ang bidding ngunit hindi na nagsalita pa si Lin Jing. Mahina naman na natawa si Li Xie. "Salamat sa pagtataas ng presyo," mahina nitong sambit. "Pero Prince Jing dahil sa ginawa mo eto lamang ang maibibigay ko," dagdag pa niya. Kaagad naman na pinatagos ni Li Xie ang dalawang Red Dragon Fruit at isang Blue Dragon Fruit sa dingding sa pagitan nila. Kaagad itong lumapag sa mesa na katabi ni Lin Jing. Nanlaki naman ang mga mata ng kasama ni Lin JIng sa silid. "Pakibigay na lamang ng Blue Dragon Fruit kay Ying, salamat." Nakangiti na sambit ni Li Xie. "Oh, ang red dragon fruit na isa ay ibigay mo kay Muen kapag nasa tamang lebel na siya," dagdag nito. Dahil sa sinabi ni Li Xie ay doon na nakakasigurado si Lin Jing na kilala nga ni Li Xie si Li Muen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD