Bago pa man matapos ang auction ay kaagad naman na may kumatok sa pinto ng pribadong silid na inuukupa ni Li Xie. Nang bumukas ito ay nakita niya ang nag-iisang lalaki na nagpapatibok ngayon sa puso ng kaniyang pinsan.
"Magandang gabi, Prince Jing." Yumuko at nagbigay ng galang si Li Xie.
Kaagad naman na kinampay ni Lin Jing ang kaniyang kamay upang patayuin kaagad ng maayos si Li Xie dahil alam niya na nang-aasar lamang ito.
"Hindi mo na kailangan pang magbigay ng galang sa akin dahil ikaw magiging sister-in-law ko na rin naman ikaw," kaagad na sambit ni Lin Jing.
Mahina naman na tumawa si Li Xie. "Iyan ba ang pagkakasabi ni Ying sa iyo?"
"Bakit may ibang tao ka pa bang papakasalan maliban sa kapatid ko?"
"Mukha ba akong putateng na kulang sa atensyon ng lalaki?" kaagad naman na sagot ni Li Xie.
Ikinagulat naman ni Lin Jing ang pagpili ng salita ni Li Xie at hindi niya akalain na ganitong babae pala ang magugustuhan ng kaniyang kapatid.
Tumikhim naman si Lin Jing. "Hindi iyan ang ibig kong sabihin," sambit nito.
Kaagad naman na nagkibit balikat si Li Xie. "Maupo ka, Prince Jing," kaagad na sambit ni Li Xie. "May dahilan ba para mapadpad ka rito?" tanong ni Li Xie at ibinalik ang atenyon sa entablado.
"Hindi ko akalain na bukod sa amin ng kapatid kong babae ay may iba pang makakalabas pasok sa North Forest," kaagad na sambit ni Lin Jing.
Hindi naman nagsalita si Li Xie at bumuntong hininga ito. "Sandali lang ah, medyo mainit e." Itinaas ni Li Xie ang kaniyang kamay at inalis ang hood na nasa ulo nito. "Pasensya na mukhang walang galang ang dating ko," dagdag nito.
Ngayong kita na ni Lin Jing ang mukha ni Li Xie ay masasabi na niya na hindi nagtataka ito kung bakit nabihag ni Li Xie ang puso ni Lin Xui Ying. Ganoon pa man, hindi si Lin Xui Ying ang tipo ng lalaki na basta basta na lamang na hahanap ng babae dahil pihikan ito at mataas ang kalidad na babae ang gustong mapangasawa.
Kung titingnan ng mabilis ay hindi kaagad makikita ang ganda ng mukha ni Li Xie at tanging maamong mata lamang nito ang makikita mo ngunit kung titigan ay makikita mo ang karismang tinatago nito. Hindi lamang iyon, may kung ano sa paligid ni Li Xie na magbibigay ng takot sa 'yo.
"Hindi ko rin naman alam kung bakit din ako nakakapaglabas pasok sa gubat," sagot ni Li Xie at gaya ng sinabi sa kaniya ni Lin Xui Ying ay wala siyang ibang pagsasabihan tungko sa pakikipag-usap niya kay Dale na siyang tagapagbantay ng gubat.
Hindi naman na ito pinansin pa ni Lin Jing dahil alam niya na kahit na anong gawin niya ay hindi ito magsasalita kaya naman binago na lamang niya ang kaniyang tanong.
"Bakit pakiramdam ko magkaparehas kayo ng awra ni Mu'er?"
"Mu'er?"
Kumunot naman ang noo ni Lin Jing at doon niya napagtanto na ang palayaw ni Li Muen ang nasabi nito.
"Li Muen."
"Hmm~ Mu'er pala palayaw niya," sambit ni Li Xie at saka siya ngumiti. "Sabihin na lamang natin na parehas kaming nalampasan ang kamatayan. Kung sasabihin niya sa iyo kung paano at kung bakit ay nasa sakaniya iyon,"
"Alam ko na iyon. Alam ko na mayroo siyang memorya sa dati nitong buhay. Ganoon ka rin ba?"
Hindi naman nagsalita si Li Xie at ngumiti lamang ito. Sa ngiti pa lamang ni Li Xie ay alam na ni Lin Jing na parehas nga silang dalawa.
'So pinagkakatiwalaan ka ni Muen. Okay na rin at least alam ko na mayroon siyang nakakasama,' sambit ni Li Xie sa kaniyang isipan.
"Prince Jing mayroon lamang akong pabor na sa 'yo," malumanay na sambit ni Li Xie, napansin naman ni Lin Jing ang paulit ulit na pag-tap ni Li Xie ng kaniyang kanang hintuturo sa mesa. "Kung maaari sana ay lagi kang nariyan kay Muen. Mukha lang malakas ang babaeng iyon ngunit mas mahina pa iyon sa inaakala mo. Mabilis siyang magselos kaya kung maari ay huwag kang makipaglapit sa kahit na sinong babae at madali ring magalit si Muen pero mahirap suyuiin. Nakikiusap ako sa 'yo, please treat her right."
Kaagad na yumuko si Li Xie kay Lin Jing na kinagulat naman ni Lin Jing. Ang pagkakasabi ni Li Xie noon ay akala mo magkakilalang magkakilala silang dalawa at wari mo ay kilalang kilala nila ang isa't isa. Hindi lang iyon, sa tono ng boses ni Li Xie makikita mo na talagang nag-aalala siya kay Li Muen at talagang tunay ang kaniyang pagmamahal kay Li Muen.
Napangiti naman si Lin Jing. "Sinasabi ko sa 'yo hindi mo na kailangan pang yumuko sa akin. isa pa, sabihin mo man sa akin ang mga iyan o hiindi ay gagawin ko pa rin iyan."
Umayos na lamang ng upo si Li Xie at nang makita niya na may nanalo na sa bidding sa blue dragon fruit ay kaagad naman na tumayo sina Lin Jing at ang kasama nito.
"Pangalan mo? Hindi mo naman gustong ibigay ko lamang kay Xui Ying ang pinapabigay mo, hindi ba?"
Ngumiti si Li Xie at saka sinabing, "Xie. Maari mo akong tawaging Xie."
Nagpasalamat na muna si Lin Jing at saka ito umalis sa silid ni Li Xie. Nang makaalis naman ang prinsipe sa kaniyang pribadong silid ay kaagd na naramdaman ni Li Xie na mayroong apat na tao na papalapit sa kaniyang silid. Ang isa rito ay kilala niya at ang tatlo ay hindi.
Ibinalik ni Li Xie ang pagkakatago ng kaniyang ulo at saka naman niya narinig ang pagkatok ni Lucas mula sa labas ng pinto.
"Pasok," mahina na sambit ni Li Xie.
Binukasan ni Lucas ang pinto at nakita naman kaagad ng tatlong hindi pamilyar kay Li Xie ang likod nito.
"Hmm? Hindi ba ang mga taga-Pharmacist Association lamang ang pinapapunta ko?" walang emosyon na sambit ni Li Xie.
"Miss... sinabi ko naman po na ang mga taga-Pharmacist Association lamang ngunti nagpumilit po siya...." kinakabahan na paliwanag ni Lucas na kulang na lamang ay murahin niya at batuhi ng iba't ibang masasakit na salita ang taga Alchemist Association na sumama.
"Magandang gabi, Miss. Ako nga pala si Rud ang nagrerepresenta sa Alchemist Association. Gusto ko lamang pong sabihin na kung interesado kay ay maari ka naming bayaran ng malaki upang gumawa ng potion at bibigyan ka namin ng kalahati sa kikitain," walang hiyang sambit ni Rud.
"Rud..." pag-uulit ni Li Xie eat saka naman nagkaroon ng kakaibang pakiramdam si Rud na akala niya ay mayroong patalim na nakatutok sa kaniyang leeg. "Hindi ko alam kung bakit ninyo inaagaw ang trabaho ng mga Pharmacist pero wala akong pakialam doon. Pero iniinsulto mo ba ang pagiging Pharmacist ng taong gumawa ng potion na iyon?"
Kaagad naman na kumunot ang noo ni Rud. "Hindi ikaw ang gumawa ng potion?"
"Mukha bang ako? May sinabi ba ako na ako ang gumawa noon? Bago mo kasi italak iyang bibig mo alamin mo muna. Kung gusto mo na makalaban ang gumawa ng potion na iyon sinasabi ko na sa 'yo ngayon pa lang na maghanda ka na." Tumayo si Li Xie at saka naman naramdaman ni Rud na may kakaiba talaga sa leeg niya. "Mag-iingat ka dahil minsan ang dila ang nakakapatay sa tao," dagdag pa niya.
Napalatak na lamang si Rud ng dila niya nang malaman niya na hindi si ang taong nasa loob ng pribadong silid ang may gawa ng potion ngunit kinain na lamang niya ang galit dahil ayaw rin naman niya na makalaban ang taong gumawa ng potion dahil lang sa magic user na inutusan nito. Dahil dito ay kaagad siya na nagtungo sa Alchemist Association para mag-ulat sa nangyari at upang ibigay na rin ang potions na nabili niya.
Nang makaalis naman si Rud ay kaagad na napabutong hininga ang dalawang Pharmacist na nasa silid. Tiningnan ito ni Li Xie at mukhang wala itong lakas ng loob upang kalabanin si Rud.
"Isa kayong Pharmacist bakit takot na takot kayo sa mga Alchemist? Dahil ba sa mas marami ang qi user kaysa sa magic user?" walang emosyon naman na pagtatanong ni Li Xie.
Nang makita ni Li Xie na hindi magawang magsalita ng dalawa ay napabuntong hininga na lamang siya at kamadong at impormal na umupo sa harapan nila.
"Maupo kayo dahil may pag-uusapan tayo," utos ni Li Xie at kaagad naman na sumunod ang dalawa. Iniwan naman sila ni Lucas upang makapag-usap ng maayos. "Pangalan?"
"Maxine at Max," kaagad na sambit ng lalaki.
Pinag-aralan sila ni Li Xie at sa pangalan pa lamang ay alam na kaagad ni Li Xie na kambal silang dalawa. Tumango si Li Xie at saka naman na ito nagpatuloy.
"Eto," sambit ni Li Xie at saka niya inilagay ang tig-limang bote ng healing potions at mana recovery potions. "Pag-aralan ninyo ng mabuti ang mga iyan. Eto rin ang listahan ng mga sangkap at proseso."
Nanlalaki naman ang mga mata nina Maxine at Max.
"Miss..."
Hindi na pinatuloy pa ni Li Xie na magsalita si Maxine. "Hindi ko kailangan ng kahit na ano. Wala akong hihingiin sa inyo maliban sa isang bagay," sambit ni Li Xie, tiningnan niya sa mata ang dalawang tao na nasa harapan niya. "Gusto kong ipaalam ninyo sa lahat na ang dalawang potion na iyon ay gawa ni Doctor Lx,"
"Doctor Lx?" takang pag-uulit naman ni Max.
Tumango si Li Xie. "Ilang araw na lamang ay makakarating na si Lx dito at kung mayroon man kayong karamdaman na hindi ninyo magamot dahil sa hindi niyo kaya ang bayad ng healer magic user, siya na ang bahala."
Napanganga naman ang dalawang Pharmacist at hindi makapaniwala. Kaagad naman silang nagpatuloy sa pag-uusap at ilang oras pa ay hindi na nakayanan pa ni Max na magtanong.
"Um, miss..."
"Bakit, Max?"
"Paano po ang mga sangkap? Hindi po ba sa gitna ng North Forest lahat ito matatagpuan? Miss, hindi namin kaya na magpunta roon..." mahina na sambit ni Max, tumango naman si Maxine bilang pagsang-ayon.
Ngumiti si Li Xie. "Hindi na ninyo iyan kailangan alalahanin pa," sambit nito at saka ito tumayo. "Alam ba ninyo ang lugar ni Wang Cain?" Tumango naman si Maxine at Maxi bilang sagot kay Li Xie. "Limang araw mula ngayon ay magpunta kayo roon. Ibibigay ni Cain sa inyo ang kailangan. Sa isang kundisyon," mariin na sambit ni Li Xie.
"Ano po iyon?" tanong naman ni Maxine.
"Wala kayong pagsasabihan na ang mga sangkap ay galing sa lugar na iyon. Gusto ko na ang sabihin ninyong mga nasa Pharmacist Association na ang sangkap ay galing kay Doctor Lx."
"Galing po ba talaga sa kaniya ang sangkap?" tanong naman ni Max at siniko siya ni Maxine.
"Yeah," mahina namang sagot ni Li Xie at naglakad patungo sa pinto. "Mauuna na ako dahil pakiramdam ko pagnagtagal pa ako rito ay hindi na ako makakaalis pa."
Ilang sandali pa ay naglaho na si Li Xie sa harapan nila ng parang bula. Para itong isang anino na biglang nawala sa kadiliman. Hindi rin naman nagtagal ay maraming mga tao na nagsipasukan sa pribadong silid ni Li Xie. Nang makita nila sina Maxine at Max ay kaagad nilang tinanong ito kung nasaan ang taong nasa loob ng silid.
Mabuti na lamang ay kaagad na naitago ni Maxine ang ibinigay sa kanila ni Li Xie kaya naman nagsabi sila na kakaalis lamang ni Li Xie. Kaagad naman na nainis ang mga ito dahil hindi sila makapaniwala na natakasan sila ni Li Xie.
Samantala, napabuntong hininga naman si Li Xie nang makarating siya sa opisina ni Lucas.
"Lucas, patago muna ako rito."
Halos mapatalon naman si Lucas sa gulat nang makita niya si Li Xie na bigla na lamang sumulpot mula sa madilim na parte ng kaniyang opisina.
'Hindi talaga maganda maging kaaway ang babaeng ito. Kung magiging kaaway man ito ng iba siguradong mawawalan sila ng hininga nang hindi nila malalaman!'