PREPERATION

1697 Words
Kinabukasan ay hindi pa rin humuhupa ang usap usapan patungkol sa dalawang potion at sa mana fruit na bigla na lamang lumabas sa central market auction house. Lahat ay nagtataka kung kanino galing ang potions pati na rin ang mana fruit at lahat ay gustong malaman kung sino ito. Wala naman silang magawa dahil kahit na ang auction house ay hindi rin naman alam kung sino ang babaeng nagpunta sa kanila upang magbenta nito. Ang alam lang naman nila ay pinag-utusan lang ito ng doktor na nagngangalang Lx at kahit naman alam ng auction house ang pangalan ng taong nagdala nito o ang mukha ay wala pa rin naman silang karapatan na ipag-alam ito. Hindi rin naman nila ugali na magsalita tugkol sa mga taong nagbebenta ng kanilang mga gamit sa aution house kaya naman malaki ang tiwala sa kanila ng mga tao na gustong manatiling hindi kilala. Samantala, si Li Xie naman ay naghanda na kasama ang magulang ni Wang Wei sa pagbabago ng buong lugar. Nang lumabas si Li Xie ay kaagad niyang hinarangan ng napakataas na lupa ang buong lugar ni Cain na ikinagulat ng lahat. Ang akala ng lahat ay nagalit si Li Xie kina Wang Cain dahil sa ginawa nito ngunit ilang sandali pa ay nagpaskil sina Wang Cain na magbabalik sila sa panibagong negosyo. Ginamit ni Li Xie ang kaniyang mahika upang makatulong sa mga bagay bagay na kailangan. Ang una nilang ginawa ay ang nasa ikalawang palapag. Kumuha ng tatlong katulong si Wang Cain upang mapabilis ang trabaho dahil hindi naman niya maaring ipagpasabahala ang lahat kay Li Xie edahil alam niya na masyado nang malaki ang utang na loob niya para rito. Binaba nina Wang Cain at ng tatlo pang lalaki ang mga higaan sa ikalawang palapag at ganoon din naman si Li Xie ngunit sa tulong ng kaniyang mahika. Pinapalutang niya ang mga higaan na kinagulat naman nina Wang Cain. Ito ang unang pagkakataon na nakakita sila ng mahika na ginagamit sa pagsasagawa ng mga bagay bagay sa loob ng isang gusali. Samantala si Wang Wei at ang kaniyang ina naman ay tumutulong sa paglilinis ng isang silid na natanggalan na ng mga kagamitan. Ang mga kagamitan ay pinamigay nina Wang Cain sa mga nangangaingan at may iilan namang mga negosyante na nanghingi ng ilang piraso para pandagdag sa kanilang mga gamit sa loob ng kanilang gusali. Hindi naman ito hinindian ni Wang Cain dahil alam niya na wala na siyang paggagamitan pa rito. Nang masi-ayos na ang lahat sa ikalawang palapag ay kaagad naman na naggsimula na si Li Xie. Ginamit niya ang kaniyang mahika na gumawa ng tubig upang makapaglinis at maialis ang mga dumi sa bawat sulok ng mga silid. Mayroong labing limang silid sa ikalawang palapag dahil ang kalahati ng gusali ay nakakabit sa bahay nina Wang Cain. Nang makita nina Wang Cain ang kakayahan ni Li Xie ay hindi sila makapaniwala. Isang water magic user si Li Xie at hindi lamang iyon, nagagamit niya ang kaniyang kakayahan sa loob ng isang lugar. Ang alam ng lahat na ang mga mahika ay mahirap kontrolin kaya naman pinagbabawalan ang mga magic user na hindi pa marungong kumuntrol ng mga mahika na gamitin ang kanilang kakayahan sa loob ng isang gusali. Pinanood nila si Li Xie na linisin isa isa ang bawat silid at nang pumasok sila ay wala na ang hindi magandang amoy sa silid at kulang na lamang ay kumintab na ang buong silid sa paglinis ni Li Xie. "Master Cain, saan mo nakita ang ganitong klaseng magic user?" bulong na sabi ng lalaki na isa sa mga kinuha ni Wang Cain upang tumulong. "Master Cain, ito ba ang trabaho niya?" tanong naman ng isa pa. "Mga baliw ba kayo? Sa tingin ninyo ganito talaga ang trabaho niya? Ginagawa lamang niya ito para kina Master Cain," panenermon naman ng isa pa. Wala naman na nagawa pa si Wang Cain at bumuntong hininga na lamang. Kaagad niya na sinabihan ang tatlo na maging alerto sa utos na ibibigay ni Li Xie at hindi nga nagkamali si Wang Wei na ilang sandali pa ay nagsalita na si Li Xie. "Gusto kong itikom ninyo ang bibig ninyo sa gagawin ko, naiintindihan ba ninyo?" walang emosyon na sambit ni Li Xie ngunit ang mga ito ay para lamang sa tatlong lalaki. Kaagad naman na nakaramdam ng kaba ang tatlong lalaki na kinuha ni Wang Cain upang tumulong sa kanila. Sunod sunod naman na nagsitanguan ang lahat kahit sina Wang Cain. Hindi niya kaya kapag nakaaway nila si Li Xie dahil mukha man itong mahina ay hindi pa rin naman nila alam ang totoong kakayahan na mayroon si Li Xie kaya mas maganda kung gagawin nila itong kaibigan kaysa kaaway. Nang itaas ni Li Xie hindi lang isa, kundi sampung mga higaan ang nagsilabasan sa harapan nila. Sampu ring mga malalambot na matres, sampung mga kumot, pangsapin, bente na unan, at punda. Isang minuto lamang ang kailangan upang magkaroon muli ng ganoong klaseng bagay sa kaniyang system kaya naman hindi niya kailangan na maghintay nang matagal. Halos malaglag naman ang mga panga nina Wang Wei dahil sa gulat. sa puntong iyon alam na nila Wang Wei na hindi talaga pangkaraniwang tao si Li Xie kung mayroon itong dimensional pouch. Ang dimensional pouch ay hindi basta bastang nakukuha at tanging mga royalties lamang ang mayroon nito. Nagtulungan naman sina Wang Cain at ang tatlong lalaki na magsibuhat ng mga higaan. Mabibigat ang mga ito ngunit magaganda ang desenyo at natutuwa si Li Xie na bago siya mamatay ay nakabili siya ng mga kagamitan sa kaniyang silid at hindi niya akalain na sa ganitong paraan niya magagamit ito. "Float," sambit ni Li Xie at nagsilutangan naman ang mga malalambot na matres. Si Wang Wei naman at ang kaniyang ina ay kumuha ng mga unan, punda, kumot, at mga pansanig upang makatulong. Bawat silid na madaraanan ni Li Xie ay nilalagayan niya ng matres kahit na sa mga parte na wala pang mga higaan. Matapos naman ilagay ni Li Xie ang mga matres ay tinulungan niya sina Wang Wei at ang ina nito kung paano ilalagay ang matres, punda, unan, mga pangbanig na makakapal. "Xie? Hindi ba mainit ito kapag tag-init?" tanong ni Wang Wei kay Li Xie. "Huwag kang mag-alala dahil may ilalagay ako rito." Hindi man maintindihan ni Wang Wei ang ibig sabihin ni Li Xie ay hinayaan na lamang niya ito. Ilang sandali pa ay nagkaroon na naman ng magic circle sa paanan ni Li Xie at ang buong silid ay naging malamig ng kaunti. "Ganito ang gagawin ko bawat silid," sambit ni Li Xie at napatingin naman si Wang Wei kay Li Xie. "Ang temperatura sa buong silid ay magbabago base sa temperatura sa labas," dagdag pa nito. Napanganga naman si Wang Wei dahil hindi niya akalain na may ganitong klaseng mahika. Alam niya na malakas ang mga mahika at talagang nagagamit sa pakikipaglaban ngunit hindi niya akalin na magagamit din naman sa loob ng bahay o gusali ang mga ito. Isa isang silid ang unti unting naayos. Binigyan naman ni Li Xie ng trabaho si Wang Wei at ang ina nito na magkabit ng wallpaper. Simple lamang iyon ngunit elegante kung tingnan at talagang bumagay sa puting higaan. Buong maghapon ay iyon ang kanilang ginawa at dahil sa pagod ay kaagad na nakatulog sina Wang Wei. Samantala, si Li Xie naman ay nagpunta sa pinakatuktok ng bahay at naglagay ng solar panel upang mabigyan ng kuryente ang mga kagamitan na lalagay niya para sa coffee shop. KINABUKASAN. Dahil sa naging trabaho nina Li Xie at Li Muen na pagiging isang electrician ay mayroon silang mga gamit gaya ng solar panel. Kinailangan nila ito upang mapatay ang isang engineer na nasa misyon nila. Dahil doon ay naging eksperto si Li Xie at Li Muen pagdating sa mga elektrikong bagay. Naging maayos ng paglagay niya ng mga wires at mga kailangan sa pagtayo nila ng coffee shop. Hindi naman din na nagtanong pa ang mga kasama niya sa loob ng gusali at may kani-kaniyang ginagawa. Nilabas na rin naman ni Li Xie ang sofa na dapat na ilalagay niya sa kaniyang silid noon. Dalawang sofa na maliit at pang-isahan at isang mahabang sofa. Mayroon din namang babasagin na coffee table kung saan iyon ang gagamitin nila. Hapon na nang matapos ang kanilang pag-aayos at hindi makapaniwala ang pamilya ni Wang Wei pati na rin ang tatlong lalaki na kinuha ni Wang Cain para tumulong sa kanila. Ang lugar na simple ay naging isang elegante sa isang araw. Ang malaking ilaw na tinawag ni Li Xie na chandelier ay nagbibigay ng mas eleganteng pakiramdam sa buong lugar. Ang mga kagamitan gaya ng upuan at mesa ay nagbibigay naman ng kakaibang kakalmahan. Ang amoy ng mga coffee bean na inilagay ni Li Xie sa kusina na naka-konekta sa counter ay amoy na amoy sa paligid. "Bukas ko kayo tuturuan na gumamit ng mga kagamitan na ito," sambit ni Li Xie at saka naman niya hinawakan ang isa sa mga kagamitan sa paggawa ng kape. Dahil sa pagkagalak ay hindi naman kaagad makatulog si Wang Wei kaya naman nagpunta ito sa ikaunang palapag at naupo sa isang malambot na sofa. Nakaramdam din naman ng pagkauhaw si Li Xie at bumaba ito at doon ay nakita niya si Wang Wei. "Hmm? Hindi ka makatulog?" tanong ni Li Xie. Halos mapatalon naman si Wang Wei sa gulat. "Uh-huh." Tumatangong sambit ni Wang Wei at tumingin sa paligid. "Hindi ako makapaniwala na may ganitong klaseng lugar..." mahina na sambit ni Li Xie. "Gusto mo ba turuan na kita kung paano gumawa ng kape?" Nakangiting tanong ni Li Xie. Dahil sa hindi rin naman na makatulog si Wang Wei ay pumayag ito at buong magdamag na tinuruan ni Li Xie si Wang Wei na gumawa ng kape. Nagulat din naman si Li Xie nang makita niya namayroong kakayahan si Wang Wei na matutunan kaagad ang mga tinuro niya. Maging ang mga desenyo sa paggawa ng caffe latte ay kaagad din nama niyang natutunan. 'Ngayon lang ako nakakilala ng tao na mabilis matuto sa paggawa ng desenyo sa coffee latte,' sambit ni Li Xie sa kaniyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD