Nang makarating sa Imperial Capital si Lin Jing ay kaagad itong nagtungo sa palasyo ni Lin Xui Ying kung saan nakita niyang abala ang kaniyang kapatid sa pagbabasa ng mga dokumento. Dahil sa tagal niyang nawala ay natambak din ang kaniyang mga trabaho kaya naman hindi alam ni Lin Xui Ying ang kaniyang uunahin.
"Brother Xui Ying," kaagad na tawag ni Lin Jing nang makaupo siya sa upuan hindi malayo sa kinauupuan ni Lin Xui Ying.
Hindi naman kaagad siya pinansin ni Lin Xui Ying na abala pa rin sa pagbabasa at pagpirma ng mga dokumento.
"Kapag ba sinabi ko na nakita ko at nakilala ko na si Li Xie papansinin mo na ba ako?" Kaagad naman binaba ni Lin Xui Ying ang papel na hawak niya at umingin sa kaniyang ika-siyam na kapatid na lalaki. "Iba talaga tama sa 'yo ng babaeng iyon, ano?" pang-aasar pa ni Lin Jing.
Tumikhim naman si Lin Xui Ying upang mawala ang kaniyang atensyon sa pang-aasar ni Lin Jing at saka niya tinanong ito, "Nakita at nakilala mo?"
"Uh-huh." Tumatango na sagot ni Lin Jing at panandaliang ngumiti. "Nakilala ko kaagad na siya ang babaeng tinutukoy mo sa iyong kwento dahil nakita ko na suot suot niya ang kapa na binigay ni Mother Empress sa iyo," sambit naman ni Lin Jing at saka nangalumbaba. "Hindi rin naman siya nakaligtas sa paningin ko dahil may pagkakaparehas sila ni Mu'er. Nakita mo na si Mu'er hindi ba? Alam ko na parehas lang tayo ng naramdaman," kaagad naman na sambit ni Lin Jing.
Tumango naman si Lin Xui Ying. Gaya ng sinabi ni Lin Jing nang makita at makilala ni Lin Xui Ying si Li Muen ay ang akala niya maypagkakaparehas lamang silang dalawa ni Li Xie. Ngunit nang maramdaman niya ang kakaibang awra sa paligid ni Li Muen na may pagkakaparehas din sa awra ni Li Xie ay masasabing magkakilala silang dalawa.
"Mas seryoso nga lang si Li Xie kung ikukumpara ko siya kay Mu'er," sambit ni Lin Jing at tumingin naman sa kaniya si Lin Xui Ying. "Magkakilala silang dalawa at alam ko na parehas sila ng pangyayari sa buhay. Hindi pa man sinasabi sa akin ni Mu'er ang lahat ngunit alam ko na sinabi na sa iyo ni Li Xie ang ilan. Kinumpirma na rin sa akin ni Li Xie na magkakilala nga sila ni Mu'er," paliwanag naman ni Lin Jing.
"Um." Tumango si Lin Xui Ying. "Magkakilala nga sila. Sa pagkakaalam ko pa ay nagkakaroon sila ng sulat sa isa't isa," sambit ni Lin Xui Ying at tumingin muli sa mga dukumento. "Kung paano ay nakay sister-in-law na ang desisyon kung sasabihin niya sa iyo o hindi," dagdag pa ni Lin Xui Ying.
Sumimangot naman si Lin Jing. "Hindi ko talaga alam kung bakit pakiramdam ko ay pinapahirapan ninyo akong magkasintahan," sambit nito at saka bumuntong hininga, tumayo si Lin Jing at saka sinabing, "Mauna na ako at kailangan ko pang magtungo sa Xidi Kingdom para sa tournament na gaganapin."
Kumunot naman ang noo ni Lin Xui Ying. "Napapayag mo na si Father Emperor at Mother Empress sa kagustuhan mo?"
Ngumisi naman si Lin Jing saka sumagot, "Papatalo ba ako sa bastardong iyon?"
Mahina naman na tumawa si Lin Xui Ying. "Ang tanong, magpapatalo ka ba? Isa pa, hindi naman niya maiisip na mas may magandang kinabukasan si Li Muen kaya niya papakawalan ito para kay Li Changli na wala rin namang alam gawin sa buhay," sambit ni Lin Xui Ying at saka naman ngumisi. "Sige na, alam ko na nagagalak ka nang maangkin ang babaeng iyon," dagdag pa ni Lin Xui Ying na nakangiti.
Napailing na lamang si Lin Xui Ying nang makaalis si Lin Jing ngunit kaagad din naman napasimangot nang maalala niyang hindi niya natanong kung saan nakita at nakilala ni Lin Jing si Li Xie.
"You really are a forgetful one, Yu Ying!" inis na sambit ni Lin Xui Ying sa kaniyang sarili at saka naman niya sinabunutan ang sarili niya.
Kaagad naman na namula ang kaniyang mukha pati na rin ang kaniyang tenga nang maalala niya ang gabi na pinagsaluhan nilang dalawa ni Li Xie.
Napatikhim si Lin Xui Ying at saka pinilit niyang alisin sa kaniyang isipan ang pangyayaring iyon dahil wala naman si Li Xie sa tabi niya upang mawala ang pakiramdam niyang iyon.
Ibinaon ni Lin Xui Ying ang kaniyang sarili sa mga dokumento na nasa harap niya at talagang inabala niya ang sarili niya upang hindi niya maisip ang mga pangyayari na nagbigay ng saya sa kaniyang dibdib ngunit nagbibigay pasakit sa kaniya sa mga oras na iyon.
CENTRAL MARKET, WANG CAIN'S PLACE
"Miss Muxie?" tawag ni Wang Cain saka ito kumatok sa silid ni Li Xie.
Miss Muxie ang pangalan na binigay sa kanila ni Li Xie at hindi rin naman nagsasalita si Wang Wei tungkol sa totoong pangalan ni Li Xie.
"Sandali," dinig ni Wang Cain na sambit ni Li Xie mula sa loob ng silid nito.
Nanbuksan ni Li Xie ang kaniyang silid ay kaagad na nagsalita si Wang Cain, "May gusto lamang kaming pag-usapan ng asawa ko kasama ka. Kung okay lang sa 'yo?"
Tumango naman si Li Xie at saka lumabas ng silid at sumunod kay Wang Cain. Nagpunta sila sa opisina ni Wang Cain at nang makapasok sila ay naroon na ang asawa ni Wang Cain at kaagad nitong binati si Li Xie.
"Miss Muxie gusto lang sana naming sabihin na handa kaming ipagbili ang lugar na ito sa 'yo," walang paligoy ligoy na sambit ni Wang Cain.
"Huh? Paano naman kayo?" gulat na sambit naman ni Li Xie. "Ang ibig kong sabihin, hindi ko naman kailangan na mapasa 'kin ang lugar na 'to," kaagad naman na pagbabawi ni Li Xie.
Umiling ang asawa ni Wang Cain at saka nagsalita, "Kung hindi dahil sa 'yo hindi kami magkakaroon ng pagkakataon na magkaroon ng ganitong klaseng negosyo. Alam ko naman na hindi mo talaga sa amin ibinibigay ito pero... gusto lang sana namin na ibenta sa iyo ang lugar na ito tapos rentahan mo na lamang." Napahawak naman sa batok ang asawa ni Wang Cain at nagpatuloy sa pagsasalita, "Ang unang palapag lamang sana ang gusto namin na ibenta, kung okay lang sa 'yo. Pero gusto rin naman namin na maging parte ng coffee shop," nahihiya man ay pinilit pa rin ng asawa ni Wang Cain ang mga ito.
Sandali na napatigil si Li Xie at napaisip. Kung bibilhin niya ang unang palapag ay magandang oportunidad iyon. Isa pa, hindi na rin naman siya mahihirapan na maghanap ng tauhan dahil naturuan na niya si Wang Wei sa mga bagay na dapat niyang matutunan at kung magkakaroon man ng bagong tauhan, si Wang Wei na ang bahala rito.
"Pumapayag ako pero iyon ay kung sasabihin ninyo kung bakit ninyo ibebenta ang nang palapag," kaagad na sambit ni Li Xie.
Alam man niya a maganda ang oportunidad na ito ngunti ayaw naman niya na manamantala sa mga taong tumulong sa kaniya sa lugar na wala siyang kaalam alam.