Nagkatinginan naman si Wang Cain at ang asawa nito at saka malungkot na nagsalita si Wang Cain.
"Ang totoo niyan ay ang buong pamilya ko ay tutol sa pananatili namin sa lugar na ito. Tutol din sila kay Ai Mu at dahil doon upang hindi nila kami guluhin pa ay nagsabi sila na kailangan namin magbigay ng malaking halaga sa kanila."
Kumunot naman ang noo ni Li Xie dahil sa sinabi ni Wang Cain.
'Mabait naman si Ai Mu na asawa nito bakit ayaw nila sa kaniya? Dahil ba hindi galing sa mayaman at magandang pamilya si Ai Mu? Hump! Ang mga taong gaya nila ay wala talagang magandang maidudulot sa mundo.'
"Naiintindihan ko," sambit ni Li Xie at saka naman siya naglabas ng isang supot na mayroong pera. "Sapat na ba ang limang daang ginto?" tanong nito.
Halos malaglag naman ang panga nina Wang Cain at Ai Mu dahil sa sinabi ni Li Xie. Hindi nila akalain na kaya ni Li Xie na maglabas ng malaking halaga ng basta basta lamang!
'Ngayon pa lang sinasabi ko na, hindi talaga ordinaryo ang babaeng ito!!' sambit ni Wang Cain sa kaniyang isipan.
'Mabuti na lamang at hindi namin siya tinaboy,' sambit naman ni Ai Mu sa kaniyang isipan.
Nakita ni Li Xie ang emosyon sa mga mata ng mag-asawa at alam niya na hindi makapaniwala ang dalawa sa kaniyang ginawa. Sino ba naman kasing tao ang kayang maglabas ng limang daang ginto na parang wala lamang sa kaniya, hindi ba?
"Huwag kayong mag-aala dahil wala naman akong paggagamitan sa pera na ito. Kumpleto na ang lahat ng gamit na mayroon dito sa loob. Isa pa, kahit na binili ko itong unang palapag kayo pa rin ang mamamahala nito at babayaran ko rin kayo ng isang pilak sa isang araw,"
"Miss Muxie! Masyadong malaki ang isang pilak sa isang araw!" kaagad na bulalas ni Ai Mu.
Mahina naman na tumawa si Li Xie. "Hindi ito malaki dahil hindi rin naman madali ang trabahong ito," sambit ni Li Xie.
Ilang araw na ang nakalipas at nagtataka ang mga tao dahil sa mga higanteng pader na nakatakip sa buong gusali ni Wang Cain. May ilang mga taga central market na sundalo na nagtungo sa lugar ni Wang Cain upang magtanong kung may nangyarai ba ngunit pinaliwanag ni Wang Cain na nanghingi lamang sila ng tulong sa isang magic user upang itago ang pagbabago sa kanilang lugar.
"Ganoon ba," hindi naniniwalang sambit ng isang sundalo. "Hindi ba kayo pinagbabantaan?" mahina na tanong nito.
Kaagad naman na umiling si Wang Cain. "Naku, Hidus, huwag kang mag-alala walang ginagawang masama sa amin ang magic user na iyon. Isa pa, kaibigan iyon ni Weiwei," pagtatanggol naman ni Wang Cain.
Dahil sa nakitang emosyon ng sundalong nagngangalang Hidus sa mga mata ni Wang Cain ay bumuntong hininga na lamang ito at saka tumango.
"Huwag kang magdadalawang isip na magsabi sa 'kin kung may nangyaring hindi maganda, maliwanag?"
"May iba pa ba akong tatakbuhan dito sa central market kung may hindi magandang mangyayari sa akin, ha? Hidus?" Nakangiti namang sambit ni Wang Cain. "Ah, oo nga pala, bukas na magbubukas ang bago naming negosyo ng asawa ko at ang dahilan ng pagbabago namin ng negosyo ay dahil sa magic user na ito," sambit ni Wang Cain.
"Nagbago kayo ng negosyo?" hindi makapaniwala namang tanong ni Lin na isa sa mga kaibigan ni Wang Cain na nasaktuhang narinig nang papalapit siya.
"Ano na ang negosyo ninyo?" tanong naman ni Mai.
Dahil doon ay mas lalong dumami ang tao na nakapalibot kay Wang Cain at lahat ay nagtatanong kung ano ng klaseng negosyo ang kaniyang gagawin. Kilala nila si Wang Cain bilang isang dating hunter at talagang malawak ang kaniyang koneksyon kaya naman marami itong kakilala
Samantala, ang kaaway at katunggali ni Wang Cain na lalaki ay naiinis dahil nakita niyang nabibigyan na naman ng pansin si Wang Cain.
"Coffee shop," sambit ni Wang Cain.
Nang maringi naman ang salitang iyon ng lahat ay kaagad na natahimik ang mga ito at hindi alam kung narinig ba nila ito ng tama o hindi.
"Cain, sinabi mo bang coffee shop? Kape, talagang kape?" hindi makapaniwalang tanong at pag-uuli ni Jud.
Tumango naman si Wang Cain saka kinumpirma ang mga ito, "Oo, kape nga."
Hindi alam ng lahat kung nagbibiro lamang si Wang Cain o talagang ito ang bago nilang negosyo at gusto man nila magtanong ay hindi nila magawa kung paano nila ito ilalahad kay Wang Cain na hindi ito nasasaktan at sa puntong iyon, nagpapasalamat sila na dumating ang katunggali ni Wang Cain na si Guan Yu.
"Kami ba ay pinapatawa mo, Cain? Kape? Alam naman natin dito na hindi basta basta nakakakuha ng kape kaya bakit iyan ang inenegosyo mo? Hindi ka ba natatakot na baka mas lalo kang bumagsak niyan?" Nakangisi na sambit ni Guan Yu.
Tiningnan na muna siya ni Wang Cain at nakita niya na nakangisi ito at nang-aasar. Gayon pa man, hindi pa rin naman maramdaman ni Wang Cain na naasar siya kaya naman ang mas naasar ay si Guan Yu.
"Guan Yu, hindi ko alam kung saan mo narinig iyan pero may tiwala ako kay Miss Muxie. Siya ang may kakilala na magbibigay sa amin ng kape kaya naman hindi na kami nangangamba pa,"
Humalakhak naaman si Guan Yu. "Wang Cain! Habang tumatanda ay nawawalan ka na ng lakas, ano? Hindi mo ba naisip na baka niloloko ka lamang ng magic user na iyon?"
"Guan Yu, kung gusto mo pang mabuhay sinasabi ko na manahimik ka na," pagbabanta ni Wang Cain habang nakakumo ang kaniyang mga kamao.
"Bakit papatayin mo ba ako?"
"Hindi siya. Pero baka ako, oo," walang emosyon na sambit ng isang tao sa likod ni Wang Cain.
Nang mapatingin sila ay nakita nila ang isang pigura ng babae at wala man itong nilalabas na mana sa kaniyang katawan ay may kung anong awra naman sa kaniya na sinasabi na kaya nitong pumatay ng walang mana na gamit.
"Papatayin mo ako? Hindi mo ako mapapatay dahil bawal manakit ang mga magic user at qi user sa lugar na ito gamit ang kanilang qi at mahika!" Natutuwa namang sigawa ni Guan Yu.
Ipinag-krus naman ni Li Xie ang kaniyang dalawang braso at saka nagsalita. "Gamit lamang ang qi at magic ang bawal hindi ba? Akala mo ba na dahil isa akong magic user ay hindi ko na alam gumamit ng ibang armas? Isa pa, akala mo ba hindi ko kayang pumatay?"
Ang lahat ng mga taong nakarinig ng boses ni Li Xie nang sambitin niya ang mga salitang iyon ay nakaramdam ng panlalamig sa kanilang mga likod ngunit nang makita nila ang pag-arko ng mata nito ay nagbigay ng takot sa kanila. Alam nila na kahit na nakatakip ng tela ang mula ilong pababa ng mukha ni Li Xie ay nakangisi ito. Ito ang unang pagkakataon na nakaramdam sila ng takot sa ngisi lamang ng isang tao, at babae pa!
"You!"
Hindi na nakapagsalita pa si Guan Yu at kaagad na tumakbo papalayo sa kanila dahil sa siya ang pinaka nakaramdam ng takot na ibinigay ni Li Xie.
Bumuntong hininga si Li Xie at gumamit ng mahika upang marinig ng lahat ang kaniyang sasabihin, "Bukas ay magbubukas ang negosyo na pinaghirapan namin ng pamilya ni Mister Cain. Ang unang isang daan na magpupunta ay magbabayad lamang ng isang pilak sa kada isang produkto na kanilang bibilhin."
Hindi naman na hinintay pa ni Li Xie ang sasabihin ng lahat at hindi rin naman kaagad nakapagbigay ng reaksyon ang mga tao dahil hindi sila makapaniwala sa presyo na binigay sa kanila ni Li Xie.
'Hindi ko kailangan mahalan ang mga coffee products ko dahil hindi rin naman ako mauubusan ng suppy. Nakaka-guity kung mamahalan ko e hindi naman ako bumibili ng supply,' sambit ni Li Xie sa kaniyang isipan.
Gumawa ng 'menu' si Li Xie kung saan lahat ng nakasulat doon ay tinuro niya kay Wang Wie at sa ina nito na si Ah Mu. Hindi man kasing bilis matuto ni Wang Wei si Ah Mu ngunit nakakasunod naman ito pagdating sa mga coffee frappe.
"Ah Mu, ikaw na lamang ang gumawa sa frappe at Wei, ikaw sa mga coffee."
Tumango naman si Wang Wei. Ang mga trabaho na nakatoka kay Wang Wei ay coffe latte, caramel coffee latte, barako coffee, at vanilla coffee. Iilan muna ito sa coffee based na nilagay ni Li Xie sa menu. Samantala sa frappe naman ay ay tatlo pa lamang. Choco burst frappe, coffee jelly, at black forest frappe kung saan lahat ay coffee based.
KINABUKASAN...
Maaga pa lamang ay ibinaba na ni Li Xie at inalis ang pader na nakapalibot sa gusali ni Wang Wei. Coffee and inn shop ang pangalan nito dahil sa unang palapag ay coffee shop at sa pangalawang palapag ay maaring tuluyan. Hindi lamang iyon, bukas din ang coffee shop ng buong magdamag.
Dahil sa buong magdamag itong bukas kailangan nina Li Xie ng anim na bagong tauhan at ang anim na iyon ay dapat may magandang ugali at mabilis matuto. May mga kakilala si Wang Wei na mabilis matuto at kailangan ng trabaho kaya naman mayroon na silang apat na bagong tauhan na si Wang Wei at Ah Mu ang magtuturo.
Kaagad na dinagsa ang bagong negosyo nina Wang Cain at hindi naman makapaniwala si Li Xie. Maraming mga noble rin ang gustong sumubok at dahil sa central market walang novel at commoner kaya naman hindi nahihirapan si Li Xie sa dalawang klase ng tao.
Ang unang isang daan ay nakatanggap ng kanilang mga produkto sa halangang isang pilak samanta ang iba naman ay dalawa hanggang limang tanso nakadepende sa laki ng kanilang lalagyan. Ang maliit na lalagyan para sa frappe ay dalawang tanso, tatlo naman para sa pangalawa sa malaki at lima sa pinaka malaki. Samantala ang mga pure coffee based naman ay nasa limang pilak.
Sa unang tingin ay hindi pa naniniwala ang mga bumili ngunit nang makatikim sila ay doon nila natiman na may kape nga ang inumin na iyon. Hindi lang iyon, ito ang unang pagkakataon sa iba na makatikim ng kape at para sa mga noble naman na nakatikim na, ito ang una na pagkakataon na nakatikim sila ng ibang lasa ng kape.
"Hindi ko akalain na papatok ang negosyong ito," dinig ni Li Xie na sambit ng tao na nasa kaniyang kanan.
"Mister Jud," kaagad naman na bati ni Li Xie.
"Ito na ata ang magandang negosyo na nadaanan nina Cain," masayang sambit ni Jud at saka ito tumingin kay Li Xie. "Maraming salamat sa pagbibigay sa kanila ng pagkakataon na maranasan ito," dagdag pa niya.
Gulat man ay alam naman ni Li Xie ang ibig sabihih ni Jud. Talagang isang tunay na pagkakaibigan ang mayroon kina Wang Cain at sa limang lalaki na natulong ngayon kina Wang Cain para mapanatili ang kaayusan sa buong lugar.
'Well, I guess it's a success?' sambit ni Li Xie.
Nagtungo si Li Xie sa kaniyang silid at saka nito kinuha ang isang mikropono na nakakabit sa speaker na nasa unang palapag. Kinuha ni Li Xie ang kaniyang cellphone at saka niya ito ikinonek sa speaker na nasa unang palapag.
Namili si Li Xie ng kanta at napili niya ang kanta ni Taylor Swift na Love Story.
We were both young when I first so you
I close my eyes and I flashback starts
I'm standing there...
On a balcony in summer air..
Samantala ang mga tao naman sa unang palapag ay nagulat nang may marinig silang tumugtog at bigla na lamang may kumanta. Nang marinig nila ang boses ng kumakanta ay kaagad na nawala sa kanilang isipan kung saan galing iyon.
Samantala, nang marinig naman ni Wang Wei ang boses ay napangiti na lamang ito.
'Hindi ko akalain na marami pang talento si Miss Xie...'