ADEN

2039 Words
Kalagitnaan ng gabi nang bigla na lamang pumasok ang isang lalaki sa loob ng coffee shop at hinahanap si Li Xie sa pangalan na Muxie. Kaagad naman na nagkatinginan ang apat na kaibigan ni Wang Wei dahil sa paghanap kay Li Xie kaya naman isa sa kanila ay umakyat sa ikalawang palapag upang tawagin si Li Xie. "Miss Muxie? Mayroon pong lalaki na naghahanap sa iyo sa baba at mukha pong kailangang kailangan ka niya makausap," kaagad na sambit ng babae na umakyat upang tawagin si Li Xie. "Bababa na lamang ako. Sandali lang kamo," dinig naman ng babae at saka ito naglakad pababa sa unang palapag. Nang maramdaman ni Li Xie na wala na ang babae ay napabuntong hininga na lamang siya. Sa dami ng ginawa niya nitong dalawang araw ay nakalimutan niyang bisitahin si Huanxi. Nag-ayos na ng sarili si Li Xie at nagmamadali na bumaba ito. "Ikaw po ba si Miss Muxie?" tanong ng lalaki. Ang lalaking ito ay bata pa at kung titingnan ay matanda lamang ito kay Li Xie ng limang tao. Kaagad naman na tumango si Li Xie. "Ikaw ay si?" "Ako si Aden, anak ni Huanxi," kaagad na pagpapakilala ni Aden at saka ito lumuhod na kinagulat naman ni Li Xie. "Nakikiusap po ako, iligtas mo ang aking ama," sambit nito. Napatingin sa paligid si Li Xie at kung hindi alam ng mga tao ang nangyayari ay siguradong may hindi itong maganda na masasabi sa kaniya. Pinilit ni Li Xie na ikalma ang sarili niya dahil ano mang oras ay masasapak niya ang anak ni Huanxi sa ginagawa nito. "Aden, tama ba?" Tumango naman si Aden. "Kung ako sa iyo ay tatayo na ako dahil kahit na lumuhod ka riyan at hindi mo sasabihin sa 'kin ang nangyari sa iyong ama ay hindi pa rin kita matutulungan." Nang mapagtanto niya ang ginawa niya. Nang hingi siya ng tawad kay Li Xie at saka silang dalawa naupo sa pinaka malapit na sofa. Doon ay pinaliwanag ni Aden na namimilipit sa sakit ang kaniyang ama at ang ilan sa mga parte kung saan naroon ang mga pinsala ay namumula, namamaga, at ang iba pa ay nangingitim. "Nangingitim ba kamo?" Kunot noo na tanong ni Li Xie at tumango naman si Aden. "Okay, sasabihan ko si Doctor Lx ngayon at papamadaliin ko siya," kaagad na sambit ni Li Xie. Nagpasalamat naman si Aden at saka ito nagmadaling umalis sa coffee shop upang banayan ang kaniyang ama. Noong una ay akala ng lahat na ang babae na nagpunta sa auction house at si Li Xie ay iisa dahil sa kilala nilang parehas si Doctor Lx. Nagpaliwanag naman si Li Xie na kaya niya kilala si Doctor Lx ay dahil ito ang tao na nagbigay sa kaniya ng coffee bean kung saan iyon ang ginagamit para sa kanilang coffee shop. Mabuti na lamang ay hindi nailabas ni Li Xie ang kaniyang pagiging magic user sa auction house kung hindi ay makikita na ang kaniyang maskara. Hindi niya gusto na makilala kaagad at makaagaw ng atensyon dahil hindi ito magiging maganda hindi lamang para sa kaniya kung hindi pati na rin sa kaniyang plano. Ilang oras muna ang nakalipas ay kaagad na nagsuot ng kulay puting damit si Li Xie at saka niya sinuot ang kaniyang laboratory gown kung saan ito ang pakilanlan kay Lx sa mundong ito. Hindi lang iyon, nagsuot din naman si Li Xie ng artificial mask at saka siya umalis sa silid niya gamit ang bintana at nakipag-isa sa dilim. Nang makarating si Li Xie sa bahay ni Huanxi ay marami ang tao rito at may iilan din namang mga dating kasamahan ni Huanxi ang narito. Nang makapasok si Li Xie bilang si Doctor Lx ay kaagad siyang pinagtinginan at hinusgahan lalo pa ng mga kababaihan na walang ibang alam gawin kundi ang makipagpaliksahan sa kalalakihan. "Isa siyang doktor? Hindi ba't parang masyado pa siyang bata?" "Anong akala mo kagaya mo siya na walang laman ang utak?" Nagsimula namang mag-away ang dalawang kampo na palaging nagtatalo at kahit na maingay at pinag-uusapan na siya ay wala pa rin naman na pakilam si Li Xie. Ilang sandali naman ay dumating na si Aden na hinihingal at tumakbo upang salubungin si Li Xie. "Doctor Lx!" bulalas ni Aden at saka ito tumayo ng maayos. "Kumusta ang iyong ama?" tanong kaagad ni Li Xie gamit ang kaniyang propesyunal na boses. Nagkunwari si Li Xie na hindi niya alam kung ano ang nangyayari kay Huanxi kahit na alam na niya ito dahil sa paliwanag ni Aden noong nasa katauhan siya ni Li Xie. "Mas maganda po ata na makita mo na lamang," malungkot na sambit ni Aden. Kumunot ang noo ni Li Xie dahil sa tono ng boses ni Aden. "Huwag mong sabihin sa akin na sinusuko mo na ang buhay ng iyon ama," walang emosyon na tanong ni Li Xie. 'Kung oo, wala kang karapatan para maging anak niya.' Bilang isang doktor alam ni Li Xie na hindi sa lahat ng oras ay talagang maililigtas niya ang kaniyang pasyente. Alam ito ni Li Xie dahil ilang beses na rin naman siyang namatayan ng pasyente sa kasagsagan ng operasyon. Ganoon pa man ang pinaka ayaw ni Li Xie ay ang mga kamag-anak ng mga pasyente na nawawalan nang lakas ng loob o hindi kaya ay pinagsasawalang bahala na lamang ang mga tiyansa na mabuhay ang isang tao. Ngunit ang pinaka ayaw ni Li Xie ay ang mga tao na mahahalaga sa pasyente na mas nauuna pang sumuko sa kaniyang pasyente. Sa lahat, ang pinaka huli ang pinaka ayaw niya. Naramdaman naman ni Aden ang pinaparating ni Li Xie sa kaniyang tanong kaya naman kaagad itong umiling. "Hindi, hindi. Hindi ko kayang sumuko gayong hindi pa naman sumusuko si ama," mahinang sambit nito. "Kapag sumuko ang iyong ama ay susuko ka na rin, ganoon ba?" Hindi naman kaagad nakapagsalita si Aden. Hindi na rin naman nagsalita si Li Xie at kaagad na itong pumasok sa silid kung saan nagpapahinga si Huanxi. Alam ni Li Xie na hindi lamang ang impeksyon ng mga pinsala ang kailangan na harapin ni Huanxi kapag naayos na nang tuluyan ang kaniyang mga buto. 'I won't give up since kasalanan ko naman na umabot sa puntong ito. This gonna be the last na makakalimutan ko na may pasyente ako.' Nasa may gilid lamang ng pinto si Aden at pinapanood si Li Xie na pulsuhan ang kaniyang ama. Pinanood niya kung paano gumalaw si Li Xie at masasabi niyang talagang isang eksperto si Li Xie sa ganitong bagay at hindi na rin naman nakakapagtaka na pagkatiwalaan ito ng kaniyang ama dahil sa ito rin ang nag-iisang tao na gumawa ng potion na nakapagpabalik ng mga buto ng kaniyang ama. Kumunot ang noo ni Aden nang makita niya ang mga naglalakihang karayom na kasing haba ng isang dangkal. Kulay pilak ito at kung tititigan ang hawakan nito ay may nakaukit ditong isang dragon. Hindi alam ni Aden kung anong meron ngunit alam niya na hindi pangkaraniwan ang gagawin ni Li Xie. "Hindi ang impeksyon ang dahilan ng pamamaga, pamumula, at pangingitim ng mga bahagi ng pinsala ng iyon ama," kaagad na sambit ni Li Xie. Kumunot naman ang noo ni Aden. "Anong ibig mong sabihin?" "Bukod sa 'yo mayroon pa ba na ibang tao na nakakalapit sa kaniya simula noong nangyari ito?" seryosong tanong ni Li Xie at pinupunasan niya ng bulak na may alcohol ang kaniyang mga karayom na ginagamit niya sa kaniyang pag-acupuncture. Kaagad naman na umiling si Aden. "Bukod sa akin at sa aking ina, wala na. Pinagbawalan kami ni ama na magpapasok sa kaniyang silid kahit na palaging may mga tao na bumibisita rito at nagtatanong kung kumusta na si ama. Wala kaming pinapapasok na iba," kaagad na sagot ni Aden. Kumunot naman ang noo ni Li Xie. Dahil doon ay may kung ano ano na pumasok sa kaniyang isipan kahit na hindi man niya ito gustong isipin. "Bago mapunta sa ganitong kalagayan ang iyon ama..." tumigil sandali si Li Xie upang hubarin ang damit ni Huanxi na nasa pangtaas. "Anong ginagawa mo-" "Isa akong doktor, Aden. Wala akong kinikilalang kasarian," madiin na sambit ni Li Xie at kaagda naman na napalunok ng laway si Aden dahil sa takot. 'Takot? Bakit nakaramdam ako ng takot?' Hindi na lamang nagsalita pa si Aden at itinikom na lamang niya ang kaniyang bibig upang manahimik. Alam niya na walang kasarian pagdating sa mga doktor dahil iyon din ang sinabi sa kaniya ng unang doktor na pinagtinginan nila ng kaniyang ina. Nang mahubaran naman ni Li Xie ang pantaas na parte ng damit ni Huanxi kung saan nakita niya ang pamamaga at pangingitim ng mga tadyang nito ay kaagad naman na nagpatuloy si Li Xie sa pagtatanong. "Bago mangyari ang ganito mayroon bang ibang bumisita sa inyo? May pinakain ba kay Huanxi?" Kumunot naman ang noo ni Aden at nagtataka man ngunit kaagad din naman niya na sinagot, "Mayroon ngunit isang tao lamang. Si Uncle Dion ang kapatid ni ama." "Hmm? May pinakain ba sa iyong ama?" "Hindi ko alam dahil hindi naman nila ako pinapasali sa kanilang usapan. Pinabalik na lamang ako ni ina noon sa aking silid dahil may mahalaga sialng tatlo na pag-uusapan na hindi ko dapat malaman," matapat na sambit ni Aden. Tinitigan na muna ni Li Xie ang mga mata ni Aden upang malaman kung nagsisinungaling ba ito o hindi. Nang hindi naman niya makita ang pagsisinungaling sa mga mata ni Aden ay kaagad na nag-umpisa si Li Xie sa pagtusok ng mga karayom sa mga parte kung saan may pamamaga at pangingitim. 'Kung isang tao lamang at kapatid pa ni Huanxi bakit nangyari ito? Maniniwala ba itong si Aden kung sasabihin ko sa kaniya na nilason ang kaniyang ama?' Iyon lamang ang laman ng isip ni Li Xie habang ginagamot niya si Huanxi gamit ang acupuncture. Nang maitusok na ni Li Xie ang mga karayom niya ay kaagad niya na kinuha ng knaiyang sculpel at nanlaki naman ang mga mata ni Aden nang makita niya na hiniwa ng maliit ang ilang parte ng katawan ni Huanxi. Gusto man niya na magreklamo ngunit hindi niya magawa dahil kitang kita ni Aden ang pagkaseryoso sa mga mata ni Li Xie. Hindi niya alam ngunit maganda sa paningin ang pagkaseryoso ni Li Xie. 'Ganito ba dapat kaganda ang mga seryosong mukha ng mga doktor?' tanong ni Aden sa kaniyang isipan. Ilang oras ang nakalipas at natapos na rin ni Li Xie ang kaniyang pag-acupuncture kay Huanxi. Dahil nilagyan na niya ng konting healing mana ang karayom at kada tusok nito sa balat ay unti unti nitong inaayos ang mga kailangan ayusin sa katawan. "Ano iyan?" takang tanong ni Aden nang makalapit siya kay Li Xie at may hawak hawak si Li Xie na isang baso ng kulay itim na malapot na tubig. "Ito?" Itinaas niya ang baso na hawak niya sa kaniyang kanang kamay. "Lason na galing sa katawan ng ama mo," sagot ni Li Xie. Napanganga naman si Aden at hindi makapaniwala sa sinabi ni Li Xie. "Hindi ko alam kung saan parte mo nakaligtaan ang ganitong pangyayari..." tumigil sandali si Li Xie at ipinasok niya sa kaniyang bag na hawak niya na baso ngunit ang totoo nito ay nilagay niya ito sa kaniyang system upang mapag-aralan. "Hindi sa gusto kong pagdudahan ang iyong ina at iyong tiyuhin ngunit gusto kong sabihin sa iyo na mas maganda pa rin na bantayan mo ang iyong ama laban sa kanila. HUwag kang magtiwala maski kanino dahil hindi mo naman alam kung sino ang kakampi sa hindi," kaagad na dagdag ni Li Xie at nagsimula nang mag-ayos. "Sa ngayon bukod sa 'yo wala nang maaring pumasok sa silid na ito." Itinaas ni Li Xie ang kaniyang kamay at nagkaroon ng kulay asul na liwanag at may kulay asul na bilog at may lingwahe na hindi maintindihan ni Aden. Nang mapakaalis si Li Xie ay kaagad naman na napa-upo si Aden sa tabi ng kaniyang ama. Hindi niya alam kung marapat ba na maniwala siya sa sinabi ni Li Xie ngunit wala rin naman siyang ibang makita na dahilan para sabihin iyon ni Li Xie. Isang doktor ang nagsabi sa kaniya at hindi niya ito maaring baliwalain. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD