A WIND OF NEWS [1]

1110 Words
Ma..." nanghihina na tawag ni Li Liu sa kaniyang ina. Napakagat ng labi si Bai Borie dahil sa itsura ng kaniyang anak. HIndi niya akalain na magagawang makawala ni Li Xie sa soul eating mana at hindi na rin naman niya makuhang makausap ang magic user na tumulong sa kanila upang makakuha ng soul eating mana potion. Ang warlock naman na tumulong ay hindi na nakikialam dahil isa sa kanilang patakaran ay kapag nasira na ang soul eating mana ay hindi na sila maaring makisali pa dahil kung hindi ang mismong warlock tower ang sisira sa kanilang kakayahan upang maging isang warlock. May mga nasubukan na nito kaya naman wala nang nagmamaliit pa sa mga patakaran na binigay ng mga nasa taas ng warlock tower dahil pati sila ay sumusunod sa patakaran na kanilang ginawa. "Liu'er, huwag kang mag-alala dahil pinapahanap ko na sa mga tiyuhin mo ang babaeng iyon. Sigurado ako na mapapatay nila si Li Xie," matigas na sambit ni Bai Borie na nagpalubag naman sa loob ni Li Liu. "Sana mahanap na nila ang babaeng iyon ng mabilis, ina. Sobrang sakit na parang hindi ko na kakayanin pa," mahinang sambit ni Li Liu. Hinawakan naman ni Bai Borie ang kamay ng kaniyang anak dahil hindi na niya alam ang kaniyang sasabihin. Wala na sa Li mansion si Li Dongfeng at hindi niya magamit ang kaniyang black magic. Dahil sa mga nangyari ay mas pinilit pa ni Bai Borie na mapag-aralan ang black magic ngunit wala na siyang maintindihan pa maliban sa pagkontrol ng utak. 'Kung kaya ko lang kontrolin ang utak ni Li Zu...' Hindi niya magawa na makontrol ang isip ni Li Zu dahil sa malakas na pag-iisip. Isa ito sa mga inaaral sa main family branch at lahat ng makakuha ng ganitong kakayahan ay may pagkakaaon na maging isang elder sa kahit saang branch ng Li family. "Ina... sabi sa akin ni Wanda na may nangyari raw sa Bai family... kumusta sina lolo?" nag-aalalang tanong ni Li Liu. Napakagat naman ng labi si Bai Borie saka niya kinuwento naunti unting lumulubog ang mga negosyo ng mga Bai. Hindi lamang iyon, may kung anong nangyayari sa pamilya na naging dahilan upang bantayan sila ng Royal Family. "Hmm? Dahil kay Li Muen? Hindi wala naman siyang kwenta? Paano siya naging dahilan ng mas malalang away? Isa pa, paano siya nanalo sa four clan tournament?" mahina at sunod sunod na tanong ni Li Liu. Nagkibit balikat naman muna si Bai Borie bago sagutin ang anak nito, "Hindi ko rin alam kung anong nangyari basta ang sabi ng iyong pinsan nasi Li Changl ay nagbago ito nang mabigo silang patayin si Li Muen. Magmula noon ay marunong nang mag-cultivate si Li Muen at nahulog din ang loob ni Lin Jing sa kaniya." "Lin Jing? Ang god of war?" Tumago naman si Li Liu. "Sht! Sana hindi rin mahulog si Lin Xui Ying sa iba. Sa akin lang ang lalaking iyon," matatag na dagdag ni Li Liu. Marahan naman na hinaplos ni Bai Borie ang ulo ng kaniyang anak. "Huwag kang mag-alala dahil walang aagaw nito sa iyon. Kung mayroon man, sisiguraduhin ko na magbabago ang kanilang isipan," marahan na sambit ni Bai Borie. Hindi man maintindihan ni Li Liu ang sinabi ni Bai Borie ngunit hinayaan na lamang niya ito. Wala naman siyang magagawa kahit na anong gawin ng kaniyang ina dahil lahat ng iyon ay para sa kaniya. Hindi siya magrereklamo dahil lahat ng gusto niya ay nasusunod ng kaniyang ina. "Si ama nga pala, ina?" tanong ni Li Liu. "Hump! Kung hindi dahil sa matandang hukluban na iyon ay hindi tayo mahihirapan ng ganito sa lugar na ito," kaagad naman na reklamo ni Bai Borie. Kumunot ang noo ni Li Liu. "Ano po ba ang nangyari, ina?" "Noong nanghina ka na nang tuluyan, alam ko na alam ng matandang iyon kung ano ang nangyari sa 'yo ngunit nanatili itong tahimik..." tumigil sandali si Bai Borie sa pagsasalita at tumingin ito sa kaniyanganak. "Alam ko na alam niya ang tungkol sa soul eating mana ngunit hindi niya alam kung kanino natin ito ginamit. Ginawa niya itong dahilan upang mailayo sa atin ang iyong ama," kaagad naman na paliwanag ni Bai Borie. Alam ni Li Liu na hindi pabor si Li Zu sa kanilang dalawang mag-ina dahil sa kahihiyan sila sa pamilya at sila rin ang tinuturing ni Li Zu na dahilan kung bakit namatay ang asawa ng kaniyang anak. Hindi alam ni Li Liu Kung bakit pero pakiramdam niya ay malaki ang galit sa kaniya ng kaniyang lolo. "Liu'er, gusto ko na mag-ingat ka. Bukod kay Wanda ay wala ka ng iba pang papapasukin sa iyong silid at huwag ka rin tatanggap ng ibang pagkain mula sa iba na hindi nasisigurado ni Wanda na ligtas. Naiintindihan mo ba?" sunod sunod na paalala ni Bai Borie sa kaniyang anak. "Naiintindihan ko po, Ina." CENTRAL MARKET, COFFEE AND INN SHOP Abala ang lahat at marami rami ang tao sa loob ngunit may iilan din naman na nabili lang at saka sila at saka umaalis. Hindi akalain ni Li Xie na magiging patok ito at may iilan din naman na mga noble na gustong bumili ng kaniyang coffee bean. "Pasensya na po, madam, pero hindi po ipinagbibili ang aming coffee bean," kaagad na dinig ni Li Xie na sambit ni Wang Wei sa isang babae. "Anong hindi ipinagbibili?! Wala akong pakialam kung ipinagbibili ninyo iyan o hindi! Ang gustoo ko ay bumili kaya ibigay na ninyo sa akin ang isang sako!" sigaw ng babae. Tumaas naman ang kilay ni Li Xie at saka ito lumapit. "Madam, noble ka man o hindi wala kang karapatan na magsalita ng ganiyan dito. Kung ang mga royalties nga ay sumusunod sa batas na mayroon ang lugar na ito, bakit ikaw na isa lamang normal na noble ay kayang lumabag?" walang emosyon na sambit ni Li Xie. "You! Sino ka ba ha?! Huwag kang makialam dito!" "Bakit hindi? Ako lang naman ang nag-iisang tao na nagdadala ng mag coffee bean sa lugar na ito. Kung gusto mo bumili, hanapin mo si Doctor Lx." Nakangisi na sambit ni Li Xie. Nang marinig naman iyon ng babae ay kaagad siyang napa-atras. Alam niya na malakas si Doctor Lx kahit na hindi ito gaano nagamit ng mana. Isa pa, kaya niyang pumatay ng isang tao na hindi kinakailangan ng mana. Kaagad na pinagpawisan ang babae at saka ito padabog na umalis. Kaagad naman na nagpasalamat si Wang Wei at saka ito bumalik sa trabaho. Sa umaga marami rami ang tao ngunit pagsapit naman ng gabi ay hindi na gaano kaya naman pag gabi ay nakakapagpahinga ang mga nasa counter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD