"Choco bust frappe," sambit ni Li Xie at kaagad naman nagumawa ang babaeng nakatoka rito.
Ilang minuto lamang ay ibinigay na ito kay Li Xie at saka ito naupo sa pinaka sulok ng coffee shop.
"Hindi nga? Totoo?"
"Oo nga! Ang sabi ang dating walang kwenta na anak ng master at mitress ng mga Li sa main branch ay naging isang qi user!"
Napatigil naman si Li Xie at napakunot ang noo. Doon niya napagtanto na ang pinag-uusapan ng dalawang babae hindi malayo sa kaniya ay ang kaniyang pinsan na si Li Muen.
Alam ni Li Xie ang katauhan ni Li Muen sa mundong ito dahil si Li Muen na mismo ang nagsabi sa kaniya sa sulat na pinapaskil nila sa hindi nakikitang harang sa kanilang system. Alam din naman ni Li Xie na nagtayo si Li Muen ng tailoring shop at ng isang milk tea shop. Hindi na iyon nakakapagtaka dahil sa hilig naman na ni Li Muen ang pagtahi at pagluto.
Si Li Muen naman ay alam niya na nagtayo ng coffee shop si Li Xie at ng mala hotel na tuluyan ng mga manlalakbay kaya naman sinabi ni Li Muen na kapag nakabisita siya sa Maqi Kingdom ay dadaanan niya ang sinasabi ni Li Xie sa kaniya.
"Hindi mo rin ba nabalitaan?"
"Ang alin?"
"Sa four clan tournament daw ay ipinahayag na ang walang kwentang anak daw ng master at mistress ng mga Li ang siyang mapapangasawa ni Lin Jing! Si Lin Jing iyon! Ang god of war!"
'Hmm? God of war? Seryoso sila riyan? Sa pagkakasulat ni Li Muen sa akin ay mukhang head over heels sa pinsan ko.'
Nagpatuloy lamang si Li Xie sa pakikinig at marami siyang nabalitaan tungkol kay Li Muen. Hindi niya akalain na marami na pala ang naabot at nagawa nito hindi kagaya niya na natengga sa Central Market ng Xidi Kingdom.
'Kapag malakas na ang aking backbone dito saka na ako babalik.'
"Oo nga pala may isa pang balita ako sa Li family rito sa Maqi Kingdom."
Kaagad naman nito naagaw ang atensyon ni Li Xie at saka siya sumimsim ng kaniyag choco burst frappe.
"Anong balita?" tanong ng isa.
"May isa raw sa young miss nila ang gumamit ng soul eating mana at ngayon ay nagsisisi dahil sa backlash!"
Mahina naman na tumawa ang kausap nito. "Ang lakas naman kasi ng loob na gumamit ng soul eating mana tapos hindi pala kaya ang kapalit nito. Iba talaga pag mayayaman minsan ang hirap intindihin ng mga utak nila."
'I can't agree with you more, girl. Kahit ako hindi ko rin naman gets ang utak nila.'
Nang umulan ay napangiti si Li Xie dahil nakita niya na mas lalo pang magiging mabenta ang kanilang hot coffee. Akma na sana siyang tatayo upang bumalik sa kalawang palapag kaya lang ay nakita niya si Aden na nagmamadaling pumasok.
"Miss!" natataranta nitong sambit nang makalapit siya kay Li Xie.
"Kumalma ka ayoko ng atensyon," mahina na sambit ni Li Xie at kaagad ito na umupo.
Umupo rin naman si Aden sa harapan ni Li Xie at saka ito nagsalita, "Miss, maari mo po ba akong tulungan?"
"Hmm?" Taas kilay ni Li Xie. "Saan?"
"Nagrereklamo ang aking ina na hindi raw siya makapasok sa silid ni ama. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil bukod sa akin wala nang makakapasok roon."
"Iyan ba ay kagustuhan ni Doctor Lx?" Tumango naman si Aden bilang sagot. "Kung ganoon ay pinoprotektahan lamang ni Doctor Lx ang iyong ama. Nabanggit sa akin ni Doctor Lx bago siya maglaho na pinaghihinalaan niya ang iyong ina at iyong tiyuhin na nilason nila ang iyon ama. Hindi niya magawang masabi sa iyo dahil hindi niya alam kung maniniwala ka o hindi."
Seryoso na tinitigan ni Li Xie si Aden at nakita naman niya na nanginginig ito sa galit. Sigurado si Li Xie na mahalaga para kay Aden ang kaniyang ama kaya naman nagkakaganito ito.
"Sino siya para gawin iyon kay ama..." mahina na bulong ni Aden.
"May problema ba kayo ng iyong ina?" tanong ni Li Xie.
Mukha mang nagtataka ang kaniyang tanong ay gustong malaman ni Li Xie kung totoo ba nitong ina ang asawa ng kaniyang ama na si Huanxi o hindi.
"Ina? Hindi ko siya ina," mariin na sambit ni Aden, napakumo naman siya ng kamao. "Namatay ang aking ina at kasama siya sa mga magic user na pinadala sa ekspedisyon. Ang babaeng iyon, dalawang araw pa lamang na wala si ina ay inaakit na nito si ama." Kinagat ni Aden ang kaniyang labi at saka nagpatuloy sa pagkwento, "Hindi ko alam kung anong ginawa niya pero napapayag niya ang aking ama nang mabalitaan namin ang nagyari sa mga magic user."
Kumunot ang noo ni Li Xie.
'That expedition is really something. Kapag nagkaroon ako ng time I better ask Ying about this.'
"Kung ganoon ay marapat na mahuli mo sila sa akto," mahina na sambit ni Li Xie at tumayo ito. "Huwag kang mag-alala tutulong ako." Tumayo rin naman si Aden at saka sinabing muli ni Li Xie na... "Ilagay mo ito sa inumin ng iyong ikalawang ina." Inabot naman ni Li Xie ag isang maliit na plastic. "Huwag kang mag-alala dahil hindi nakasasama sa katawan iyan. Malalaman at malalaman mo ang dahilan kapag napainom mo iyan sa kaniya."
"Paano naman si Uncle?"
"Nasa dilim lang ako at maghihintay. Kapag may ginawa siya ako na ang bahala sa kaniya."
"Mag... magkano ang dapat ko ibayad?" Yumuko Aden nang magtanong siya nito.
"Hindi na kailangan," sambit ni Li Xie at saka siya nagpaalam kay Aden.
'Hindi na kailangan dahil nagpapasalamat ako kay Huanxi na sinubukan niya ang aking potion. Kapag natapos na ang mga ito, gusto kong magpasalamat sa kaniya ng tunay.'
Bago pa man makalayo ay nakarinig na naman si Li Xie ng balita.
"Oy, naghahanda ngayon ang mga taga Royal Mansion sa pagdating ng dalawang Imperial Royalties ah," sambit ng isang babae.
"Um." Tumango naman ang isang lalaki na nakasuot ng kaniyang kalasag. "Sabi ng kapatid ko na nagtatrabaho bilang isa sa tagasilbi ng Royal Mansion na isang prinsipe at isang pinsesa daw ng imperyo ang pupunta rito upang magliwaliw at mag-imbistiga na rin."
"Imbistiga? Bakit anong nangyari?"
"May ilan kasing magic user na bigla na lamang nawawala kapag pumapasok sa North Forest kaya naman may pinadala ang Imperial Family upang tumulong,"
"Balita ko rin na sa lugar na ito sila manunuluyan,"
"Hindi iyan balita dahil dito talaga sila manunuluyan. Ang scout nila ang nagpunta rito kanina at limang kwarto ang kanilang iuukupa."
Hindi naman na nakinig pa si Li Xie at saka na ito nagpatuloy sa pag-akyat sa ikalawang palapag.
'Hmm? Imperial Royal Family, mga kapatid ata ni Ying ang dalawang iyon.'
Hindi na nag-abala pa si Li Xie at nagpunta na lamang siya sa kaniyang system upang tingnan ang pagbabago sa system nila ni Li Muen. Nang magpunta siya sa kung saan may nakaharang na hindi nakikita ay nakita niyang nakakapasok na siya.
Bago pa man na makaalis ay kaagad na nakita ni Li Xie ang sulat na binigay ni Li Muen sa kaniya.
"Betrayal at the border army?" kunot noo na bulong ni Li Xie sa kaniyang sarili. "Well, hindi pa naman ngayon kaya magpapalakas muna ako ng pangalan," dagdag na sambit niya sa kaniyang sarili.