Nang makarating sina Li Xie at Lin Xui Ying sa teretoryo ng Dark Imperial Country ay kaagad nilang nakita ang pagbabago sa paligid. Ang kanilang kalangitan ay hindi kasing tingkad ng kalangitan na mayroon ang Radiance Imperial Country at kung ikukumpara ay parang palaging matamlay ang pakiramdam nila sa lugar na iyon. "Why do I feel so gloomy in this place?" tanong ni Li Xie sa kaniyang kasintahan. "Dahil iyon sa dilim sa paligid," sambit ni Lin Xui Ying. "Hindi gaya ng sa Radiance Imperial Country, ang Dark Imperial Country ay palaging madilim at makulimlim. Ito ang dahilan kung bakit Dark Imperial Country ang tawag sa lugar na ito," paliwanag naman ni Lin Xui Ying. Tumingala si Li Xie at nakita nga niya na parang uulan ang kangitan ngunit kitang kita niya ang ilang mga bituin at ramda