"Liu'er hindi ba sinabi ko sa 'yo na doon ka lamang at huwag nang aalis pa?!" "Ma, narinig ko na ang lahat. Huwag na tayong makisali pa rito, umalis na lang tayo. Hmm? Mommy," marahan at nahihirapang sambit ni Li Liu. Kaagad naman na kumunot ang noo ni Bai Borie. "Anong pinagsasabi mo? Bakit tayo aalis dito? Hindi tayo aalis dito at hindi ko sila titigilan lalo na ang babaeng ito!" sigaw ni Bai Borie at tinuro si Li Xie. Hindi naman magawa ni Li Liu na makatingin kay Li Xie at ang kaniyang atensyon ay tanging nasa kaniyang ina lamang. "Ma, hindi mo naman kailangan pang pahirapan ang sarili mo..." "Liu'er! Naririnig mo ba ang sinasabi mo!?" sigaw ni Bai Borie sa kaniyang anak na ikinagulat ni Li Liu. "Nakikita mo ba ang mukha ko?! Ang ama ni Li Xie ang may gawa nito! Nakipaglaban siya