Mas lalo pang nabaliw si Bai Borie nang malaman niya na si Li Xie ang may gawa noon kay Li Liu. Hanggang sa huli ay hindi pa rin naman matanggap ni Bai Borie na dahilan ng mga nangyayari ay siya lang din naman. "Hindi kita papatawarin!" sigaw ni Bai Borie. kalmado naman na tiningnan lamang ni Li Xie si Bai Borie at saka sinabing, "Wala rin naman akong balak manghingi ng tawad sa iyo." Itinaas ni Bai Borie ang kaniyang kamay at kaagad siyang binalot ng kulay itim na usok. Bago pa man na maabot sina Li Hu ay kaagad naman na hinarap ni Li Xie ang kaniyang kaniyang palad dito at saka mayroong kulay puti na liwanag na nagtungo sa kanila at nagkaroon sila ng barrier sa paligid. Nanlaki ang mga mata ni Li Zu dahil sa hindi niya narinig na nag-cast ng spell si Li Xie at hindi lamang iyon, hind