Naiintindihan naman iyon ni Lin Xui Ying dahil maging siya rin naman ay may balak din na pumasok sa mahabang pagsasanay. "Kung iyan ang plano mo," sambit ni Lin Xui Ying at saka sila naghanda. Nagpalipas sila ng gabi sa labas ng kanilang tinutuluyan at ginamitan pa rin naman ni Li Xie si Lin Xui Ying ng spell na 'conceal' upang hindi siya maramdaman ng ibang tao. Dahil sa system ay kayang itago ni Li Xie ang kaniyang kakayahan bilang isang magic user at kung titingnan lamang siya ay para siyang isang normal lamang na mamamayan. Hindi lamang iyon, naglagay rin ng artificial mask sina Li Xie at Lin Xui Ying habang nasa labas sila upang makasagap ng balita. "Nabalitaan n'yo ba? Mayroon daw envoy na nagtungo rito kanina mula sa Radiance Imperial Country upang kunin ang mga magic user na hin