Nagpasalamat ang dalawang tagapagpatakbo ni Li Xie ng karwahe at nginitian lamang sila ni Li Xie upang sabihin na wala lamang iyon. Hindi rin naman makayanan ni Li Xie na magtagal pa sa karwahe dahil masakit na ang kaniyang buong katawan sa byahe. Maari man niya gamitin ang mahika niya ngunit mas gusto niyang pagpahingahin ito. 'Gustong gusto ko na talagang mahiga sa higaan ko!' sambit ni Li Xie sa kaniyang isipan nang makapasok siyang muli sa karwahe at makaupo. Nagsimula na namang tumakbo ang karwahe at hindi na sila nakaharap pa nang balakid sa kanilang dinaanan. Tahimik at payapa ang kanilang paglalakbay hanggang sa makarating sila sa Maqi Kingdom Central Market kung saan doon ang destinasyon ni Li Xie. Hinintay na muna ni Li Xie na makapasok ang karwahe sa tarangkahan at saka ni