Lahat ng tao sa Central Market ay nagsasaya sa pagbabalik ni Doctor Lx. Nagpapahinga man ito at wala sa kasiyahan ay baliwala sa kanila. Basta ang mga tao sa Central Market ay masaya na mayroong isa sa kanila na mayroong reputasyon sa mga sundalo. Ang pagiging parte ng mga kawal na kasama sa ilalim ng pamumuno ni Lin Jing at Lin Xui Ying ay isang karangalan. Ang kanilang mga kawal ay higit na mas malakas at mas matibay kaysa sa mga normal na kawal lamang sa palasyo kaya naman sila ang pinaka pinapadala sa mga digmaan. Alam ng lahat kung gaano kahirap ang makipag-usap sa mga sundalo dahil wala itong pakialam sa mundo at mas lalong wala itong pakialam sa mga babae kung hindi nama nparte ng kanilang mga pamilya. ANg mga babae para sa mga kawal na ito ay para lamang sa bahay at may iilan m