Gabi nang magsidating na ang ibang mga qi user na nagsi-alisan upang makipag-agawan sa mga beast core na napatay ni Li Xie sa kaniyang paglalakbay pabalik sa Maqi Kingdom Central Market. Maging sina Lucas ay hindi rin naman makapaniwala sa dami ng mga qi user na nagtungo roon at marami rin naman sa kanila ang nakakuha pa ng ibang mga beast core dahil sa dami ng demon beast na nagsilabasan nang mag-ingay ang mga qi user. Kaagad naman din na napuno ang unang palapag ng auction house at ganoon din naman ang ilan sa mga silid sa ikalawang palapag. "Sir Lucas," sambit ng isang lalaki. "Bakit?" "Narito po si Miss X," sambit ng lalaki. Kaagad itong tumayo at may kinuhang papel sa kaniyang cabinet at saka naman niya inutusan ang lalaki na tawagin si Lucy upang ito ang maghatid kay Li Xie