"Lolo may balita na ba? Tanung ni Ji-hoon sa kabilang linya kausap niya ang kanyang lolo. Seryoso itong nakikinig sa sinasabi ng lolo. Malungkot nitong pinatay ang cellphone pagkatapos ng paguusap. " Ji-hoon nakita na ba kung nasan si Lea?",Naiiyak na tanung ni auntie lora. Umiling ito na tila wala pang balita. "Auntie nahihirapan daw ang mga agent dahil puro liblib na lugar daw ang pinasukan ng van base sa CCTV camera. Maghintay pa po tayo ng konti Auntie". " Hindi ko na kayang maghintay tatlong araw ng nawawala si lea!! Pakiramdam ko pag naghintay pa tayo malamig na bangkay nalang ang aabutan naten!! Malakas na sabi nito at napaupo sa kakaiyak. Napasuntok sa pader si Park. Hindi niya akalain na mangyayare ito kay Lea. Halos masira ang pader sa suntok niya. Bahagyang tumulo ang luha n