Someone POV Agad na bumaba ng sasakyan si Park. Hinawakan niya ng mahigpit ang baril. Si Jimmy naman ay nagtungo sa ibang direksyon nagaabang sa mga kalaban na susulpot. Ganoon din ang ginawa ni Ji-hoon at nang mga bodyguards. Akmang may hahampas sa likod ni Park ay agad na napigilan iyon ni Jung-so. Pinilipit nito ang leeg hanggang hindi na ito makahinga. Pagkatapos ay sabay silang pumasok sa loob ng warehouse. Nakita sila ng isang bantay at nagmadaling pumasok sa loob. Alam nilang magsasabi na ito sa boss. Nagtago sila sa gilid at sinilip ang loob. Halos mabingi sa kaba si Park nang makita si Lea na nalupaypay sa pagkakaupo, wala na itong malay. Halos itim na ang katawan nito sa dami ng pasa. Pati si Jung-so na nasa tabi niya ay napailing hindi kinaya ang sitwasyon ni Lea. Nilingon siy