Humarap ito sa kanya. Pinasadahan siya nito ng nakakalokong tingin. Kinabahan na siya. Lalo pa siyang natigilan na lumapit ito sa kanya. Halos mapahiga na siya sa upuan niya. Kahit sumigaw siya ay walang makakarinig. Kahit magpumiglas siya ay walang makakakita. Dark ang tinted ng salamin ng sasakyan nito, kaya walang makakakita sa kanila sa loob. Ayaw niyang magpatalo, kailangan niyang tatagan ang sarili lalo na't babae siya. Nagiisip siya kung anung gagawin nito sa kanya. Kinuyom na niya ang palad para kung sakaling may gawin itong masama ay maunahan na niya agad ito ng suntok. "Anung gagawin mo?", matapang niyang sagot. Napatawa ito ng nakakaloko, parang may binabalak na kung ano. "Subukan mo lang gumawa ng masama may paglalagyan ka talaga" sabi niya ulit na nanggigigil na sa kaba.