Someone POV Pagkatapos ng interview ay lumipas ang isang lingo na hindi bumisita si Park sa restaurant. Naging tampulan ng tukso si Lea pagkatapos mapanuod ng mga kasama niya ang interview nilang dalawa.Hindi din siya nagku-kwento kung paano nangyare na naging sila ni Park. Ang Auntie Lora naman niya ay hindi na siya tinanung pa mukang nakwento na ni Park sa Auntie niya ang mga pangyayare. Ganun paman masaya ang Auntie niya na naging sila ni Park. Hindi din malinaw mismo sa sarili niya kung Boyfriend naba niya ito, ang pagkakaalam niya kasi ay hindi naman ito nanligaw sa kanya. "Lea may delivery ka na naman", malakas na tawag ng Auntie niya na nasa cashier area. Madali siyang lumabas ng opisina upang i-receive ang padala para sa kanya. Alam niya kung kanino iyon galing. Halos maumay na