_________
"Cherry dumating na ba si Ms. Lea?" Tanung ni Ji-hoon habang naghahalo ng gulay. Tumingin siya sa opisina.
Napailing lang sa kanya si Cherry "Naku Ji-hoon may crush ka siguro kay Ms. Lea" tugon ni cherry at itinuro ang sandok kay Lea nang nakitang papasok na ito.
Narinig ni Lea ang sinabi ni cherry kay Ji-hoon. Lumapit si Lea kay Ji-hoon upang kurutin ang pisngi. "Ji-hoon ang cute mo pag namumula ka" biro nito. "Taken na ako Ji-hoon, si Cherry na lang, sexy na maganda pa".Dugtong niya habang papasok ng opisina.
Na- blanko ang mukha ni cherry sa sinabi ni Lea at tumingin kay Ji-hoon. Napailing siya. "Ms. Lea talaga ang hilig magbiro"
Napatingin na lang Ji-hoon kay cherry at tumawa. "Hi hi hi, impossible" sabi niya.
Inirapan siya ni cherry at bumulong. "Kala mo kung sino, sa paningin ko muka ka pa ring oink oink ".
Ilang sandali pa ay narinig nila ang pagdating ni Auntie Lora.
"May meeting tayong lahat after ng duty," kaya medyo ma la-late na tayo ng uwi." Malakas na announce ni Auntie Lora na nasa dining area.
Kinagabihan nagpa meeting si Auntie lora sa lahat ng staff ng restaurant. Kasama din sa meeting si Park ji na masayang bumati sa kanila. Napasulyap siya kay Lea na abalang abala sa pagsusulat.
Ayaw tignan o sulyapan ni Lea si Park Ji. Hindi niya rin ito binati. Hindi naman sa masungit siya o galit. Ayaw lang niyang lumapit dito dahil baka may kung anu na namang mangyare.
Itinaas ni Auntie Lora ang kanyang mga kamay at nagsalita. "Masaya ako na nandito kayong lahat at masaya din akong ibalita na dumoble ang sales naten sa nakaraang tatlong buwan."
Sabay sabay silang nagpalakpakan sa binalita nito.
"At dahil sa hardwork niyo, magkakaroon tayo ng outing sa darating na sabado pwede niyo isama ang inyong pamilya, boyfriend o kapatid at wag kayong mag-alala. All expense are paid by our beloved Oppa Park Ji." Nakangiting balita ni Auntie lora sa lahat.
Nagbow naman si Park ji na nasa gilid malapit kay Auntie Lora. Nagpasalamat ang mga staff at naging excited sa Outing.
"Wow napaka generous pala niya" bulong ni Lea habang nagsusulat. Katabi niya si cherry.
"Mabait po talaga yan si Sir Park, minsan sa sobrang bait niya na-mimisinterpret ng iba lalo na yung mga co star niyang babae, kaya madalas siyang na chichismis na nagkagusto kay ganito, sila na daw ni ganito," kinikilig na sabi ni cherry.
"Ahh ganoon ba, ". Sagot na lang ni Lea.
" Ang gwapo ni sir noh, hayyyy.." Dagdag ulit ni cherry habang nakatingin kay Park ji.
Napaubo si Lea sa sinabi nito na muntik pa niyang ikatawa. Napasulyap siya kay Park Ji na nakatitig din pala sa kanya. Nakangiti ito, tinaasan lang niya ng kilay ang binata.
-----------
"Mommy tatawag ka pag nakadating na kayo dun ahh, gusto kong makita yung beach na pupuntahan ninyo". tugon ng anak habang sumusubo ng pagkain.
Nag video call si Lea sa anak at nakwento niya nga ang tungkol sa outing nila.
"Sure baby, magpapadala din ako ng pictures para mas marami kang makitang tanawin" sagot niya sa anak.
"Mommy pwede po ba pag tatawag ka pakihugasan muna po yang mukha mo, para ka kasing mumu"
"Beauty treatment ko yan anak para laging pretty si mommy" ngiting sabi ni Lea.
"Nay kamusta? Umiinum po ba kayo ng maintenance ninyo? Sabihan niyo po agad ako ni tatay pag may masakit o hindi maganda sa katawan niyo" tanung niya sa ina na nakatabi kay Tyler.
"Wag kang mag-alala anak, malusog kame ni tatay mo. Sagot nito.
" Kalabaw lang ang tumatanda," dagdag ng itay niya na inilapit ang mukha sa video.
Narinig ni Lea na may nagdoor bell sa pinto. Nagpaalam muna siya sa anak at pinutol ang tawag.
Tinignan niya ang camera, si Park Ji ang nakita at pinagbuksan ito ng pinto
Anung ginagawa niya rito eh gabi na,
Nagulat si Park Ji sa nakita. Akala niya multo ang nasa harapan niya. Napasigaw siya ng malakas dahil sa takot. Ang lakas ng kaba sa dibdib niya.
Napatingin lang si Lea kay Park ji, Maya-maya ay tumawa siya ng malakas.
Nagising naman ang Auntie niya dahil sa ingay. At agad na pumunta sa kinaroroonan nila.
"Anu bang nangyare Lea " takang tanung nito. "Juice mio maramar! gulat na sabi nito ng makita si Lea.
Pilit na pinipigil ni Lea ang pagtawa sa harap ni Auntie lora niya.
"Auntie pasok na po ako sa room matutulog. Goodnight" ngiting tugon habang naglalakad papunta sa kanyang kwarto.
Inalis muna ni Lea ang face mask bago natulog. Natawa siya nang maalala ang reaksyon ni Park ji sa kanya kanina.
Nakaganti din ako haha
Dinikit niya ang tenga sa pintuan, dinig pa niya na kausap pa ni Auntie lora si Park Ji. Agad siyang napatakbo sa kama nang kumatok si Auntie Lora sa pinto.
"Lea, gising ka pa ba? May pag-uusapan sana tayong tatlo". Tanung nito at binuksan ang pinto. Nakita ni Auntie lora na nakapikit na ito, nasa likuran naman niya si Park ji at tanaw nito na natutulog na si Lea. Sinara na Auntie lora ang pinto.
"Bukas na lang po siguro Auntie Lora, ako na lang po kakausap sa kanya".
At isinara na ni Auntie lora ang pinto.
Napabangon si Lea sa narinig. "Usap? Tingin mo makikipagusap ako sayo, belat mo!" Naka ngisi niyang sabi at bumalik sa pagkakahiga.
-------
"Nandito na ba ang lahat?" Tanung ni Auntie lora na nakapustarang beach attire.
" Ma,am Lora, wala pa po si Park ji," sagot ni cherry habang sumusubo ng chips.
Napatingin ang lahat sa pinto ng bus nang pumasok si Park Ji. Naka white shirt ito at denim jeans and white shoes.
Kinikilig ang mga staff na babae nang makita ang binata.
Ilang saglit pa ay nasa likuran na ni Park Ji si Lea dala ang isang supot ng bottled water at chips na binili. Dinaanan lang niya si Park Ji, agad siyang umupo at nagsuot ng shades. Wala siyang pakialam ng mga sandaling iyon.
"Oppa convoy kaba samin" tanung ni Auntie lora na napatingin sa itim nitong sasakyan.
"Gusto ko po sanang sumakay dito sa bus, kung ok lang po". Sagot niya.
Napa sulyap si Lea kay park. Hayyst, dito pa siya sasakay eh may sasakyan naman siya.
"Oo naman Oppa," tugon ni Auntie lora na napabaling ang tingin sa kinaroroonan ni Lea.
Tinuro ni Auntie Lora ang katabing bag ni Lea at sumenyas sa kanya na doon sa tabi niya ito paupuin.
Napaangat ng shades si Lea at binagyan niya ng blankong tingin si Park ji. Inayos niya ang bag at umupo sa tabi niya si Park ji. Tahimik lang si Lea habang naka headset na nakikinig ng music. Pa sulyap sulyap lang si Park ji sa kanya.
Ilang saglit pa ay dumating si Ji-hoon dala ang isang malaking topperware na laman ay sandwiches. Umupo ito sa tabi ni Auntie Lora na sumenyas na dun na lang umupo sa tabi nito.
Napatingin ng bahagya si Ji-hoon kila Lea at Park ji. Para siyang nagseselos.
"Tayo na sa beach, Fighting!!!" Masayang sabi ni Auntie lora.
"Fighting!! Sigaw naman ng mga tao sa bus.
Masaya ang lahat habang nasa byahe.
Ang dalawang kotse ni Park ji ay dina-drive ng kanyang mga bodyguard. Naka convoy ito sa bus nila Auntie Lora.
-----
Inangat ni Lea ang kanyang shades. At tumingin sa katabi nitong bintana.
"Malayo pa tayo" napalingon siya sa nagsalita. Si Park ji pala.
Tinignan niya lang ito. Bigla nag ring ang kanyang phone. Nakita niyang tumatawag si Tyler. Pinindut niya ang video call.
"Hi baby nasa byahe na kame", sabi nito sa anak.
" Wow mommy, sana kamasa ako mommy".
"Next time anak isasama kita," inikot ni Lea ang phone upang makita ng anak ang bus at mga kasamahan nito.
"Mommy kilala ko siya," Sabay turo nito sa katabi niya.
Takang sumulyap si Lea kay Park ji at kumaway ito kay Tyler.
"Si Uncle park!!" Malakas na sabi nito at kumaway din kay Park Ji
"Panu mo siya nakilala baby?". Kunot noong tanung niya.
" Pinakilala po siya sa atin ni Auntie lora nung burol ni daddy" sagot nito.
Saglit na natahimik si Lea at agad na binawi ang reaksyon. "Ganun ba baby, kumain kana ba?
" yes mommy, tawag na po pala ako ni Lola maliligo" ngiting paalam nito.
"Ok baby take care, I love you" Sagot ni Lea.
Tahimik lang si Park Ji sa pauusap ng dalawa. Lihim niyang tinitignan si Lea sa mga kilos nito.
Lumingon siya kay Park ji pagtapos ng usap nila ng kanyang anak.
Ngiti lamang ang tinugon nito sa kanya.
Ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata at umidlip.
Park Ji POV.
Naramdaman kong sumandal ang ulo ni Lea sa aking balikat. Nakatulog na pala siya. Lumingin ako at nakita ko ang maamo niyang mukha. Ang cute niya kahit natutulog.
Inaangat ni Lea ang kanyang ulo at tinignan kung nakarating na kame. Muli siyang bumalik ng tulog, nang makita na nasa byahe pa. Hindi niya naramdaman na nakasandal ulit ang ulo niya sa balikat ko. Ganoon din ako nakatulog na din at magkatabi ang aming mga ulo.
--------