*****************
"Auntie nakakahiya talaga parang di ko na po kayang pumasok bukas" pagmamagtol ni Lea sa kanyang Auntie.
" Naku ikaw bata ka, wag mo ng isipin yun, siya lang naman ang nakakita. Saka di ko napansin na pink pala yun" birong tugon nito.
"Hindi ko talaga gusto ang lalaking yun, unang kita ko pa lang naramdaman ko na, na may masamang mangyayare at yun nga auntie sa pagiging clumsy niya ay natapunan niya ko ng juice" Hindi masabi ni Lea ang eksaktong nangyare.
"Pag pasensyahan mo na hija si Park Ji. Excited kasi siyang makita ako. At tungkol dun, sobra siyang humihingi ng tawad sayo. Nagtatanung din siya kung anung dapat niyang gawin para mapatawad mo siya.
Napabuntong hininga lang si Lea" Ako na lang po siguro ang iiwas auntie". Sagot niya at pumasok na sa banyo upang magsipilyo.
"Kung pwede ko lang sanang sabihin na wag nang papuntahin ni auntie ang lalakeng yun". Napatingala na lang siya at pumikit, pilit na inaalis sa alaala ang mga pangyayareng iyon.
3 Months After..
Lea POV
Mag-gagabi na din at magsasara na kame ng restaurant, kami nalang ni Ji-hoon ang natira. Si auntie naman ay nauna ng umuwi dahil sa sobrang pagod, dalawang branch kasi ang binisita niya ngayon araw dahil sa monthly inventory.
Mag ta-tatlong buwan na din ako dito sa Korea. Hindi na rin ako masyadong na Ho-home-sick, naging close ko narin ang mga empleyado ni Auntie. At si Ji-hoon seryoso talaga sa pagpapa-payat. kung hindi mo siya kilala aakalain mong isa siyang artista. Nakadagdag na rin siguro yun dahil dumami ang customer namin.
Namimiss ko na ang baby Tyler ko at sila nanay at tatay. Hindi ko na din nakikitaan ng lungkot ang anak ko sa tuwing i-vi-video call ko sila ni nanay. Nasanay na rin siguro sila sa long distance. Medyo ok na sa ngayon.
Someone's POV
"Ji-hoon ok ka na ba dyan? Pwede mo ba akong tulungan dito medyo mataas kasi" tanung ni Lea habang inaabot ang malaking frame upang punasan.
"Saglit lang po Ms. Lea, malapit na po akong matapos inaayos ko lang po ang mga lulutuin para bukas" malakas na sabi nito habang nasa kusina.
Mayamaya pa ay may umubo sa kanyang likuran. Nakatayo pala sa likod niya si Park Ji. Hindi niya napansing pumasok ito. Gabi na ito dumating sa pag aakala na nandun pa si Auntie Lora. Naisip niyang gabi bumisita upang hindi siya makilala ng mga nandoon. Dala niya ang itim na kotse hindi na niya dinala ang kanyang mga body guard dahil mahahalata siya na isang celebrity. Sa pinto pa lang ng restaurant nakita na niya si Lea na naglilinis. Babatiin niya sana ito ngunit naalala niyang may atraso pa siya.
"Ji-hoon pakialalayan mo nga ako. Pupunasan ko yung bandang itaas ng frame medyo maalikabok" sabi ni Lea habang tumutungtong sa upuan. Hindi niya nilingon kung sino ang nasa likuran niya sa pag-aakalang ito ay si Ji-hoon.
Tahimik lang si Park Ji na umalalay sa kanya. Wala pa rin itong imik. Tahimik niyang pinagmamasdan ang mahaba nitong buhok at balingkinitan na katawan.
Patuloy na nagpunas si Lea hanggang matapos. Napalingon siya sa likuran upang magpasuyo ulit na umalalay pababa. Ngunit nang lumingon ay si Park Ji ang nakita niya.
"Ikaw? Takang tanung ni Lea. Hindi niya alam kung saan itatapak ang isang paa.Naramdaman niya na lang ang kanyang pagbagsak. Lumakabog ng malakas, napapikit siya, hindi niya alam kung saan siya bumagsak dahil parang may sumalo sa kanya. At parang may mali sabi ng isip niya.
Napapikit si Lea sa kanyang pagkakatumba. Unti unti niyang binuksan ang kanyang mga mata. Nakita niya na nakatitig sa kanya si Park ji. Magkadikit din ang tungki ng kanilang ilong. Halos limang segundo silang nagkatitigan. Naamoy niya ang mabangong hininga ni Park Ji. Napalunok siya, para siyang kahoy na hindi makagalaw. Nakapatong siya kay Park-Ji ng mga sandaling iyon. Parang slowmo na iniisip niya kung paano siya bumagsak at bakit kay Park Ji pa.
"OH MY GOODNESS!!!" I KISS HIM!!! Sabi ng isip ni Lea. Naramdaman niya na lang na gumagalaw na ang kamay nito na nakahawak sa kanyang bewang at ang labi nito, Ibubuka sana nito ang bibig, kaya mabilis na nilayo ni Lea ang kanyang mukha at agad na bumangon.
Sakto namang papunta na si Ji-hoon sa kinaroroonan nila.
Narinig niyang dali daling itong lumabas mula sa kusina. Inaayos niya agad ang sarili. Ganoon din si Park ji na inaayos ang kwelyo ng polo.
"Anu pong nangyare? Pag-aalalang tanung ni Ji-hoon na nakatingin sa dalawa.
"Na-na-hulog ako," pautal na sagot ni Lea. Hindi niya maitapak ng maayos ang kanyang mga paa. Mukang nabalian yata siya. Paika-ika siyang humakbang papunta sa upuan.
"Dahan dahan lang po Ms. Lea" tugon ni Ji-hoon na dali daling umalalay sa kanya. Nakasunod din si Park ji at agad na hinawakan ang paa ni Lea nang makaupo na silang dalawa.
"Ouch!' medyo masakit, dahan dahan lang" sabi ni lea habang hawak hawak ni Park Ji ang kanyang kanang paa. Matalim ang tingin niya sa binata. Pinagmamasdan niya ang binata. Gusto niyang salubungin ang mata nito upang bigyan ng masamang tingin dahil sa pangyayare. Ngunit iba ang nangyare, nawiwili siyang tignan ito dahil sa maganda nitong mata, ang lips nitong mapula, ang makinis na mukha at ang matangos na ilong nito. Para siyang na hi-hypnotize sa itsura nito. Nag-eenjoy siya sa kanyang nakikita. Napa iling siya, hindi dapat ganun ang isipin niya.
Napatitig sa kanya si Park Ji, na agad niya ding iniwas ang tingin sa binata. Seryoso ang mukha nito habang hinihilot ang kanyang mga paa. Agad itong nagpasuyo kay Ji-hoon na kumuha ng pain reliever upang ipainum kay Lea.
"Nandito po pala kayo Sir Park". Tanung ni Ji-hoon habang inaabot ang gamot at isang basong tubig kay Lea.
" Ah oo, bibisitahin ko sana si Auntie. Ahmm,..Nakita kong naglilinis si Ms. Lea kanina, nagulat yata siya nung nakita ako kaya nahulog siya." Sabi ni Park Ji habang nakatitig kay Lea
"Sorry ha, nagulat yata kita." Dagdag nito at itinuon ang tingin sa paa ni Lea."Pag namaga or masakit pa rin hanggang bukas sabihan mo ko para mapacheck natin sa doctor". Seryosong sabi nito.
"Pag namaga yan, gigilitan kita sa leeg. Humanda ka lang" Bulong ni Lea. Napatingin ang dalawa sa kanya na tila nagtataka. Narinig pala nila ang sinabi niya.
"Sabi ko, kaya ko namang pumunta mag isa sa doctor wag ka nang mag-alala" pilit ngiting tugon ni Lea.
Inalalayan ng dalawa si Lea pauwi sa apartment. Agad na sumalubong si Auntie Lora pagbukas nito ng pinto.
"Ms. Lea sigurado ka po ba na ayaw mo ng magpadala sa hospital ngayon?" Tanung ni Ji-hoon habang nakaalalay sa braso ni Lea. Habang si Park Ji ay nakasunod lamang sa likuran.
"OK lang ako wag ka nang mag-alala" sagot ni Lea kay Ji-hoon.
"Lea anung nangyare? Tanung ni Lora kay Lea.
" Na out of balance po ako Auntie" sagot ni Lea. Dudugtong sana niya na dahil iyon Kay Park ji. Sabay tingin ng matalim kay park ji.
"Ma'am Lora, wag na lang po naten siguro papasukin si Ms. Lea bukas baka di pa po magaling yung paa niya". Tugon ni Ji-hoon.
Kasalukuyan silang nasa sala ng mga Sandaling iyon.
"Oo nga Lea, baka mamaga yan" pag-aalalang sagot ni Auntie Lora.
"Ok lang ako Auntie, Pahinga lang ito. Umuwi kana Ji-hoon magpahinga kana rin maaga pa pasok natin bukas" tugon ni Lea. Napatitig siya kay Park ji na nakatingin din sa kanya. Muka namang nagsosorry ito. Habang si Lea ay matalim na titig ang sinagot sa kanya.
Ilang sandali pa ay nagpaalam na din si Ji-hoon upang umuwi. Pumasok na din si Lea sa kanyang kwarto upang magpahinga. Inalalayan naman siya ni Auntie Lora papasok ng pinto.
Habang nasa kwarto ay pilit na binabalik ni Lea sa alaala ang mga pangyayare kanina. At Kung paanong nandun sa likuran niya si Park Ji. Hindi sana siya mahuhulog kung hindi niya ito nakita. "Minamalas talaga ako pag nakikita ko siya, at hindi lang yun nagkahalikan pa kame"!! sinuntok niya ang unang nasa tabi niya.
Park Ji POV
Gabing gabi na nang umalis ako kila Auntie Lora. Doon na din pala nakatira si Lea. Napangiti ako ng bahagya at napagakat ng labi ng maalala ang pagki-kiss naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing makikita ko si Lea ay parang may saya sa puso ko. Hindi ko pa nararanasan ito sa lahat ng babaeng nakilala ko, ngunit iba si Lea, hindi ko siya makuha sa titig, lagi siyang walang reaksyon pag tinitignan ko. Parang ordinaryong lalake lang ako sa kanya. Samantala pag sa ibang babae ay parang mawawalan na nang malay kindatan ko pa lang.
Nakilala ko naman si Auntie Lora noong muntik ng mabangga ng motorsiklo si mama. Nawalan kasi si mama ng malay sa daan, pauwi na siya noon galing sa supermarket, dahil sa pagod ay nawalan siya ng malay mabuti nalang ay may sumaklolo sa kanya. At yun nga ay si Auntie Lora, simula non ay naging matalik na kaibigan na ni mama si Auntie Lora. Matagal ng naku-kwento saken ni Auntie Lora si Lea. Noong panahon ng lamay ng asawa nito ay sumama ako kay Auntie Lora na umuwi ng pilipinas hindi dahil sa gusto ko kundi dahil nakikidalamhati din ako. Dahil sa mga kwento ni Auntie Lora tungkol kay Lea ay pakiramdam ko ay napakalapit ko na sa kanya. Malaki na nga ang pinagbago ni Lea noong una ko siyang makita. Payat siya noon at laging malungkot ngunit taglay pa rin niya charm hanggang ngayon na nakita ko ulit siya. Ipinakilala na ko noon ni Auntie Lora sa kanya ngunit hindi niya ata iyon maalala dahil sobrang kalungkutan.
"Nagugustuhan ko na ba siya" sabi habang nakahiga sa kama. Napaubo ako at napalunok.
"Paano kung magkagusto nga ako sa kanya?" sabi ko at napahawak ako sa kwelyo ng aking polo.