Someone's POV
Hindi kinaya ni Ji-hoon ang kilig na nararamdaman niya kaya siya nawalan ng malay. Si Ji-hoon ay matangkad at sabihin na nating mataba. Naging tampulan siya ng tukso simula nung bata pa siya dahil sa pagiging mataba niya, nahihirapan din siyang mag diet dahil nga chef siya. Hindi niya maiwasang kumain lalo na pag masarap ang pagkain. Dagdag pa nito na magaling ding cook si Lora. Matagal na din siyang chef ni Lora. Siya ang nagturo rito kung paano mag luto. Itinuring na ring pamilya siya nito kaya halos close silang dalawa, para silang mag-ina kung magkasama.
Tulong tulong ang mga crew sa pagbubuhat kay Ji-hoon papunta sa sofa. Buti na lang ay may isang oras pa bago mag bukas ang restaurant.
Nang magkaroon ng malay ay agad siyang pinainum ng tubig ni Lea. Sakto naman na dumating na rin si Lora.
"Ok kana Ji-hoon? may masaki ba? Gusto mo bang dalhin kana namin sa hospital? Pag-aalala tanung ni Lea sa kanya.
"Ok na po ako Ms. Lea, mainit lang po siguro kaya ako nahimatay." sagot nito sa kanya. Kailangan niyang kontrolin ang sarili niya pag kaharap si Lea kung hindi ay hindi siya makakapagtrabaho ng maayos at ang maalala baka magalit sa kanya si Lora pag nagkataon.
"Panung mainit ang panahon ang lamig lamig nga dito, malapit na nga mag-snow, ikaw talaga Ji-hoon pinag aalala mo na talaga ako. Haynaku sa susunod na lingo kailangan mo nang bawasan ang pagkain mo at mag exercise. Ayokong nagkakasakit ka para na rin kitang anak." Sermon ni Lora sa kanya.
Napatingin si Ji-hoon sa dalawa at yumuko. "pasensya na po Ma'am Lora, hayaan niyo po mag e-exercise na po ako at babawasan ang pagkain. Hindi lang masabi ni Ji-hoon ang totoo na si Lea ang dahilan ng pagkawalan niya ng malay.
"Magpahinga kana muna, yung assistant chef mo na lang na si cherry ang magluluto muna ngayong araw tutulong din naman ako dahil darating ang ating Oppa" bilin ni Lora sabay tapik sa braso ni Ji-hoon.
Umuwi muna si Ji-hoon upang magpahinga. Naging busy ang lahat nang sumapit ang tanghali. Si Lea ang umaalalay sa Cashier Area at si Lora naman at Cherry ay nasa Kusina.
Lea POV
"Ngayon pala darating ang Oppa ni Auntie. Sobrang close siguro nila" sa isip ko habang nakatitig sa entrance ng restaurant
Napansin kong unti unti nang napupuno ang restaurant at bakit parang may mali. Puro babae ang nakikita kong pumapasok. Agad akong umayos ng tindig upang mag-assist sa cashier. Maya-maya pa ay may humintong sasakyan sa tapat. May lalaking lumabas na nakasuot ng denim jeans at black shirt, naka cap at naka shade ito. Pumasok ito sa resto at nag silingunan ang lahat ng babae na nandoon. Dinumog siya ng lahat, agad naman umalalay ang mga crew para pigilan ang mga babae,
"Oppa Park Ji" sigaw ng mga babae. Mga fans pala ito.
Halos mabingi ako sa ingay nila. Hindi ko na rin makita ang lalake dahil dinumog na ito, meron pang nag-away na dalawang fans dahil sa kagustuhang makalapit.
May lumabas sa sasakyan kung saan nanggaling ang lalake. Dalawang mamang naka suit ng itim ang agad na pumasok sa resto upang alalayan yung Oppa na tinatawag nila. Agad na hinawi ng dalawang lalake ang mga tao at unti unting pinalabas ang mga fans.
Nakita kong halos konti na lang ang natirang customer sa restaurant. Inayos ng lalaki ang nakusot nitong t-shirt at nahulog na cap. Medyo malago ang buhok niya na kulay itim. Agad siyang nagtungo sa kinatatayuan naming ng Kahera.
"Miss nandyan po ba si Auntie Lora" tanung nito sa cashier.
Nang makita ko siya ng malapitan medyo nakahawai ang shades niya. Nasabi ko na may itsura pala kaya ang daming fans.
"Ako na lang ang kakausap sa kanya" sabi ko sa Kahera na hindi nakasagot agad sa kanya dahil sa kinikilig ito.
"Anu pong kaylangan niyo sir kay Auntie Lora" ngiting tanung ko sa kanya.
Matagal din siyang tumitig sa akin na para bang nagtataka.
Makalipas ang isang minutong pagtitig niya sa akin ay lumabas din sa Auntie Lora.
"Oppa!" Tawag ni Auntie Lora habang papunta sa kinatatayuan ng lalaki. Agad itong niyayang umupo sa upuang pina-reserved ni auntie.
Ako naman ay naging abala sa pagkuha ng order ng mga customer. Ako na din ang nag-serve ng ibang inumin dahil ang ibang crew sa pinto ay nakabantay sa maraming fans.
Sumenyas sa akin si Auntie Lora na dalhan ko sila ng inumin. Dinala ko ang inumin papunta sa kanilang table. Abalang-abala naman sa pagkukwento ang lalaki ng biglang inangat niya ang kanyang kamay dahilan upang tumapon sa dibdib ko ang inumin. Naka puting polo ako at naka denim jeans. Gulat na gulat ang lalaki sa nangyari agad siyang kumuha ng panyo at ipinunas sa natapunan na parte ng aking damit.
"Sorry Sorry", sabi niya habang hawak hawak ang panyo na pinupunas sa damit ko.
Nanlaki ang mata ko nang makita kong bumakat ang bra ko sa damit. Sa dibdib pala ako nabasa at halata din ang pag ka color-pink ng bra ko.
Napatingin din siya sa dibdib ko. Binigyan ko siya ng masamang tingin. Akmang hahampasin ko sana siya, buti na lang napigilan ko pa sarili ko. Agad akong nagtungo sa opisina upang ayusin ang sarili at magpalit. Hiyang hiya ako sa nangyari. Ok lang sana kung si auntie lora lang ang nakakita, ang masama pa nito sa harap ng maraming tao pa. Halos lahat ng tao kanina nakatingin sa aming dalawa.
Gusto ko siyang sakalin at ibitin patiwarik. Nanggigigil ako sa sobrang inis sa kanya.
Someone's POV
Hindi napansin ni Park Ji na papalapit na si Lea sa kanilang table. Nai-angat niya ang kanyang kamay sa pagkukwento na naging dahilan nag pagtapon ng inumin sa damit ni Lea. Kumuha agad siya ng panyo sa kanyang bulsa at ipinunas sa damit nito. Ngunit na agaw ng kanyang pansin ang dibdib nito lalo pa't lumitaw din ang color pink nitong bra. Natuon ang tingin niya doon na ikinagalit naman ni Lea. Gusto pa sana niyang humingi ng sorry ngunit dalidali na itong pumasok sa kusina kung saan nandun din ang opisina.
Una pa lang niya itong makita ng malapitan ay napansin na niya ang magandang hugis ng mukha at ang dimple nito. Hindi siya katulad ng mga babaeng nakilala niya na natutulala pag kausap siya o di kaya'y napapa titig lang sa kanya.
Sa isip niya parang hindi tumalab ang charm niya sa babaeng ito.
Park Ji POV
"Auntie Lora pasabi na lang po Kay Ms. Lea na sobra po akong nagso-sorry sa nangyari. Kasalanan ko po talaga. Gusto ko sana siyang puntahan kaso baka sampalin na niya ako." Sabi ko kay auntie lora habang nasa pinto ng sasakyan.
"Naku hijo kakausapin ko na lang siya, mabait naman yun at maiintindihan niya ang nangyari." Sagot ni auntie Lora. "Kelan mo ko ulit bibisitahin? Ipadala mo pala ito sa iyong mama ha, ginawa ko yan para sa inyong dalawa." Tugon niya saken habang inaabot ang dalawang topperware na naka supot.
"Ikaw talaga auntie lagi kang may pabitbit pag binibisita kita" biro ko kay auntie. Niyakap ko siya bago pumasok sa loob ng kotse.
Muling sumagi sa isip ko ang mga nangyari kanina dahil sa sobrang excited kong magkwento kay auntie Lora hindi ko napansin na nahawi ko pala ang inumin. Iniling iling ko ang aking ulo upang hindi maalala ang mga nakita napabuntong hininga na lang ako. "Haayyysstt... Nyahhh!,"