CHAPTER 23

1501 Words
"Feeling niya magseselos ako? Ha! Swerte siya! Kahit ilang babae pa ang iharap niya sa 'kin kahit na halikan pa niya sa harapan ko never akong magseselos!" Wika ko sa aking sarili habang nasa opisina ako at nakahalukipkip na nakaupo sa aking swivel chair. Napabuga na lang ako nang malakas sa hangin at sabay pumikit. Hanggang sa pagpikit ko ay mukha ni Doctor Miller ang nakikita ko. Nababaliw na talaga ako, tumayo ako at mabilis na lumabas ng aking opisina. Nasa ground floor na ako ng makasalubong ko naman si Sha-Sha. "Hi Lou!" Masayang bati nito sa akin pagkalapit niya sa aking kinaroroonan. "Anong ginagawa mo dito?" "Niyaya kasi ako ni honeybunch magdinner ngayon. Grabe nagulat nga ako sa kan'ya kanina kasi bigla na lang akong niyaya, umoo-o kaagad ako." Masayang wika ni Sha-Sha sa 'kin. Tinotoo talaga niya ang sinabi ko na ibaling kay Sha-Sha ang nararamdaman niya para sa 'kin. Mas okay na rin naman 'yon. Pero bakit imbes na matuwa ako ay nakakaramdam ako ng sakit. Sakit na ang hirap gamutin lalo na kapag ang mahal mo ay masaya sa iba. Ngumiti naman ako ng tipid kay Sha-Sha. "E 'di maganda kung gano'n, malay mo ligawan ka na n'ya talaga" "Naku Lou sana nga noh!" Magsasalita pa sana ako ng biglang kumaway naman si Sha-Sha kaya bigla akong napalingon sa aking likuran kung sino ito. Pareho pa kaming nagulat ng magtama ang aming mga mata. Pinuntahan naman siya ni Sha-Sha at sabay umangkla sa braso ni Doctor Miller. Napaiwas naman ako nang tingin at huminga ng malalim. "Lou sumama ka na sa 'min magdinner" "Ha? 'W-wag na susunduin din naman ako ni Kristoff eh" "E 'di mas maganda double date na lang tayo!" Napatingin naman ako kay Doctor Miller na mataman ding nakatitig sa 'kin. Napabaling naman ang tingin ko kay Sha-Sha na tila hinihintay ang sagot ko. "Okay tatawagan ko na lang si Kristoff kung saang restaurant tayo." Pumunta naman kami ng restaurant sa 'di kalayuan sa ospital. Medyo naiilang din akong kasama itong dalawa dahil pakiramdam ko ay out of place ako sa kanila. Nasa unahan ko sila habang naghahanap kami ng p'westo. Hinawakan pa ni Doctor Miller ang bewang ni Sha-Sha na ikinairap ko naman. Hindi ko malaman sa taong ito kung talaga bang nananadya na siya para ipakita sa 'kin na balewala na ako. Kailangan ko rin na ipakita sa kan'ya na hindi ako apektado. Pumwesto naman kami sa bandang dulo sa wala masyadong tao, magkatabi sila ni Sha-Sha at ako naman ay sa kanilang harapan. "Anong gusto mong orderin Shania?" "Ikaw na ang bahala, basta ikaw go ako!" Natawa naman si Doctor Miller sa tinuran ng kaibigan ko. Bigla namang naghurumintado itong puso ko nang makita ko ang simpleng pagtawa niya. Napaiwas ako nang tingin sa kan'ya ng bigla s'yang napabaling nang tingin sa akin. "How about you Doctora Alcantara?" "Kahit ano na rin sa 'kin," wika ko habang nasa ibang direksyon ang tingin ko. "Bakit parang malungkot ka Lou? 'Wag mo naman masyadong mamiss si Kristoff dadating na rin 'yon," biro sa 'kin ni Sha-Sha at sabay irap ko dito. Ilang minuto pa ang lumipas ay siya namang pagdating ni Kristoff. "Hi love kanina pa ba kayo?" Bati niya sa 'kin at humalik sa aking pisngi bago siya naupo sa aking tabi. "Hindi naman halos kakarating lang din namin" "Kumusta Doctor Miller? Mukhang napapadalas na yata ang paglabas-labas n'yo ni Sha-Sha ah! Nakangiting turan niya. "I invited her for dinner dahil gusto ko rin naman siyang makilala ng lubos," matapos niyang sabihin 'yon ay bigla naman siyang tumitig sa 'kin na parang wala lang sa kan'ya. Ang totoo ay parang kanina ko pa gustong sumabog dahil sa selos. Pero wala naman ako sa lugar dahil may Kristoff na ako, at isa pa ito naman ang gusto kong mangyari. Tama, mabuti na ring nagkaliwanagan kami para wala kaming masaktan. "H'wag kang mag-alala Doctor Miller ibibigay ko naman sa'yo ang matamis kong oo!" Sabay tawa ni Kristoff at Sha-Sha samantalang kami ni Doctor Miller ay nakatingin lang sa isa't-isa na para bang binabasa namin kung ano ang nasa isip namin. Maya-maya ay dumating na rin ang order namin, inasikaso naman ako ni Kristoff, nilagyan niya ng pagkain ang plato ko at pinaghiwa pa niya ako ng steak. "Kristoff hindi ka kumakain ng beans?" Tanong ni Doctor Miller. Napansin kasi nito na tinatanggal niya isa-isa ang mga beans na nakahalo sa ulam. "Kay Louise 'to, allergic kasi s'ya sa beans eh. Napabaling naman ang tingin ni Doctor Miller sa 'kin na ikinaiwas ko naman. "Muntik na nga siyang mamatay noon dahil grabe ang epekto sa kan'ya noong allergy na 'yon. Buti na lang naisugod siya kaagad ni Kristoff sa ospital. He's her knight in shining armor talaga." Saad ni Sha-Sha. Mataman pa ring nakatingin sa 'kin si Doctor Miller na para bang may gusto siyang ipahiwatig. "Here," binigay naman sa 'kin ni Kristoff ang ulam na tinanggalan niya ng beans. "Thank you" "Ang swerte mo Lou talaga kay Kristoff kaya naman ang daming naiinggit sa'yo girl! Masyadong mahaba ang hair mo," ngumiti lang ako ng pagak kay Sha-Sha at binalingan ko naman ng tingin si Doctor Miller na ngayon ay busy na sa kan'yang pagkain, at animoy wala itong narinig sa sinabi ni Sha-Sha. "Mas maswerte ako kay Louise," napatingin naman ako kay Kristoff at nakangiti n'ya akong tinitigan. Kinuha niya ang isang kamay ko at hinalikan, tipid naman akong ngumiti sa kan'ya. "Excuse me magbabanyo lang ako," paalam naman ni Doctor Miller at mabilis na tumayo. Sinundan ko naman s'ya ng tingin habang papalayo s'ya sa pwesto namin. "Anong nangyari do'n parang wala yata s'ya sa mood?" Tanong ni Sha-Sha. "Pagod lang siguro 'yon alam mo naman Doctor 'yon, parang itong si Louise hindi mo makausap kapag pagod," nangingiting turan ni Kristoff. Hindi ko na alam kung ano pang pinag-uusapan nila dahil nag-aalala ako kay Doctor Miller. I know what he feels pero hindi dapat ako magpadala sa damdamin ko. "Hey love are you okay? Kanina ka pa tahimik eh. Hindi mo ba gusto 'yong pagkain? Gusto mo bang iorder kita ng panibago?" Tatawagin na sana n'ya ang waiter nang pigilan ko s'ya. "Kristoff okay lang ako, medyo busog pa kasi ako dahil ang dami ko rin kinain kanina baka hindi na 'ko matunawan niyan," pagsisinungaling ko sa kan'ya. Nawalan na rin kasi ako ng gana, at hindi ko mawari ang pakiramdam ko ngayon. Nang matapos na kami kumain ay napagpasyahan na namin umuwi. Nasa labas na kami ng restaurant at nagpaalam muna si Kristoff para kunin ang kan'yang sasakyan. Kasalukuyan kong hinihintay si Kristoff nang biglang may kumabig sa akin na ikinagulat ko. Nanlaki pa ang mata ko sa gulat at malalakas ang aking paghinga ko siyang tinitigan. "Lou are you okay?" Nag-aalalang nilapitan ako ni Sha-Sha. Unti-unti namang bumitaw sa pagkakahawak sa bewang ko si Doctor Miller, at nag-iwas naman ako nang tingin sa kan'ya. "Lou ano bang nangyayari sa'yo kanina ka pa kasi parang wala sa sarili mo eh." "I-i'm sorry, marami lang akong iniisip about work." Bigla namang dumating si Kristoff at taka kaming hinarap. "What happened?" "Ito kasing si Lou muntik nang mahagip ng motor, buti na lang hinila s'ya kaagad ni honeybunch" "Love are you okay? "Yes I'm okay," binalingan ko naman si Doctor Miller na mataman ding nakatingin sa akin. "Thank you Doctor Miller," wika ko. Tumango lang s'ya at tumingin sa malayo. Nasa sasakyan na kami at ako'y nakatingin lang sa labas ng bintana at iniisip ang nangyari kanina. Ang mga mata ni Doctor Miller ay mapaghahalataang malungkot, hindi na katulad ng dati kapag tinititigan ko s'ya. Hindi ko namalayang nasa tapat na pala kami ng aming bahay. Hinawakan naman ni Kristoff ang aking kamay kaya doon lang ako napabalik sa huwisyo at sinulyapan siya. "Love may problema ba? You can tell me." Ngumiti ako sa kanya at mariing pinisil ang kan'yang kamay na nakahawak sa 'kin. Pipiliin ko bang maging masaya pero may tao naman akong masasaktan, o mas pipiliin kong ako ang masaktan pero hindi naman masaya?" Wala ako sa sarili kong niyakap s'ya at unti-unting pumatak ang aking mga luha. "Hey love what's wrong? Is this because about sa nangyari kanina? Natakot ka ba?" Kumalas naman ako nang pagkakayakap at hinarap siya, at patuloy pa rin ang pagpatak ng aking mga luha. "I'm sorry Kristoff" "Sorry for what?" "For everything, I'm sorry." Pinunasan naman n'ya ang aking mga luha at hinawakan ng dalawang palad niya ang aking pisngi. "Whatever your decision is, I'll respect it. At kung may laban pa rin ako para mahalin mo. I'll do anything to have that. Hindi ako susuko Louise, mahalin mo lang ako." Mas lalo akong naiyak sa mga katagang binitawan n'ya. Umaasa pa rin s'ya na maibibigay ko ang pagmamahal na dapat ay sa kan'ya. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana ng makilala ko si Doctor Miller. Kahit anong pigil ko at kahit anong tanggi ko ay s'ya pa rin ang nilalaman ng puso at isipan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD