Pagkatapos nang nangyari sa'min ni Doctor Miller sa banyo ay kaagad ko ng niyaya si Kristoff na umuwi na. Nagdahilan na lang ako na masama ang pakiramdam. Hindi ko na kaya pa siyang makaharap. Nasa kotse na kami at tinatahak na namin ang daan papunta sa bahay ko para ihatid ako ni Kristoff. Nakasandal ako sa salamin ng bintana ng kotse at nakatingin sa labas. Kailangan kong pigilan itong nararamdaman ko para kay Doctor Miller. Naalala ko naman ang sinabi niya sa 'kin kanina. Nasasaktan ko na rin siya, pero hindi lang naman siya pati na rin sarili ko nasasaktan ko. Pero ang hindi ko kayang saktan ay si Kristoff. Kaya kong iisantabi ang nararamdaman kong ito para hindi ko siya masaktan. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa bahay at inalalayan naman ako ni Kristoff na makababa ng sasakyan.
"Are you sure you're okay?"
"Okay lang ako Kristoff, you don't have to worry," papasok na sana ako sa loob ng bahay ng muli niya akong tawagin.
"Louise," napalingon naman ako sa kan'ya. Lumapit siya sa 'kin at niyakap ako. Nagtaka man ako pero hinayaan ko na lang siya.
"P'wede ka pang umatras hangga't maaga pa Louise." Kumalas naman ako ng pagkakayakap sa kan'ya at tinitigan siya.
"What do you mean?"
"Kung ayaw mo naman talaga may pagkakataon ka pa"
"Kristoff desidido na 'ko"
"Pero hindi mo pa 'ko mahal." Nagyuko naman ako dahil hindi ko kayang salubungin ang kan'yang mga titig. Inangat naman niya ang mukha ko at mataman akong tinitigan.
"Tatanungin kita Louise. You want to get married despite na wala kang nararamdaman sa 'kin?" Matagal bago ako nakasagot sa kan'ya.
"Yes Kristoff, naniniwala ako na matututunan din kitang mahalin." Pilit naman siyang ngumiti sa 'kin at marahang pinisil ang pisngi ko.
"I'm looking forward of what you said to me love." Hinalikan niya ang aking noo at nagpaalam na rin siya. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong magsinungaling sa kan'ya, pinapaasa ko lang s'ya, alam kong mali pero ito ang nararapat para sa amin. Pagkaalis niya ay hindi ko na naman napigilan ang aking mga luha. Nasasaktan ako para kay Kristoff, pero mas nasasaktan ako dahil hindi ko p'wedeng mahalin si Doctor Miller. At hindi ko maibigay ang pagmamahal na dapat kay Kristoff. Pagkapasok ko sa loob ay naabutan ko si mamu Dyosa at mamu Edna na nagtatawanan, nahinto naman sila nang makita nila akong papalapit sa kanila. Nakaupo sila sa mahabang sofa at katulad ng dati pumwesto ako sa gitna nila.
"Mamu can you give me a hug?" Malambing kong wika sa kanila. Niyakap naman nila ako nang mahigpit at doon ay ibinuhos ko ang sakit na nararamdaman ko. Iyak lang ako nang iyak habang yakap-yakap nila ako.
"Baby loves, tahan na. Hindi man namin alam ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan, alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon mo ngayon. Kapag okay ka na p'wede mong sabihin sa 'min ni mamu Dyosa mo. Alam mo namang handa kaming makinig sayo." Saad sa 'kin ni mamu Edna habang hinahagod ang aking likod.
"Mamu hindi ko kaya, hindi ko siya kayang saktan. Hindi ko rin p'wedeng mahalin si Doctor Miller, dalawa ang masasaktan namin," wika ko sa kanila sa pagitan ng aking pag-iyak.
"Anak, kung ano ang sinasabi ng puso mo ay siyang sundin mo dahil kapag huli na baka mas lalo mo lang silang masaktan," malungkot na turan ni mamu Dyosa. Bakit kailangan kong maranasan ito? Wika ko na lang sa aking isipan.
WALLACE POV:
"Kailan mo pala balak isagawa ang DNA test Wal?" Tanong sa akin ni Jake habang naglalakad kami papunta sa canteen.
"May mga gamit pa si Celestine sa Condo ko, tinago ko 'yong hair brush na palagi niyang ginagamit kaya hindi mahirap na isagawa ko kaagad ang DNA." Napahinto naman akong bigla nang mamataan ko si Louise na parang tulala habang naglalakad. Pumasok din ito sa canteen at sinundan ko naman ito nang tingin.
"Anong nangyari kay Doctora Alcantara parang wala yata siya sa sarili n'ya?" Takang tanong ni Jake.
"Let's get inside Jake," yaya ko sa kan'ya. Pumila naman kami para kumuha ng pagkain at napansin ko naman sa kan'ya na parang namumutla siya at namamaga ang mata. Pinagmamasdan ko naman ang bawat kilos niya. Naupo siya sa kabilang lamesa at kami naman ni Jake ay nasa kan'yang likuran pumwesto nang hindi n'ya napapansin. Maya-maya ay may tumabi naman sa kan'yang isang nurse.
"Doctora Alcantara bakit namamaga po 'yang mata n'yo?" Tanong sa kan'ya ng nurse na kausap n'ya.
"H-ha? W-wala ito napuyat kasi ako kagabi eh, hindi ako masyadong nakatulog"
"Ah gan'on po ba? Hindi siguro kayo pinatulog ng hot boyfriend mo Doctora?" Napasimangot naman ako sa aking narinig. Napansin naman ito ni Jake at napangisi sa akin.
"Anong nginingisi-ngisi mo riyan?" Bulong ko sa kan'ya. Nagkibit balikat lang s'ya at nagpatuloy sa kan'yang pagkain.
"Hindi naman, inatake lang ako ng insomnia"
"Naku Doctora uminom po kayo ng gatas bago matulog nakakatulong po 'yon"
"Sige gagawin ko, salamat." Pansin ko rin sa boses niya na medyo matamlay siya. Hindi nagtagal ay tumayo na rin s'ya at nagpaalam sa kasama n'ya na mauuna na. Sinundan ko naman siya nang tingin habang papalabas siya ng canteen. Sinulyapan ko ang kan'yang kinainan na halos konti lang ang nabawas.
"You like her that much?" Napabaling naman ang tingin ko kay Jake at seryoso akong tinitigan.
"Hindi kami p'wede"
"Because she has someone else"
"Right, she's getting married to the one she doesn't love." Naikuwento ko na rin kay Jake ang tungkol sa pagpapakasal ni Louise kay Kristoff at kung ano ang naging dahilan.
"Ano ngayon ang plano mo, ngayong alam mo na ang dahilan kung bakit kailangan ni Doctora Alcantara magpakasal kay Kristoff?" Napabuntong hininga ako at napasandal sa aking upuan.
"I don't know what to do Jake, naguguluhan din ako. Pinilit ko ring pigilan 'tong nararamdaman ko para sa kan'ya pero habang tumatagal ay lalong lumalalim ang nararamdaman ko"
"Dahil kamukha s'ya ni Celestine at nakikita mo kay Doctora Alcantara si Celestine," matamang nakatingin sa 'kin si Jake at tila hinihintay ang isasagot ko.
"Noong una Jake. Aaminin ko si Celestine ang nakikita ko sa kan'ya at kung bakit ko rin s'ya nagustuhan. Pero magkaiba sila, magkamukha man sila pero iba ang nararamdaman kong pagmamahal kay Louise. Pagmamahal na alam nitong puso ko na huling tinitibok na. Pagmahahal na kahit hindi p'wede ay pilit pa ring lumalaban hangga't hindi niya sinasabi sa 'kin ng harapan na hindi n'ya ako mahal," mahabang litanya ko kay Jake. Sa pangatlong pagkakataon mabibigo na naman ba ako? Kailangan ko na bang itigil itong kabaliwan kong ito?
"Doctor Wallace! Tawag sa 'kin ni nurse Gina habang naglalakad ako sa may hallway ng ospital. Napahinto naman ako at lumapit s'ya sa akin.
"Yes nurse Gina may kailangan ka?" Nang makalapit na s'ya sa 'kin ay saka lang kami nagpatuloy maglakad.
"Doctor Wallace may kakambal po ba ang asawa niyo?" Natigilan naman ako sa tanong ni nurse Gina at taka siyang tinitigan.
"So nakita mo na pala?"
"Oo Doc, ako kasi 'yong pinagtanungan n'ya noong hinahanap niya ang opisina mo, para ngang nabuhay si Celestine Doc"
"Kahit ako nagulat din naman noong una ko siyang makita, nacurious din ako sa kan'ya. Pero napagtanto ko na magkaiba sila. Bigla akong natigilan nang makita ko s'ya at makakasalubong pa namin.
"Nurse Gina, just go with the flow," bulong ko sa kan'ya.
"P-po? Anong__" hindi ko na pinatapos ang ano mang sasabihin niya at bigla ko na lamang siyang inakbayan.
"H'wag kang magpapahalata okay?" Muling bulong ko sa kan'ya habang nakaakbay pa rin sa kan'ya. Hindi ko pinansin si Doctora Alcantara na kunwa'y hindi ko siya nakita at masaya naman kaming nagkukwentuhan ni nurse Gina. Pansin ko sa kan'ya ang pagtataka at nakita ko pa na kumunot ang kan'yang noo. Nang makalagpas na kami ay saka lang ako humiwalay kay nurse Gina at hinarap s'ya.
"Job well done nurse Gina," sabay kindat ko naman sa kan'ya.
"Naku Doc Wal ha! Parang alam ko na kung para saan 'yon," ngumiti naman ako ng pagak. "Doc be careful of your heart," tanging nasabi na lang niya sa 'kin na alam ko kung ano ang ibig n'yang ipahiwatig.
"Tara na nga nurse Gina kung ano-ano na ang nasasabi mo,"natatawa kong turan sa kan'ya at nauna na akong maglakad.