CHAPTER 21

2250 Words
"Sige na Lou pumayag ka na! Saglit lang naman tayo eh," pakiusap sa 'kin ni Sha-Sha. Nandito kami ngayon sa bahay at maaga pa lang ay pinuntahan na niya ako. Tanghali pa naman ang pasok ko kaya may time pa ako gumawa dito sa bahay. "Ayokong mag-inom okay! Noong last time tayo nag-inom halos mabaliw-baliw ako hindi ko na alam pinaggagawa ko" "Kasama naman natin si Kristoff eh. Sige na Lou ngayon lang naman ulit tayo lalabas after 2 years," may himig na pagtatampong turan niya sa akin habang ako naman ay napahinto sa pakukusot ng mga damit ko. "Oo na sige na! Kunwari'y napairap pa ako sa kan'ya. Napayakap naman siyang bigla sa akin at hinalikan pa ako sa pisngi sa sobrang tuwa. "Tuwang-tuwa ka girl ah!" Natatawa kong wika sa kan'ya. "Syempre kasi iinvite ko rin si Doctor Miller mamaya." Biglang kumalabog naman ang puso ko nang marinig ang panagalan niya at pinanlakihan ko siya ng mata sa gulat. "S-si Doctor M-miler kasama?" "Yes, kilala mo na ba siya?" "O-oo naman, actually kilala ko lang siya." "Para makilala mo rin s'ya ng lubos! Ang guwapo-guwapo n'ya Lou kinikilig nga ako kapag tinititigan ko s'ya eh," masayang kuwento n'ya sa 'kin. Parang gusto ko nang bawiin sa kan'ya ang sinabi ko. Ang totoo niyan gusto ko na rin makita si Doctor Miller, kaya lang baka pag nakita ko siya ay lalo lang akong mahirapan sa nararamdaman ko para sa kan'ya. "Hoy Lou anong nangyari sayo bakit natulala ka na?" "Ahm, Sha-Sha__" "Hep! Bawal na umatras basta kita na lang tayo mamaya okay?" Hindi na 'ko nakapagsalita ay basta na lamang siyang tumalikod at umalis na ng bahay. Napabuntong hininga na lang ako, dahil ito ang unang beses na makakasama ko siya. Para na akong sasabog ngayon sa sobrang kaba habang iniisip ko na magkikita kami mamaya sa bar. Tumayo muna ako sa pagkakaupo ko sa paglalaba at tinungo ang kusina para uminom ng tubig. Huminga ako nang malalim pagkatapos at pilit pinapakalma ang aking sarili. "Louise isipin mo na lang na walang nangyari okay? Bulag ka ngayon, kunwari may amnesia ka. Basta! Ayokong isipin," sabi ko sa aking sarili sabay tapik sa aking noo. Kakalabas ko lang ng E.R dahil may pinuntahan akong pasyente nang makita ko naman si Doctor Miller na papunta rin sa E.R. Busy siya sa pagbabasa ng hawak niyang folder kaya bigla akong nagtago. Pakiramdam ko tuloy ay mayroon akong nagawang kasalanan sa kan'ya at pinagtataguan ko siya. "Doctora? Ano pong ginagawa ninyo riyan?" Napalingon naman ako sa pagtawag sa akin ng nurse. Nasa likod ako ng pintuan ng isa sa mga kwarto ng pasyente at kanina pa pla sila nakatingin sa akin. "Ha? Ahhmm, ano kasi...may hinahanap lang ako pasensya na po sa istorbo." Pagkasabi kong 'yon ay lumabas na ako ng kwarto at napaatras naman ako sa gulat nang makita ko si Doctor Miller sa tapat ng kwarto at nakahalukipkip. Napatulala naman ako sa kan'ya at napalunok hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa pagkamangha. Ngayon ko lang napagtanto na napaka-guwapo pala talaga niya at malakas ang appeal. Kung ipagkukumpara ko si Kristoff at si Doc Miller__ napahinto lang ako sa aking pag-iisip ng hindi ko namamalayang nakalapit na pala siya sa akin. "Tinataguan mo ba ako?" "H-hindi ah! Nauutal kong wika sa kan'ya. "Anong ginagawa mo roon sa loob ng kwarto?" "M-may hinahanap lang ako" "Who?" "Bakit ba ang tsismoso mo? "E bakit mo 'ko iniiwasan? "Hindi kita iniiwasan okay! "And then why? Sa tuwing makikita mo 'ko bakit kailangan mo 'ko taguan?" Hindi ako makapagsalita sa kan'yang sinabi at nanatili lang akong nakatitig sa kan'ya. "Is it because__" "Stop! Hindi ko na pinatapos pa ang anumang sasabihin niya. "Kung ano man ang nangyari sa 'tin, wala lang 'yon. Kalimutan na natin 'yon, nabigla ka lang at nabigla rin ako." Kita ko ang pagkunot ng noo ni Doctor Miller at napabuga ng malakas sa hangin. "Wala lang 'yon? Para sa'yo wala lang 'yon? And how about me?" "What do you mean how about you? Wala namang namamagitan sa 'tin. At isa pa may fiance na ako Doctor Miller" "Do you love him?" Walang paligoy-ligoy niyang tanong sa 'kin. Napaiwas naman ako nang tingin at akmang aalis na ng bigla n'yang hawakan ang palapulsuhan ko. "I'm asking you Doctora Alcantara, do you love him?" "I'm getting married Doctor Miller." Pagkasabi kong iyon ay tinanggal ko ang kan'yang kamay bago ako tuluyan nang umalis. Napapikit ako nang mariin habang mabilis akong naglalakad palayo sa kan'ya. Gusto ko s'yang sagutin sa tanong niya pero hindi ko magawa. Kailangan kong pigilan ang sarili kong nararamdaman. WALLACE POV: Padabog kong isinara ang pinto ng aking opisina pagkapasok na pagkapasok ko at pabagsak akong naupo sa aking sofa at hinilot ang aking sentido. Maya-maya pa ay biglang nagring ang aking cellphone. Nakita kong si Shania ang tumatawag. Napabuntong hininga muna ako bago ko ito sinagot. "Yes Shania," walang gana kong sagot. "Busy ka ba?" "Hindi pa naman bakit? "Yayayain sana kita mamaya magbar, kasama ko 'yong friend ko na kinukwento ko sa'yo" "I'm not in the mood to hang out" "Sige na naman please doc, ako lang ang walang partner maiinggit lang ako sa kanila" "E 'di wag ka nang sumama sa kanila!" may himig kong inis sa kan'ya. "Galit ka ba?" Bigla naman akong natauhan dahil sa tinuran ko. "I'm sorry Shania medyo pagod lang kasi ako eh, sige sasama na 'ko mamaya" "Yehey! Kita na lang tayo sa Roco's bar mamaya ha?" Binaba ko na kaagad ang tawag matapos kaming mag-usap. Iniisip ko pa rin ang sinabi ni Louise kanina. Bakit n'ya kailangan pakasalan si Kristoff kung hindi naman n'ya ito mahal? Alam ko na may dahilan s'ya at alam kong hindi n'ya kayang saktan si Kristoff. Kailangan ko na bang palayain 'tong nararamdaman ko para kay Louise? Napasandal ako at mariing pumikit. "Hello Lou nasan na kayo?! Tanong ni Shania sa kausap n'ya sa kan'yang cellphone. Nandito na kami sa loob ng bar ni Roco at hinahanap ang kaibigan n'ya. "Tara na Doc nasa taas na raw sila." Nagtungo naman kami sa taas para puntahan ang kaibigan n'ya, dahil medyo madilim at tanging dim light lang ang ilaw roon ay hindi ko namukhaan ang kasama niya. Nang tumama sa mukha niya ang liwanag na nanggagaling sa dance light ay saka ko lamang lubos nakita ang kan'yang mukha. Sabay pa kaming nagulat at maya-maya ay siya na rin ang nag-iwas nang tingin nanatili pa rin akong nakatayo at hindi makapaniwala na siya ang kinukuwento ni Shania na kaibigan niya. Masyado na nagiging kumplikado ang sitwasyon namin, masyado ng maliit ang mundo. "Hey Honeybunch! Tatayo ka na lang na d'yan? Tawag sa 'kin ni Shania. Naupo naman ako sa kan'yang tabi at kaharap si Louise at Kristoff. "Doctor Miller, hindi ko alam na magkakilala pala kayo ni Sha-Sha," nakangiting turan sa 'kin ni Kristoff. Nakatingin naman ako kay Louise samantalang siya ay nakayuko naman na para bang ayaw akong tignan o makita. "Ah yes, we have met accidentally" "At natulog na rin s'ya kaagad sa bahay ko," sabay naman kaming tatlo na napalingon kay Shania at pinanlakihan ko s'ya ng mata. "Don't worry walang nangyari, natulog lang talaga siya dahil lasing na lasing s'ya. "Ikaw talaga Sha-Sha tinake-out mo naman kaagad si Doctor Miller!" Natatawa at naiiling na wika ni Kristoff. Pansin ko naman na napairap si Louise at sabay uminom ng kan'yang alak. Inisang lagok lang n'ya 'yon na ikinagulat ko. "Love slow down, hindi naman tayo magmamadali" "Namiss n'ya kasi mag-inom! Aayaw-ayaw pa s'ya kanina, kita mo naman oh, naka dalawang bote na s'ya," baling naman ni Shania kay Louise. Hindi ko naman inaalis sa kan'ya ang aking pagkakatitig. Naiinis ako sa sarili ko dahil bakit kailangan kong maramdaman ito sa kan'ya? Alam kong hindi p'wede pero hindi ko kayang pigilan ang sarili kong nararamdaman. Maya-maya ay napansin kong nakaka-limang bote na s'ya at medyo namumula na rin. Pipigilan ko sana s'ya nang akma n'yang kukunin pa ang isang bote ng alak, ngunit nakuha ito kaagad ni Kristoff. "Love that's enough, you're getting drunk," marahang sabi nito kay Louise. "Kristoff ayos lang ako, kaya nga tayo nandito para mag-enjoy 'di ba?" "Hayaan mo na muna s'ya Kristoff, saka kasama ka naman niya if ever malasing s'ya." Napakuyom naman ako ng palad sa sinabing iyon ni Shania. Nagseselos ako pero wala akong karapatan. Hindi ko s'ya pag-aari at isa pa ikakasal s'ya kay Kristoff. Napainom na lang ako ng alak at nag-iwas ng tingin dahil kita ko ang paghalik ni Kristoff sa kan'yang noo. "Wait lang magbabanyo lang ako," paalam n'ya kay Kristoff. "Samahan na kita" "H'wag na Kristoff, sandali lang naman ako" bumaba na si Louise at balak ko sana s'yang sundan nang magsalita si Kristoff. "We're getting married," napabaling ang tingin ko sa kan'ya. Pero pansin ko parang hindi s'ya masaya pagkasabi niyang iyon. "Wow! Congrats! Kailan ang kasal?" Masayang turan ni Shania. At ako'y nakatitig lang kay Kristoff at hinihintay ang susunod n'yang sasabihin. "Hindi ko alam kay Louise, kung anong date ang gusto niya. It's up to her kung pakakasalan niya ako o hindi." Malungkot n'yang wika. "Ang alam ko ang mga taong nagpapakasal ay mahal ang isa't-isa," saad ko sa kan'ya at napabaling naman ang tingin niya sa 'kin. Marahan siyang tumango at pilit na ngumiti. Sumimsim muna siya ng alak bago muling nagsalita. "That's right Doctor Miller, sa kaso namin ni Louise dahil sa isang kasunduan lang kaya kami magpapakasal," sa puntong 'yon ay mas lalo akong nag-isip. "A-anong kasunduan?" "Kasunduan na magpapakasal sa 'kin si Louise dahil sa kasunduan ng mama niya at ng daddy ko. Malaki ang utang ng mama ni Louise kay dad at para mabayaran 'yon kailangan n'yang magpakasal sa 'kin." Napabuntong hininga naman ako at napamura sa aking isipan. So, ito pala ang dahilan ni Louise kung bakit gan'on na lang n'ya ako iwasan. Napatayo naman akong bigla para puntahan si Louise. "Teka honeybunch saan ka pupunta?" "Magbabanyo lang ako saglit," tumango lang s'ya at mabilis na akong bumaba. Tinungo ko ang comfort room ng mga babae at nakita ko s'ya na papalabas na. Mabilis ko s'yang hinawakan sa braso na ikinagulat n'ya. Pumasok kami sa loob ng banyo ng mga babae at nilock ko ang pinto. Gulat niya akong tinitigan at napaatras pa siya ng bahagya. "Ano sa tingin mong ginagawa mo?! Singhal n'ya sa 'kin. "Hindi mo pa sinasagot 'yong tanong ko sa'yo" "Ano bang gusto mong malaman?! "You're feelings," nakatingin lang kami sa isa't-isa at wala ni isang katagang lumabas mula sa kan'ya. Ilang segundo pa ang lumipas ay siya na rin ang nagbaba ng tingin. "S-sige mauna na 'ko hinahanap na yata ako ni Kristoff," akmang lalagpasan na n'ya ako pero humarang naman ako sa may pintuan. "Answer me first" "Wala akong isasagot sa'yo Doctor Miller, kaya p'wede ba palabasin mo na ako" "Tell me right in front of me that you love Kristoff," pansin ko ang panunubig ng kan'yang mga mata at mariing kinagat ang kan'yang ibabang labi. Mabilis akong lumapit sa kan'ya at hinalikan s'ya sa mga labi. Ramdam ko naman ang panginginig ng kan'yang labi at kusa din itong gumalaw habang hinahalikan ko siya. Naghiwalay lang ang aming mga labi ng bigla n'ya akong tinulak at sapo n'ya ang kan'yang noo. "This is not right Doctor Miller! "At ano ang tama? Ang magpakasal ka sa taong hindi mo mahal? Dahil sa isang kasunduan kaya napilitan kang magpakasal?" "P-paano mo nalaman?" "Kristoff told me everything," ngumiti s'ya ng mapait at muli akong tinitigan. "Kahit gan'on pa man itutuloy ko pa rin ang kasal" "How about your own feelings? I know how you feel__" "You know? Bakit psychiatrist ka ba para malaman kung ano ang nararamdaman ko?! "Dahil alam ko kung ano talaga ang tunay mong nararamdaman para sa 'kin! Saglit s'yang natahimik at ang kanina pa niyang pinipigilang luha ay dumadaloy na sa kan'yang pisngi. "Alam mong hindi p'wede, ayokong makasakit. Ayokong masaktan si Kristoff at lalo na si Sha-Sha, she's my bestfriend" "Walang namamagitan sa 'min! "She likes you Doctor Miller! "Ayaw mong makasakit? Pero sinasaktan mo 'ko." Napaiwas naman s'ya ng tingin sa 'kin. Lalapitan ko sana s'ya pero mabilis siyang umatras at tinitigan ako na patuloy pa ring umaagos ang luha. "Please Doctor Miller, 'wag na natin pang pahirapan ang mga sarili natin. Umiiwas na 'ko sa'yo kaya please sana gan'on ka rin. Kung ano man 'yang nararamdaman mo para sa 'kin, ibaling mo na lang kay Sha-Sha." Matapos n'yang sabihin 'yon ay nilagpasan na niya 'ko at mabilis na lumabas ng banyo. Hindi ko alam kung kailangan ko na bang isuko ang pagmamahal ko sa kan'ya o magpapatuloy pa rin ako gayong hindi pa ako nag-uumpisa ay talo na 'ko. Kaagad akong lumabas sa banyo at hinanap ko s'ya ngunit hindi ko na ito makita. Umakyat na ako sa itaas kung saan kami nakapwesto pero si Shania na lang ang naabutan ko. "Nasaan na sila?" Tanong ko sa kan'ya. "Kakaalis lang, hindi mo ba nakasalubong? Sumama raw kasi ang pakiramdam ni Lou kaya ayon nagyaya ng umuwi." Napahilot naman ako ng batok at binalingan si Shania. "Let's go home" "Mamaya na tayo umuwi please?" Pagsusumamo n'ya. "I'm tired Shania," bumuntong hininga muna siya at tumayo na rin. "Pero ikaw ang maghahatid sa 'kin okay ba 'yon?" Tumango lamang ako sa kan'ya at lumabas na rin kami ng bar. Let's see Doctora Alcantara kung hanggang saan ang kaya mong tiisin. My plan is about to begin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD